⇜CHAPTER 1⇝

457 9 3
                                    


             "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

             There they go again. Nagtitilian na naman at hindi mapakali na parang laging may butiki sa loob ng uniform. Yung iba naman parang zombie na na-hypnotize sa sobrang pagkatulala at hindi maalis ang naka-plaster na ngiti habang nakatingin sa screen ng cell phone o laptop nila. Araw-araw ganyan ang tanawin pagpasok ko pa lang sa gate ng campus hanggang makarating ako sa classroom. Bakit sila nagmu-mukhang takas sa mental? Dahil sa idol nila. Bawat araw, bawat oras wala na 'kong ibang narinig mula sa kanila kungdi 'oh my gawd, ang HOT nya talaga', 'kyaaaaaa!', 'kelan ko kaya sya mami-meet', 'gusto kong magpunta ng Japan/Korea', 'ang gwapo ng boyfriend/asawa ko', 'kakkoi', 'sugoi' etc. etc. with matching googly eyes. I swear, gusto ko silang buhusan ng nagyeyelong tubig nang magising. Pero wala akong magagawa. Dahil pag ginawa ko yon every single one of them freaking fangirls will hunt me! At hindi madaling makaaway ang LAHAT ng babaing estudyante ng campus. Kaya hindi ko na lang sila pinapansin. Pero sa isip ko, pinapasakan ko ng eraser na namumuti sa chalk ang bunganga nila.

             "Kyaaaaaaaa! Ang wafu talaga ni Narumi. Nakaka-in love," parang baliw na sabi ng isa sa mga classmates ko habang nakatunganga sa screen ng laptop. Kapapasok ko pa lang ng classroom ay yan agad ang bumungad sa akin. Kung sabagay, wala namang bago doon. Kaso hindi talaga ako masanay eh.

              "Ay sinabi mo. At ang abs, YUMMY," kinikilig namang sagot ng isa pa. Malapad ang ngiting nagtanguan ang mga kasama nila habang halos maglaway na sila sa harap ng monitor.

              Naiimbiyernang nilampasan ko ang mga malalantod na fangirls at nagtuloy sa silya ko sa tabi ng bintana.

              "Class, take your seats and bring out your textbook," utos ni Mrs. Palacio, ang English professor namin, pagkabungad niya pa lang sa pinto. Ni hindi nag-good morning gaya nang lagi nitong ginagawa. Nagsunuran naman ang mga estudyante kaya nagsimula na si Mrs. Palacio sa lecture.

              After ten minutes...

             "Girls!" malakas ang boses na bungad ni Jenny, classmate namin at isa sa mga pinaka-obsessed na fangirl sa campus, if not sa buong Pilipinas.

              "Bad news."

               "Ha? Ano'ng bad news?" tanong ni Janna na isa sa mga nakatunganga sa monitor ng laptop kanina.

                "Ano'ng nangyari, Miss Callo?" concern na tanong ni Mrs. Palacio.

               "Nag-quit na daw sa showbiz si Narumi. Hindi na natin makikita ang idol natin," naiiyak na sagot ni Jenny na sa mga classmates naming babae nakatingin.

               Binato sya ng eraser ni Mrs. Palacio. Sapul si Jenny sa noo.

               "Take your seat or get out," galit na sabi ni ma'am. Nagulat kaming lahat. Awang ang bibig ng mga lalaki dahil never pang nagalit si Mrs. Palacio, much less mangbato ng eraser. Ang mga babae awang din ang bibig pero hindi dahil nagalit si ma'am, kungdi dahil sa 'masamang balita' na dala ni Jenny. Daig pa nila ang pinagbagsakan ng dinamita, lahat tahimik at di makaimik. Pero ako, sa totoo lang natatawa ako. I'm so glad na binato sya ng eraser ni ma'am. Sa wakas, may gumawa na rin ng matagal ko nang inaasam na gawin. Nakakaasar kasi eh. Late na nga nang-distract pa ng klase dahil lang doon?

               Nagkunwari akong naghihikab pero ang totoo, gusto ko lang itago ang ngiting hindi ko mapigilan. Hindi naman sa balak kong maging kontrabida sa teleserye ng buhay nila, pero I predict na medyo matatahimik ang mundo ko dahil sa balitang iyon.

He's a SuperstarWhere stories live. Discover now