⇜CHAPTER 6⇝

155 5 0
                                    

                 "Ulitin mo nga'ng sinabi mo?" utos ko kay Narumi saka kinalikot ang tenga ng daliri. Tapos itinagilid ko ang aking ulo at tinampal-tampal ang kabilang tenga. Baka kase may tutule lang ako kaya mali yata ang rinig ko sa kaniya.

                  "Sabi ko..." panimula ni Narumi na medyo parang natatanga sa ginagawa ko. "...ano...magpapanggap kang ge...aherm...girlfriend ko," nasasamid na tapos niya sa sinasabi. Yung tingin nya sa 'kin parang nandidiring ewan lang. Bakit kaya? Naglilinis lang naman ako ng tenga ah.

                   "Ano kamo ulet?"

                  "Pwede wag mo na paulit? Pati kasi ako kinikilabutan sa idea ko."

                  "Wow. Galing mo 'dre. Suntok gusto mo? Tindi mo ah."

                 "Tsk. Pumayag ka na kase."

                  "Demanding much ka teh? Ikaw ang may kailangan, ikaw pa masungit. Pwes manigas ka," mataray na sabi ko sabay tayo. Pero hindi pa ko nakakahakbang nahila na ako ni Narumi sa braso. Napaupo tuloy ako.

                  "Aray! Ano ba?" inis na reklamo ko. Ang sakit kasi talaga.

                 Sana hindi nagkapasa ang pwet ko. Buseeeettt!

                  "Teka lang kase. Hindi ko pa nasasabi sayo ang plano aalis ka na agad."

                  "At baket? Kelan ba 'ko pumayag maging girlfriend mo?"

                  "MAGPANGGAP miss. Magpanggap lang," pagtatama niya. Aba, at talagang ipinangangalandakang kunwari lang ang lahat. As if hindi nya talaga maaatim na maging shota ako. Eh kung nagkataon ang swerte niya noh. Ang talino ko kaya.

                "Whatever," sabi ko with matching tirik ng mga mata. "Basta hindi ako payag."

               Nag-pout ako tapos tumingin sa kanan para umiwas kunwari ng tingin kay Narumi. Pero wala akong narinig mula sa kaniya kaya ako din ang tumingin. Yung mukha niya parang nang-iinsultong hindi naniniwalang ewan.

                "Bakit ganyan ka makatingin?"

                 "Sa gwapo kong 'to ayaw mo maging kunwaring girlfriend ko?"

                Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang yabang eh.

                 "Nagbibiro lang. Ano ba kasing kailangan kong gawin para pumayag ka?"

                 Nag-isip ako. Ano nga ba ang pwede niyang gawin para maging worth it sa akin ang magpanggap na girlfriend nya? Bukod sa pagkakaroon ng gwapong nilalang na boyfie...kunwari...wala na 'kong maisip na ibang benefit ng pagpapanggap. Lugi pa nga yata ako kase araw-araw akong mato-torture. Yun ngang hindi pa kami nagpapanggap halos ma-injure na 'ko. Eh pa'no pa kaya pag nagsimula na kami na magpanggap? Kahit naman hindi ako kagandahan mahal ko naman ang buhay ko.

                "Ayoko," umiiling na sabi ko.

                 "Babayaran kita," sabi ni Narumi.

                 "Magkano?" mabilis at nagniningning ang mga mata namang tanong ko. Nag-flash ng ngiting-tagumpay si Narumi.

                  "Isang daan."

                  "Lang?"

                 "Per week."

                 "Per day," kontra ko.

He's a SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon