CHAPTER 22- "Thank you."

73.6K 1.9K 262
                                    

CHAPTER 22- "Thank you."

CALVIN's POV

Limang buwan...

Limang buwan narin ang nagdaan pero hindi parin bumabalik si Alexei. Wala akong kahit na anong balita tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan na ba sya, kung okay lang ba sya, o kung babalik pa ba sya. Wala talaga akong kaalam-alam na kahit ano... pero hindi ko parin magawang sumuko sa kanya. My whole system won't let me give up on her. Her smile... it won't let me let go of her.

Isang araw na naman ng klase ang natapos at ngayon papunta na naman ako sa malapit na bayan para pumunta sa bawat laundry shop na meron dun, syempre para magbakasakali na nandoon si Alexei. Oo, hanggang ngayon hindi ko parin tinitigil ang pagpunta sa mga laundry shops. Alam ko namang walang naglaba na inabot ng limang buwan, pero wala eh, I guess mas gusto kong isipin na nagpalaba lang sya at inabot ng sobrang tagal, kaysa isipin na... iniwan na n'ya ako. Sa tuwing uwian namin sa school, puro mga naaawang tingin ang natatanggap ko sa mga kaklase ko o di kaya puro bulungan ng ibang studyante ang naririnig ko sa mga hallway na dinadaanan ko talking about how crazy I am dahil sa lage ko paring pagpunta tuwing uwian sa mga laundry shops, desparately looking for a girl who left me without a word, pero wala akong pakialam. Yung mga tingin at bulungan nila, habang tumatagal I learned to take them all in, wala namang mali kung isipin nilang nababaliw na ako, kasi I, myself,  thinks exactly the same way.

Papasok na ako sa isang laundry shop sa bayan na malapit sa school namin nang biglang may humigit sa braso ko kaya hindi ako tuluyang nakapasok.

"Ano'ng ginagawa mo?" Si Chase, sya pala yung humigit sa akin. Sa wakas inimikan narin n'ya ako.

"Hinahanap ko si Alexei." sagot ko. Binitawan na n'ya ang braso ko matapos kong sumagot.

Hinilot-hilot nya yung noo n'ya bago s'ya nagsalita, "Alam mo ba kung ano ng sinasabi tungkol sayo ng mga tao sa school natin?"

"Na nababaliw na ako? Na para akong tanga? Alin dun?"

Napabuntong hininga s'ya, halatang banas na banas s'ya sakin, "Alam mo naman pala lahat ng sinasabi nila eh! Bakit hindi mo pa itigil to? Wala s'ya dito Calvin! Kahit ilang beses ka pang magpabalik-balik dito, hindi mo s'ya makikita! Wag kang tanga!"

"So... ano'ng gusto mong gawin ko? Sumuko na lang, ganun? Nagpapatawa ka." Tatalikod na sana ako at papasok dun sa laundry shop pero hinigit ako ni Chase tapos sapilitan n'ya akong isinakay sa isang taxi.

Tumigil yung taxi sa harap ng condominium na tinitirhan ko. Bwisit na bwisit ako pagkababa namin.

"Ano bang problema mo Chase? Kung ayaw mo s'yang hanapin, wag mo! Basta ako hahanapin ko si Alexei!" tinulak ko s'ya pagkababang-pagkababa namin.

Tatalikod na sana ako sa kanya para pumara muli ng taxi pero hinigit na naman n'ya ako paharap sa kanya.

"Tama na Calvin! Bumalik ka na lang dun sa condo mo! Asikasuhin mo si Baby Red!"

"Binabantayan s'ya  ng maayos nung landlord."

"Bumalik ka na sabi dun! Tara na, tara na dun!" Hinigit n'ya ako papasok ng condominium pero nakawala ako sa kanya halfway.

"Calvin--"

"Akala ko ba mahal mo si Alexei?"

"Mahal ko s'ya pero--"

"All this time akala ko pareho tayo ng nararamdaman para sa kanya, pero mukhang mali ako. Hindi ko alam na ganyan pala kababaw yung pagmamahal mo! Buti na lang pala hindi ko s'ya pinaubaya sa'yo!"

"Hindi sa mababaw ang pagmamahal ko, alam ko lang kung kailan ako dapat sumuko."

"Paano mo nagawang sukuan s'ya ng ganun na lang? Ako kasi, hindi ko magawa eh. Mahal ko s'ya Chase, ilang beses ko ng nasabi yun sa kanya, pero ayokong hanggang salita lang ako. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo s'ya susukuan sa loob lang ng limang buwan. Kung totoong minahal mo si Alexei, maiintindihan mo ako. Gagawin mo rin tong ginagawa ko. Minahal mo nga ba talaga s'ya Chase? o hanggang salita ka lang?"

Along Came This Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن