CHAPTER 23- Wake Up!

66.4K 1.8K 155
                                    

CHAPTER 23- Wake Up!

CALVIN's POV

Matapos ang gabing yun, tinry kong ibalik sa dati ang buhay ko, tinry ko pero hindi ko nagawa. Pagkatapos ng araw na yun, ni hindi ko nagawang pumasok sa school. Para bang nawalan na ako bigla ng ganang gumawa ng kahit ano. Pati nga paghinga nakakawalang gana.

Tatlong araw na ang nagdaan matapos ang gabing yun at tatlong araw narin akong absent sa klase. Tatlong araw na akong walang ginawa kung hindi lunurin ang sarili ko sa alak mula umaga hanggang gabi. Wala naman kasi si baby Red dito sa condo, ibinigay ko muna sya sa mga magulang ko dahil in my state right now, hindi ko sya kayang alagaan, sarili ko nga ni hindi ko maalagaan eh.

Lalaklakin ko na sana yung panibagong bote ng beer na kakabukas ko lang nang may nagdoorbell at agad ko namang pinagbuksan yung taong yun. 

"Tamang-tama ang dating mo Chase, tara inom tayo." sabi ko sa kanya tapos nagtuloy na ako dun sa living room ng condo kung saan ako nag iinom. Sumunod sya sa akin.

Umupo sya sa sofa sa harapan ko, nagbukas rin sya ng isang beer.

"Alam kong pumunta si Cerys dito nung  isang gabi, sinabi nya sa 'kin." sabi nya kaya napatigil ako sa dapat na pag inom sa beer na hawak ko.

"Oh, so nagkita rin kayo? Inimbitahan ka ba nya sa kasal nya? I congratulated her pero hindi nya ako inimbitahan, ang sama n'ya." sabi ko tapos uminom na ako ng beer.

"I thought so, hindi ko talaga kayang hindi gawin to." sabi nya tapos bigla na lang nya ako sinuntok. Natapon tuloy yung beer na hawak ko.

"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya habang tumatayo mula sa pagkakabagsak ko sa saheg.

"Ikaw ang anong problema mo! Ano ba yang mga sinasabi mo?!" sigaw n'ya.

"Bakit ka ba nagagalit? Ano bang mali sa mga sinabi ko? Tama na nga to Chase, wag na natin syang pag usapan, mag-inom na lang tay--" uupo na sana ulit ako sa sofa pero hinigit nya ako paharap sa kanya at kinwelyuhan.

Habang mata sa matang nakatingin sa akin nagsalita s'ya, "Nung pinuntahan nya ako, umiiyak s'ya. Hindi s'ya palaiyak pero nung mga oras na yun, humagulhol s'ya sa harapan ko. That night, wala syang ginawa kung hindi isigaw na mahal ka n'ya habang umiiyak sa balikat ko, hanggang sa pagtulog n'ya sinasabi n'ya yun. Masakit marinig yun sa parte ko, pero tinanggap ko ng maluwag kasi sabi ko, mas deserving ka naman talaga sa kanya kaysa sa 'kin... mas mahal mo s'ya ng higit sa pagmamahal ko... pero ano tong ginagawa mo ngayon? Ikakasal na sya bukas pero ito ka nagpapakalunod lang sa alak at walang ginagawa para maibalik s'ya?"

"Bakit ko gugustuhing ibalik ang isang bagay na walang ginawa kung hindi iwan ako? Nagpapatawa ka." tinanggal ko na yung kamay nyang nakahawak sa kwelyo ko at balak na sanang umupo sa sofa ng higitin nya ang isang braso ko paharap tapos tsaka nya ako binigwasan ng isa pang suntok, this time sa sikmura naman. Napa upo ako sa sakit.

"May dahilan sya kaya nya ginawa ang mga ginawa nya, hindi mo lang sya hinayaang magpaliwanag!" sigaw nya.

"Umalis ka na. Wala ng patutunguhan tong usapan na t--" tatayo na sana ako pero sinuntok na naman nya ako sa mukha naman. Napahiga ako sa sakit.

"Gumising ka nga Calvin! Alam kong may kasalanan sya dahil oo nagsinungaling sya tungkol sa maraming bagay, pero Calvs mahal ka n'ya! Mahal ka nya! Mahal ka n--"

"Tumigil ka na!" sigaw ko sabay suntok sa kanya. Lalapit pa sana sya sa akn at gagantihan ako ng suntok pero nung lalapat na yung kamao nya sa mukha ko nagsalita ako...

"Akala mo ba hindi ko alam yun?" sabi ko, natigil sya.

Itinuloy ko ang pagsasalita, "Kahit na puro kasinungalingan ang narinig ko mula sa kanya, alam kong nung sinabi nyang mahal nya ako, mahal nya talaga ako. Alam ko yun dahil ramdam ko! Noong gabing yun nung pinuntahan nya ako, hindi mo alam kung gaano ko sya kagustong yakapin, kung gaano ko kagustong sabihin sa kanya na manatili na lang sya sa tabi ko, kung gaano ko kagustong sabihin na wag syang magpakasal sa iba... Gustong gusto kong sabihin ang mga yun pero hindi ko ginawa dahil natakot ako. Natakot akong marinig ang isasagot n'ya.  Natakot akong pag"hindi" ang isagot n'ya at piliin parin nyang iwan ako, baka hindi ko na kayanin yung sakit. Sobrang sakit na kasi ng nararamdaman ko ng mga oras na yun, natakot akong mas madagdagan pa yung sakit na yun. Itinulak ko sya palayo dahil ayoko ng masaktan pa..."

Huminga ako ng malalim bago muling nagtuloy sa pagsasalita, "Pero pagkatapos ko syang itulak palayo, nung tuluyan na syang mawala sa paningin ko, dun ko lang nalaman na sobrang mali nung ginawa ko. Nung mawala sya mas nasaktan ako, parang natriple yung sakit. Sobrang sakit Chase, sobrang sakit. Gustong gusto ko syang habulin nun pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makagalaw! In the end... hindi ako kasing deserving ng iniisip mo. Duwag ako Chase! Duwag ako! Duwag ako!" sigaw ko habang sinusuntok yung saheg na unti-unti ng nababasa ng mga traydor na luhang lumalabas mula sa mga mata ko.

"Duwag ako. Duwag ako. Duwag ako. Duwag ako." patuloy ako sa pagsuntok sa saheg at pagsabi nyan, hinayaan lang ako ni Chase na ganun hanggang sa mapagod ako at mapahiga na lang sa saheg.

Nang tumigil na ako sa kakasigaw at kakasuntok sa saheg, tumalikod na si Chase at palakad na papunta sa pinto palabas ng condo ko pero napatigil sya nung magsalita ako.

"Tulungan mo ko!" napaharap sya sakin muli nung isigaw ko yan.

"Duwag ako... kaya Chase, tulungan mo ko! Ayokong mawala sa akin si Alexei, ayoko. Ayoko! Ayoko! Ayoko! Tulungan mo ko! Tulungan mo kong bawiin sya! Tulungan mo ko. Tulungan mo ako! Ayokong mawala sya! Ayoko! Tulungan mo ko!" sigaw ko habang umiiyak na. Itinaklob ko na lang ang mga braso ko sa mata ko para itago sa kanya ang pathetic kong itsura.

"Yan lang naman ang hinihintay kong sabihin mo eh. Sa wakas nagising ka naring gago ka." sabi nya. Nasa tapat ko na sya ngayon, hinahaya ang kamay nya sa akin para alalayan akong tumayo.

Pagkatayo ko may kinuha sya sa bulsa nya, "Magbihis ka na at mag impake. May kasal tayong sisirain sa Canada bukas." sabi nya habang pinapakita sa akin ang dalawang plane tickets.

"Paano kung hindi ako nagising edi sayang pala yang ticket mo?" sabi ko.

"Hindi rin. Kung hindi ka nagising, dadalhin parin kita sa Canada tapos pakakasalan ko si Cerys sa harap mo para magising ka tapos magsisi ka." pabiro nyang sabi.

"Buti na lang pala natauhan ako." sabi ko.

"Buti na lang talaga." sabi nya.

Sa totoo lang gustong-gusto ko syang yakapin dahil sa sobrang pasasalamat at sobrang pagkamiss ko sa kanya pero hindi ko ginawa yun, dahil bukod sa kadiri, kadiri at kadiri... kadiri talaga yun. Iniisip ko palang kinikilabutan na ako kaya pumunta na ako sa kwarto at nag impake.

________________________________________________________

May part 2 pa tong chapter na to tapos Epilogue na ang kasunod! Yes medyo maikli lang po itong story na to hehe. Hope you enjoyed reading this though  ^__^v

Along Came This GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя