25

6.4K 289 26
                                    

Pinakikinggan lang ni Major si Kendra habang nagkukuwento ito tungkol sa ginawa sa maghapon. Gustong-gusto niyang malaman kung ano ba ang nangyari sa mga nakaraang araw na hindi sila nagkikita.

Nasa iisang school lang naman sila, pero bihirang magtagpo. Pang-umaga si Kendra, panghapon naman ang schedule ni Major. Bukod pa sa oras, magkalayo ang building nila. Dulo at dulo pa nga.

Madalas pa rin naman silang nagkikita sa video call o sa random pictures na sine-send nila sa isa't isa, pero iba pa rin kapag nagkikita sila sa personal.

"Are you listening?" Kendra said in a low voice. "Hindi ikaw sumasagot."

"Kuwento ka lang," ani Major at inabutan ng fries si Kendra. "Natutuwa ako sa pagkuwento mo, eh. Gusto kong malaman 'yong mga ginawa mo nitong mga nakaraan."

Instead of saying anything, Kendra stood up and sat on Major's lap. She rested her head on his shoulders. "How's your day, bubba?"

Major caressed Kendra's back. "Okay naman. Pagod. Medyo sunod-sunod kasi 'yong practice lately para sa gig. Can I sleep here?"

"Oo naman." Nag-angat ng tingin si Kendra at hinaplos ang pisngi ni Major. "You can stay this weekend if you want to. Wala naman akong planong umalis. Busy rin si Kerynne, eh. I don't wanna go anywhere."

"Are you sure I can stay?" Major asked. "Ayaw mong nandito ako kasi hindi ka nakaka-sleep and hindi ka nakakapag-review."

Ngumiti si Kendra. "You can stay, basta hindi ka masyadong makulit! How's your studies pala? You're busy with gigs lately."

"All good. Ginagawa ko siya after gigs sa madaling araw. Gusto ko na ring maka-graduate like what I promised. Para makapag-focus na rin ako sa banda sa mga susunod," sagot naman ni Major. "Let's go abroad after graduation. Tingin mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Kendra at ngumiti. "Where?"

"Saan mo ba gusto?" tanong ni Major. "Kung saan mo gusto, punta tayo. Nag-usap din kami na after ng graduation, baka magpahinga muna kami kahit sandali. Sinabi na rin namin sa manager."

"Pumayag na siya?" tanong naman ni Kendra.

Tumango si Major. "Oo. Si Forest din kasi, gusto muna niyang mag-spend ng time with Rain. Gusto niyang bumawi kasi nawalan siya ng time nitong last year sa college 'tapos sunod-sunod 'yong mga guestings ng banda."

"Right," malungkot na sambit ni Kendra. "Good na babawi siya kay Rain. It's time and I'm happy na you'll rest na rin muna."

"Bebu time na," ani Major at hinalikan ang pisngi ni Kendra. "Si Kio naman, hindi ko sure kung anong plano niya sa mga susunod. Si Zero, clueless din ako."

Hinaplos ni Kendra ang pisngi ni Major. "Eh, you? What's your plan?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Major. "I'm not sure yet. Bahala na sa mga susunod, but mostly, I wanna spend time with you. Babawi ako kaya let's plan after graduation? What do you think?"

Tumango si Kendra at muling inihilig ang ulo sa balikat ni Major. Tahimik silang nakatingin sa TV nang basta na lang iyong patayin ni Kendra. Madilim ang buong kwarto at tanging ilaw galing sa katabing condo ang nagsilibing liwanag nila.

"Can I request?" Kendra murmured. "Private song, bubba?"

Major chuckled lowly. "What song?"

"Ikaw bahala," ani Kendra at ipinikit ang mga mata. "I want a song na hindi mo pa nakakanta sa labas and I'll be the first to hear from you. Kahit anong song, bubba, please?"

Major nodded and played with Kendra's hand. He kissed her forehead while thinking of a song and breathed.

Nagulat si Kendra sa kantang napili ni Major, pero hinayaan niya ito. She thought he would choose an english song like he used to sing anywhere, but she was wrong when her boyfriend started singing a tagalog song.

Nag-angat ng tingin si Kendra at sinalubong ang tingin ni Major habang mahina itong kumakanta. The voice was something she loved, of course, deep and cool.

"Sa isang sulyap mo, ayos na ako," pagpapatuloy ni Major habang hinahaplos ang likod ni Kendra. "Bakit ka ganiyan makatingin?"

"I didn't expect you'll sing an old OPM na I'm not really familiar with," sagot ni Kendra. "But I like it, bubba."

Mahinang natawa si Major. "Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito. . ."

"Bubba," Kendra's brows furrowed. "Can I have one request?"

"Kahit ilan pa," sagot naman ni Major.

Hesitant si Kendra dahil parang ang damot, pero hindi na siya magpapapigil. "I'm being selfish, pero 'pag possible ba na 'yung kinakanta mo kapag tayong dalawa lang, you won't sing it anywhere na? I like my private concerts so much. Not the Major of Fireplay, but my boyfriend?"

A smile crept on Major's lips. Instead of saying anything, he buried his face in Kendra's neck.

"Bubba, is that a yes or no?"

"Siyempre, yes. Ikaw lang malakas sa 'kin, eh," Sinalubong niya ang tingin ni Kendra. "Ang cute mo magdamot. Sana always."


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now