60

4.9K 210 26
                                    

Panay ang tunog ng phone ni Kendra nang tawagin na ang Fireplay para mag-perform. Bago pa man iyon, kausap niya si Major at tinatanong nito kung nanonood ba siya ng livestream.

Nag-message rin sina Harley sa group chat nila, ganoon din si Kerynne na nasa mismong concert para sabihing sina Major na ang magpe-perform.

Bumilis din ang tibok ng puso niya dahil excited siya. Palagi naman siyang nanonood sa livestream. Mas gusto rin niya dahil natututok ang camera sa mukha mismo ni Major.

Malakas na tumunog ang drums at nag-iba ang setting ng ilaw. Naging silhouette at nagkaroon ng apoy na video sa malaking LED na nasa likuran ng banda. Naging silhouette ang apat na kalalakihan hanggang sa ma-focus ang video sa mukha ni Major.

Major widely smiled at the crowd while holding a microphone and Kendra's heartbeat violently raced.

Nakasuot ng itim na t-shirt si Major na mayroong tatak na maliit na apoy sa kanang bahagi. Nakita rin niya ang kwintas nitong mayroong pendant na letter K at suot sa kanang kamay ang stainless steel bracelet na regalo niya.

"Good evening naman sa inyong lahat!" Major greeted and the crowd screamed. Kendra could hear it all.

Tumutugtog ng random chords si Forest at Kio habang nagsasalita si Major, tumutunog naman ang bass ng drums mula kay Zero. Isa-isa ring ipinakita sa LED screen ang mga ito.

"First song," Major smiled widely. "Hi, bebu. I know you're watching and this song's for you," he pointed at the camera and winked.

Kendra chuckled and shook her head. Nakasuot siya ng oversized shirt, pajama na mayroong cookie prints, at mayroong facemask para sa skincare routine niya. Nakagat niya ang ibabang labi nang marinig ang unang tugtog dahil pamilyar siya sa kanta.

Nilakasan niya ang volume ng laptop niya habang pinakikinggan si Major. Kapag magkasama sila, gusto niyang siya lang ang kinakantahan dahil iyon lang ang pagkakataon para ipagdamot ito sa iba.

Major's voice was in between hot and cold. Puwede nitong palalimin, pero puwede ring chill lang.

The song was Endlessly by The Cab and while watching Major perform, Kendra knew that her boyfriend really loved what he was doing.

"I'm not perfect, but I swear, I'm perfect for you," Major smiled and scraped his lower lip using his upper teeth.

Agad na hinaplos ni Kendra ang pendat ng kwintas niya. It was Major's initial, too. Siya mismo ang nagpagawa niyon para sa kaniya kaya nagpagawa rin si Major para sa sarili na initial naman niya.

Niyakap niya ang unan habang patuloy na pinanonood si Major sa pagkanta. Performer talaga ito at nag-e-enjoy sa tuwing nasa stage. Maraming nakakikilala, maraming fans, maraming may gusto . . . kaya minsan hindi niya alam kung ano ba ang nakita nito sa kaniya.

Kendra shook her head and focused on Major instead. She never doubted his love—not even a second. Naisip na rin niya na sasabihin na niya ang tungkol sa mga magulang niya dahil nagiging tampuhan na rin nila ang tungkol sa hindi niya pagpayag sa pag-post.

Ang rason? Nahihiya siyang malaman nito na college na siya, graduating na nga, pero ganoon pa ang mindset ng parents niya. May rason naman. She knew that her parents were just protecting her, too, but she remembered Rustan.

Rustan was her first boyfriend. The relationship was okay, it was smooth, but he didn't like the idea of them hiding.

Umpisa pa lang din, sinabihan na siya ni Kerynne sa relasyong papasukin niya. Aware naman siyang ayaw ng parents niya, pero ang lakas ng loob niyang makipagrelasyon sa public figure.

. . . it took Major a year before she said yes because of doubts and fears . . . but she wanted him, too!

Muli niyang ibinalik ang atensyon kay Major at hinaplos ang screen ng laptop niya. Nagsabi rin itong pupunta sa condo niya pagkatapos ng concert, pero hindi niya sigurado kung matutuloy iyon dahil kadalasang nagkakaroon ng after-party o mag-iinuman ang mga ito.

Okay lang naman sa kaniya iyon. Malamang na kinabukasan na nga silang magkikita.

Natapos ang kanta at mayroon kaagad na sumunod na isa. Sa pagkakaalam ni Kendra, lima ang kakatahin ng Fireplay kaya malamang na pagod na naman ito pagdating sa kaniya.

"I love you," bulong ni Kendra at tipid na ngumiti. "And I am so proud of you."


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now