CHAPTER 6 - HIDDEN FEELINGS

108K 2K 211
                                    

CHAPTER 6 - HIDDEN FEELINGS

CALVIN's POV

Dinala ko si Chase sa living room, habang si Alexei nagluluto sa kusina..

"Chase, makinig ka sakin huh? Alam kong medyo mahirap maniwala sa sasabihin ko sayo, pero Chase pare, nagsasabi talaga ako ng totoo.." sabi ko kay Chase habang naka upo kami sa sofa.

Nakatulala lang sya akin..

"Ah ganto kasi yun, isang gabi, nagutom ako kaya pumunta akong 7-11.. tapos nakasalubong ko si Alexei nun habang naglalakad ako pauwi. Akala ko nagugutom lang sya so binigyan ko ng pagkaen. Tapos nag ask syang makitulog sakin ng isang gabi kasi wala syang matulugan. Naawa naman ako, then the next day.. BOOM! Nung pinapaalis ko sya tinrethean na nya ako! Pag hindi ko daw sya pinatira dito, patay ako sa kanya.. tapos eto pa, hindi ko alam kung anung isip meron yang babaeng yan at nagbitbit pa ng sanggol na napulot daw nya sa may basurahan! So ayun.. yan ang tunay na storya kung bakit nakatira sa bahay ko si Alexei, pero Chase wala kaming relasyon!"

O______________O >>> Chase

nakatulala parin..

"Chase? Chase! Hoy sumagot ka! Naniniwala ka ba sa akin huh?"

"Ou naman! Naniniwala ako sayo Calvin!" -Chase

"Hays salamat akala ko--"

"Asa.." -Chase

"Huh?"

"Asa ka pang maniniwala ako sa sinasabi mo Calvz! Alam mo kung nakabuntis ka, wala namang masama eh. Wag mo na lang akong lokohin Calvz.. tsaka sa susunod.. gumawa ka ng mas maayos na kwento huh? yung mas kapani paniwala." -Chase

wait wat the??

"Chase! Hindi ako nagsisinungaling! totoo ang sinasabi ko promise!"

"Nung una hindi ko maintindihan kung bakit parang mas type ka ni Cerys kesa sa akin,but now I know.. It's because meron na kayong anak! that's it! Kaya Calvz, kahit anu pang sabihin mo, hindi ako maniniwala sayo! swerte mo nga eh, ang ganda ng nakuha mo.."

"Pero Chase hindi ko nga kasi--"

"Calvz, wag mo ng itanggi ok? aalis na ko.." -Chase na naglalakad na paalis

Naman oh! bakit ba ayaw nila akong paniwalaan? totoo naman kasi yung sinasabi ko eh! T____T

"Pero Chase, maniwala ka please.. Cga---"

"Nagsasabi sya ng totoo!" e-eh??

Natigil kaming dalawa ni Chase at napaharap kay Alexei..

"Totoong pinilit ko lang si Calvin na patirahin ako dito.. At hindi niya anak to, napulot ko lang talaga to sa may basurahan. Kaya ikaw lalaki, ngayong alam mo na ang totoo, wag na wag mong sasabihin to sa school huh? Lalong lalo na kay Nina..."

Napakamot bigla ng ulo niya si Chase.. tapos

"Hahaha.. asar naman oh.. ang ganda na ng acting ko.. akala ko pa naman maloloko ko si Calvin." -Chase

"Anu bang sinasabi mo Chase?"

"Ang totoo naniniwala naman kasi ako sayo eh.. Isang beses nameet ko na si Cerys tapos tinutukan niya ako ng kutsilyo, so hindi malabong magawa niya yung sinasabi mo hehe. Gusto lang naman kitang pagtripan Calvz eh.. kaso.. yun nga.. tch.. haha.."

"Ikaw talaga Chase!!"

"Hahaha. Oh sige kailangan ko na talagang umalis. Wag kayong mag alala,  hindi ko ito ipagsasabi sa school." aalis na sana si CHase.. pero bigla  syang lumapit sa akin tapos..

Along Came This GirlWhere stories live. Discover now