CHAPTER 1- The DAY SHE.. came along.

217K 3.1K 376
                                    

CHAPTER 1- The DAY SHE.. came along.

Calvin's POV

*yawn~

Inaantok na ako pero hindi ko pa natatapos yung project  kong mosaic. Dapat kanina ko pa tapos yun kung hindi lang ako napasarap ng panonood ng tv tsk. Kung bakit naman kasi college na kami eh may project pang nalalaman na ganito. Pang elementary lang to eh!

*grooooooooowl~

Gutom na ako.

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator.

Nalintikan. Wala na pala akong kahit anung pagkaen sa ref. =___=

Ang hirap talaga pag mag isa lang sa bahay. Nagrerent lang ako ng condo kasi malayo yung bahay namin sa school na pinapasukan ko ngayon. Magulang ko naman nagbabayad kaya ayos lang.

Haay... tinatamad akong gumalaw. Ayokong lumabas pero gutom na ako.

Humiga ako sa kama.

Itulog ko na lang kaya to? o Bibili ako ng pagkaen?

Tutulog?

Bibili?

Tutulog?

Kung bibili ako, mabubusog ako.

Kung tutulog ako, hindi ako mapapagod paglalakad. Pagod na pagod na kasi ako sa pag gawa ng project kaya tamad na tamad na akong gumalaw.

Ang hirap magdesisyon huh?

Hmmm...

Nah! Itutulog ko na lang to! Tinatamad talaga ako.

*groooooooooooooowl~

"Ugh! Oo na! Lalabas na! Lalabas na!" pagkausap ko sa tyan ko. Wala rin akong nagawa. Hindi rin ako makatulog sa ingay ng tyan ko kaya napagdesisyunan kong bumili na nga ng pagkaen.

Walang kagana gana akong naglakad palabas ng condo. Pumunta lang ako sa malapit na convenience store, sa 7-11. Bibili na lang ako ng cup noodles at tinapay, kung anu mang pagkaen na hindi na kailangan pang lutuin kasi tamad na tamad na talaga akong gumawa ng kahit anu.

.

.

Pagkabayad ko, kinaen ko na yung noodles dun narin mismo, gutom na kasi talaga ako. Pero dahil gumagabi na napag desisyunan kong kainin na lang yung tuna sandwich na binili ko sa condo para habang gumagawa ako nung project ko eh, may makaen ako.

Wala namang interesting sa buhay ko, normal lang. Mabobored lang kayo. Isa lang akong normal na studyante. Studyanteng papasok sa school, makikinig sa boring na klase, papahirapan ng teachers, uuwi, magpapahinga, kakaen , tutunganga, tutulog and repeat the cycle. Yan ang normal na buhay ng isang Calvin Gray Martinez. Ang cool ng name ko, pero ang lame ng buhay ko. Wala talaga akong masasabing interesting tungkol sa buhay ko. It's just another plain boring cycle everyday-- well, this one's unusual...

Nagkasalubong kami ng isang babaeng sa tingin ko kaedad ko rin. Maikli ang buhok niya, naka salamin. Anung ginagawa ng isang babaeng ganito sa gitna ng kalsada sa dis oras ng gabi? But the hell I care. Hindi naman sya si Nina, wala akong pakialam.

Umiwas ako ng daan sa kanya pero umiwas din s'ya kaya magkasalubong parin kami.

Umiwas ulit ako pero ganun rin s'ya, kaya magkasalubong parin kami. Para kaming nagpapatintero ah. =___= Kaya tumigil ako tapos...

"Sige dumaan ka na miss,"sabi ko, giving her way. Pero...

O_____________O << Ganyan lang siya, nakatulala lang sakin. Anong problema niya?

Along Came This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon