CHAPTER 8- AUDITIONS

105K 1.9K 205
                                    

CHAPTER 8- AUDITIONS

CALVIN's POV

"Today magkakaron tayo ng auditions para sa magrerepresent ng section natin sa laban ng vocal duets  sa gaganaping CAS WEEK ng department natin next week. I need 1 girl and 1 boy representative. Those who would join the audition, bibigyan ko ng incentives sa grades para naman hindi kayo luge, at syempre yung mapipili, mas mataas ang points na matatanggap plus may libre pa kayong chupa chups na lollipop, o diba? kaya sige na class audition na kayo! Yun lang gagawin natin this period." -teacher namin

Gawin daw ba kaming bata? Sinong college ang sasali sa audition dahil sa chupachups? -_-

"Kami po ni Calvin mam!" -sigaw ni Alexei sabay higit sa aking braso pataas.. kaya naman napatayo ako..

Tinginan tuloy samin yung buong klase..

"Ow ok, Mr. Martinez and Ms. Sandoval, that makes two..meron pa bang hahabol??" -teacher namin..

teka..

"Alexei anu bang--"

"Wag ka ng umangal Calvin ^__^"

"Mam hindi po ako--" kaso tinakpan na ng pesteng bbabaeng to yung bibig ko sabay higit sa akin paupo

"Anu bang iniisip mong babae ka? kung gusto mong sumali bakit nandadamay ka ng iba?"

"Wag mong sayangin ang talent mo Calvin, ang galing galing mo kumanta eh.." -sya

teka.. narinig na ba nya akong kumanta?

"Hoy wag mo kong bolahin huh! Bakit narinig mo na ba akong kumanta huh?"

"Who knows." -sya

"Haaaaaaaay! hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo! Kailan ka pa sinipag mag participate sa klase? wag mong sabihing sumali ka dahil sa incentives sa grades?" -ako

"Sinong may sabing gusto ko yung incentives? sinong may gusto nun? College na ko, incentives parin habol ko? Ang gusto ko ay yung chupa chups na lollipop *O*" -sabay nagliwanag pa yung mata pag banggit nya nung chupa chups na lollipop -__-

kakaiba talaga tong isang to =__=

"Kung yun lang pala gusto mo sana sinabi mo na lang, edi binili na lang kita, hindi yung nandadamay ka sa pag aaudition na yan."

"Wala ka ng magagawa Calvin, kasali ka na so bear with it."

Bwisit.. bwisit talaga.. =__=

"Ah mam! Sasali din daw po si Nina!" -sigaw ni Crissa

"Talaga? sasali si Ms. Deguzman? that's new.." -teacher

si.. si Nina? sasali? sa audition?

"Ahm.. o-opo.. i-ittry ko lang po mam.." -Nina

"Wow that's great! ok sino pang dadagdag??" -teacher namin

at maya maya.. may pailan ilan naring nag sitaasan ng kamay...

pero hindi ko maalis ang isip ko sa fact na sasali si Nina sa audition..

Hindi ko pa sya naririnig kumanta kahit minsan. Anu kayang sound ng boses nya pag kumakanta? Siguro parang boses ng anghel. Kung sakaling mapipili ako.. (which I doubt that's gonna happen -_- ) tapos kung mapili din sya.. imagine, magduduet kami plus makakasama ko sya pagppractice before the performance *O*

"Parang kanina lang para kang namatayan, ngayon buhay na buhay ang diwa mo ah." -Alexei

Hindi ko na lang sya pinansin.

Kinakabahan kasi ako kasi nga pakakantahin na kami isa isa sa unahan dahil nga dun sa audition. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw na maging attention catcher.  Naiilang ako pag sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat. Ayoko ng pinagtitinginan ng marami. Ayokong maging sentro ng atensyon nila, atensyon lang ni Nina at mga mata nya, yun lang ang gusto kong makuha.

Along Came This GirlWhere stories live. Discover now