⇜CHAPTER 7⇝

96 3 12
                                    

                "Klang-Klang, ikaw na muna'ng magpakain kay Georgie. Alas nueve pa naman ang pasok mo di ba? Male-late na kase ako eh."

                   "Ate! Madudumihan ang uniform ko. Saka ang baho-baho ni Georgie baka kumapit ang amoy nya sa 'kin. Nakakahiya sa mga classmates ko."

                  Napabuntung-hininga ako.

                 "Sige. Ako na lang. Ihatid mo na lang si Buko sa school."

                  "Pahinging pamasahe."

                 "Maglakad na lang kayo."

                  "Pagpapawisan ako. Sayang lang yung sabon at shampoo na ginamit ko kanina. Di ba ayaw mo'ng nagsasayang, ate?" pangangatwiran ng maarte kong kapatid.

                 "Konti na lang ang pera ko, Klang-Klang."

                  "Eh di kung gusto mo ikaw na lang ang maghatid kay Buko."

                   Napabuntung-hininga uli ako. Saka napatingin kay Nanay na abala sa paghahanda ng baon ko sa school. Oo. Kahit highschool na 'ko nagbabaon pa rin ako ng bugong. Mas tipid kase. Lalo na't mahihiya ang isang daang piso sa presyo ng mga pagkain sa school cafeteria namin.

                 "Nay. Nay, pwede po bang kayo muna ang maghatid kay Buko?"

                 "Naku, anak. Pasensya ka na. Nagmamadali rin kase ako. May labada ako ngayon. Sayang din ang kita," sagot ni Nanay na halos di ako tapunan ng tingin dahil sa paghahanda ng pagkain. Noon ko napansin na pang-tatlo ang inihahanda niya. Isa para sa akin, isa kay Tatay at isa para sa kaniya. Bakit hindi niya ipinaghahanda ang dalawang kapatid ko? Kase si Buko ay umuuwi kapag tanghalian para sa bahay na lang kumain. At ang maarte kong kapatid na si Klang-Klang ay nagpupumilit bumili ng pagkain sa school cafeteria kahit mahal. Nakakahiya daw sa mga classmate niya kung sya lang ang may baon.

                   "Sige po," sagot ko saka napilitan akong dumukot ng pera sa bulsa ng aking palda. May panghihinayang na saglit kong tiningnan ang apat na limang pisong barya sa aking kamay. Saka ko binalingan ang maarte kong kapatid. "Klang. O eto'ng pamasahe. Bahala ka na kay Buko ha."

                  "Sige, ate."

                  "O aalis na 'ko. Mag-ingat kayo. Buko 'wag takbo nang takbo sa school ha. Baka madapa ka na naman."

                 "Yes po, ate."

                   Pagkatapos ng paalaman ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Natanaw ko si Ninang Nely sa bahay nila na as usual ay nananahi sa kaniyang pwesto.

                 "Good morning, Ninang," masiglang bati ko sa kapitbahay naming mananahi. Siya ang nag-iisang mananahi sa buong barangay namin at siyang unang naging kaibigan ng mga magulang ko nang lumipat sila sa Barangay Sumulpot ng Project 10.

                  Nag-angat si Ninang Nely ng ulo mula sa tinatahing damit. Sa balkonahe ng bahay nila nananahi ni Ninang. Kinakalawang na ang mga rehas na bakal na siyang nagkukulong ng mga gamit sa loob ngunit mukhang matibay pa rin naman ang mga iyon.

                 "Good morning, Sydney. Kamusta si Georgie?" nakangiting balik-bati niya.

                 "Mabuti po. Malusug na malusog."

                 Lumuwang ang ngiti ni Ninang Nely.

                 "Maraming salamat po uli sa pagregalo nyo sa 'kin kay Georgie."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's a SuperstarWhere stories live. Discover now