CHAPTER 11- For the first time..

98.6K 1.9K 216
                                    

CHAPTER 11- For the first time..

CALVIN's POV

"Oh Calvin anung sabi nung dean?" -Alexei paglabas ko ng guidance office

"Pinapatawag ang parents ko. Pano na ko neto Alexei?"

Tiningnan lang ako ni Alexei tapos..

"Dyan ka lang. Ako ang bahala sayo!" -sabi nya sabay pasok dun sa guidance office

Wat the? Anung gagawin nya? Hindi kaya tututukan nya ng kutsilyo yung dean at tatakutin tulad ng ginagawa nya sakin lage? O__O! Posible nga yun!

"Alexei! Wag mong gagawin yun!" -papasok na sana ako ng pinto nung guidance office kaso naka lock!

Sh*t! Mas papalalain nya lang ang sitwasyon kung yun ang gagawin nya!

Kaso wala na akong nagawa kung hindi maghintay sa labas since naka lock nga yung pinto.

Maya maya, lumabas na rin si Alexei..

"Ok na Calvin, hindi mo na kailangang papuntahin dito ang parents mo." -Alexei

"Sigurado ka? hindi ka nagbibiro?"

"Itanong mo pa dun sa dean.."

Sumilip naman ako sa loob at ngumiti lang yung dean sa akin..

"Anung ginawa mo sa kanya? Tinutukan mo rin sya ng kutsilyo?"

"Anu ka ba Calvin, hindi ko yun gagawin sa dean no. Nagpaliwanag lang ako sa kanya."

"Nagpaliwanag? Eh ako nga ilang beses ng nagpaliwanag sa kanya pero pinatawag parin nya ang parents ko! Sabihin mo na kasi sakin, anu ba talagang ginawa mo?"

"Akin na lang yun." tapos naglakad na sya

"Hoy Alexei sabihin mo na kasi sakin! Anung ginawa mo?!" hinabol ko naman sya, ngayon sabay na kaming maglakad

"Wag ka ng makulit Calvin. Magpasalamat ka na lang sakin. Tsaka panalo kayo sa contest diba? Dapat tayong magcelebrate! Ilibre mo ko since panalo ka!"

"Ililibre kita pero pumunta muna tayo ng clinic!" -sabi ko sabay higit sa kanya

"Bakit tayo pupuntang clinic? diretso na tayo sa park!"

"Wag kang makulit, basta pupunta tayong clinic!" at hinigit ko na nga sya papunta dun

.

.

"Tsk, hindi na naman kasi kailangang gamutin yung sugat ko eh. Mas gusto ko pa ngang iwan yun ng ganun para mas astig ang itsur-- aw!" -binatukan ko sya

"Anung astig dun? Eh kung ma infect yan?"

"Kailan ka pa naging concern sakin?"

"Hi-hindi ako concern sayo no!"

"Sus! Hindi daw, eh hindi mo nga napansin si Nina kanina dahil sa paghabol mo dun sa lalaking nanakit sakin."

Pagsabi niya nun natigilan ako, anung sabi nya? Si Nina? Hindi ko napansin?

"Totoo ba ang sinasabi mo?"

"So hindi mo nga talaga sya napansin? Tinatanong ka nya kanina kung saan tayo pupunta nung higit higit mo ako, pero hindi mo sya sinagot."

Wat the? Panu nangyari yun? Panu nangyaring hindi ko napansin si Nina at hindi ko sya sinagot?

"Nasan na kaya sila? Alam mo?" -ako

"Ang alam ko umuwi na si Nina kasama si Crissa, tapos yung best friend mo, dadaan na lang daw sya sa condo mo mamaya, may emergency lang daw sa bahay nila, kaya bumili ka daw ng alak sabi nya, magcecelebrate daw kayo."

Along Came This GirlWhere stories live. Discover now