CHAPTER 21- Too Much Happiness

90.5K 1.8K 289
                                    

CHAPTER 21- Too Much Happiness

CALVIN's POV

"Calvin hintayin mo ako! Baka mawala ka! Hintayin mo si Kuya!" sigaw ni Chase, ang kapitbahay namin na may sira sa utak, pinipilit nya ako lageng maging nakababatang kapatid nya!

"Hindi kita sabi kuya! Wala akong kapatid! Dyan ka na!" sigaw ko habang natakbo sa gitna ng maraming tao palayo sa kanya.

"Excuse po. Excuse!" sigaw ko habang tumatakbo. Minsan may mabubunggo akong kung sino at masisigawan ako pero hindi ko papansinin, tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo, tuloy-tuloy lang hanggang sa...

"U-uwaaaaah!" napatigil ako sa pagtakbo ng may marinig akong isang malakas na iyak. Napatingin ako sa likuran ko, nakakita ako ng isang batang babae na halos kaedad ko, may mahabang medyo brown na buhok na nakasuot ng isang magandang blue na bistida. S'ya ata yung batang nabangga ko habang tumatakbo ako.

"Sorry bata, nasaktan ka ba?" sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

"Uwaaaah! Bad ka! I hate you! Last na pera ko na yung pinambili ko ng cotton candy pero natapon lang! It's all because of you! Uwaaah! I hate you! I hate you! Uwaaaaah!" pinagpapalo nya ako habang umiiyak.

"Sorry, sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh. Tumahan ka na. Kung gusto mo, ibibili na lang kita ng cotton candy." pagkasabi ko nun, tumigil na sya sa pag iyak.

"Ta-talaga?" sabi nya habang sumisinghot-singhot pa.

"Oo. Saan mo ba binili yun?"

"Doon." tinuro nya sa akin yung stand ng nagbebenta ng cutton candy at agad naming pinuntahan yun. Buti na lang at marami yung perang binigay sa akin ni papa kanina kaya naibili ko sya.

Fiesta ng bayan namin ngayon kaya maraming tao sa paligid at maraming tinda na kung ano-ano, pagkaen at mga laruan. May mga banda rin na tumutugtog kung saan-saan, ang ingay at ang saya ng paligid.

"Okay na huh? Bati na tayo?" sabi ko dun sa batang babae. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa plaza. Kumakaen s'ya ng cutton candy, ako kumakaen ng fried noodles.

"Oo bati na tayo. Salamat kasi ibinili mo rin ako ng inumin."

"Wala yun, maraming pera ang binigay sakin ng papa ko kanina kasi hindi nya ako masasamahan mamasyal ngayon dito sa bayan kasi may trabaho sya."

"Eh ang mama mo?"

"Naglalaba pa sya eh, maraming labahin kaya hindi rin nya ako nasamahan. Eh ikaw, nasaan ang mga magulang mo? Malapit lang din ba ang bahay mo dito?" Natigil sya sa pagkaen ng cotton candy .

"Ang dami mong tanong, kaen na lang tayo!" Kumagat na ulit sya sa cotton candy.

"Okay." Kumaen na lang rin ako ng noodles.

Ubos na nya yung cotton candy nya pero ako kumakaen parin ng noodles, napansin kong sobra sya kung makatingin sa akin, tapos napapa lunok sya sa tuwing susubo ako ng noodles kaya naman...

"Gusto mo?" Inalok ko sya. Agad syang tumango.

"Oh eto sumubo ka." Inabot ko sa kanya yung cup ng noodles.

"Okay lang?"

"Oo, sayo na lang, busog narin ako eh."

"Waah! Thank you! I love you!" bigla nya akong niyakap.

"Te-teka, matatapon yung noodles!"

"Ay sorry!" kumalas na sya sa pagyakap sa akin tapos, "Thank you!" sabi nya tapos nginitian nya ako. Ang ganda ng ngiti nya. Ang ganda nya.

Pagkatapos naming kumaen, naglibot kami sa plaza. Nagtry kami ng iba't ibang laro, nakapagpapicture pa nga kami ng magkasama dun sa libreng photo booth. Gusto ko pa sanang makipaglaro pa sa kanya pero bigla na lang dumating si mama sa harap namin at sinigawan ako kasi kanina pa daw nya ako hinahanap. Sabi ko kasi sa kanya saglit lang ako dito sa plaza.

Along Came This GirlWhere stories live. Discover now