CHAPTER 20- Destiny

82.4K 1.8K 128
                                    

CHAPTER 20- Destiny

CALVIN's POV

"Bakit ang laki ng ngiti mo?"  tanong ko kay Alexei. Kaharap ko sya, naka upo kami sa isang table sa canteen nung school, lunch break.

"Masaya lang ako kasi sabay na ulit tayong kumakaen ng lunch. Nung isang araw kasi diba nag walk out ka?"

"Nagegets ko yun, pero ang hindi ko magets, paano ka nakakangiti ng ganyan with this set up? Ano ba naman tong set up na to Alexei? Bakit nandito yan!" sigaw ko sabay turo dun kay Blade. Yung weird na lalaki na hanggang ngayon hindi parin malinaw sakin kung ano ba talaga ang relasyon kay Alexei.

"What's the problem with me being here?" Cool na cool na sabi niya sabay sipsip pa ng softdrinks. Yung mga babae sa paligid namin puro kinikilig, tss. Mukhang may umagaw na sa pwesto ni Chase bilang heartthrob ng school. Speaking of Chase... hindi parin kami nag uusap hay.

Imbis na sagutin yung si Blade, humarap na lang ako kay Alexei.

"Ano na? Bakit sabi nandito yan?"

"Eh kasi Calvin, alam kong kahit anong gawin ko, susundan at susundan niya ako. Nakakairita pag ganung sinusundan nya ako ng palihim, kaya mas ok na tong kita ko sya. Wala naman syang gagawin para abalahin tayo eh, wag mo na syang intindihin. Kaen na ulit tayo?"

Gusto ko pang sumagot at sabihin sa kanyang hindi okay sa akin ang lahat pero pinakalma ko na lang ang sarili ko at kumaen na nga lang gaya ng sabi nya. Ayokong mag away na naman kami ni Alexei, ayokong magkakatotoo yung akala ko, ayokong layasan nya ako bigla.

"What the? Ano ba yan." Nailaglag ni Alexei yung tinidor nya.

"Oh gamitin mo na lang tong sakin." Inaabot ko sa kanya yung tinidor ko.

"Salama--" Kukuhanin na sana nya yung tinidor ko pero pinigilan siya nung Blade.

"Don't even think about making her use that dirty thing." sabi sakin nung Blade tapos humarap na sya kay Alexei.

"I'll get you a new one my lady." sabi niya at agad ng pumunta dun sa kuhanan ng utensil sa canteen.

"Hindi pala aabalahin huh?" sabi ko kay Alexei while gritting my teeth.

"He-hehe. Obsess lang talaga sya sa kalinisan Calvin, pagpasensyahan mo na. Hehe."

Yun na nga lang ang ginawa ko, magpasensya. Pinagpasensyahan ko lahat-lahat ng ginawa ng Blade na yun ng araw na yun. Yung pagtatangka niyang subuan si Alexei, punasan ng dumi sa mukha si Alexei, pati yung pagpupumilit niyang samahan si Alexei papuntang cr nung sabihin nitong maiihi sya. Hindi ako makapaniwalang nakaya kong manahimik lang habang nangyayari ang lahat ng yun.

.

.

"Do you want anything to drink my lady?" -Blade.

"No." -Alexei.

"You look tired. Do you want me to carry you?" -Blade.

"No." -Alexei.

"Well do you want me to--"

"Do you want me to kill you?" -Alexei.

Natahimik yung Blade. Napatawa ako ng konti. Buti nga sa kanya! Kanina pa akong inis na inis sa kolokoy na yun.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa sunod naming klase at kasama parin namin sya kasi nga kaklase namin sya.

"Calvin holding hands tayo hehe." Hinawakan ni Alexei bigla yung kamay ko, hinayaan ko lang sya. Kanina ko parin gustong gawin yun, naiilang lang ako, sobra kasi kaming pinagtitinginan ng mga studyante dahil bukod sa ang tangkad nung Blade na yun, ang gwapo pa ng walanghya. Kung hindi hinawakan ni Alexei yung kamay ko, baka silang dalawa ang mapagkamalang magsyota.

Along Came This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon