⇜CHAPTER 5⇝

160 5 2
                                    

               "Sydney," madamdamin niyang banggit sa pangalan ko habang nakatitig sa aking mga nagniningning na mga mata.

                "Ye---yes?" nanginginig ang boses at halos mabilaukan pang sagot ko.

               "Aishiteru yo," sabi niya bago hinaplos ang aking pisngi at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Hindi ako makaiwas kahit ayoko...kuno. Kase nakaka-hypnotize yung mga mata niya. Parang...parang may gayuma. Naisip ko pa nga siguro vampire talaga siya. O kaya werewolf. O baka naman may problema lang sa mata. Yung parang sa cartoon. Yung may swirling thingy na nakakahilo tingnan. Pero hindi naman ako makaiwas ng tingin. (aishiteru yo = I love you)

              Pipikit na lang sana ako nang agawin ng ingay ang aking pansin. Tumingin ako sa kanan at...

           "Hiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

             Ni hindi ako nakatakbo. Dinumog ako ng isang milyong fangirls! Okay, fine! Isang daan lang. Yata. Sana. Jusko ang mga buto ko! Feeling ko sinagasaan ako ng sampung bulldozer.

           "Aaaahhhhh...amnp...ammmnnppp...!"

            Pinilit kong tanggalin yung kamay na biglang nag-vacuum ng sigaw ko. Para kasing gusto na 'kong patayin eh. Kung makatakip wagas!

             "Ano ba? Nakakailan ka na ah!" galit kong reklamo nang matanggal ko yung kamay. Well...tinanggal ng may-ari ng kamay.

            "Baket ba kase sumisigaw ka na naman?" medyo iritado ding tanong si Narumi. Siya kase yung nagtakip ng bibig ko mula sa likod.

            Walang paalam na tinabihan niya ako sa pagkakasalampak sa una sa dalawang baiting ng hagdang semento. Nasa labas kase ako noon ng Principal's Office, sa tapat, habang binabangungot nang gising. Hinihintay ko si Narumi kase kinausap siya ng principal namin. Dalawang araw pa lang kase siya sumusulpot sa school namin eh nagkagulo na ang buong campus. Kaya syempre kailangan niya magpaliwanag di ba? Lalo na yung tungkol sa kissing scene namin kanina. Hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ko tungkol doon kaya ipinaubaya ko na lang kay Narumi ang pagpapaliwanag. Tutal kasalanan niya naman yun di ba? Nananahimik ang tao eh hahalikan niya.

             "O ano'ng sabi ni Mrs. Principal?"

             "Pwede pa rin daw ako'ng pumasok dito."

             "Talaga!" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

             Tumango siya.

              "Naiintindihan niya naman daw na hindi ko kasalanan kung habulin ako ng mga fans. Kase nga sikat ako. Saka kahit naman daw ang mga sikat na gaya ko may karapatan ding makapasok sa eskwelahan bilang isang normal na estudyante."

               "Eh ang kaso nga hindi ka naman normal na estudyante. ABNORMAL KA."

               "Oi!" reklamo niya. Yung tingin niya sa 'kin parang gusto na 'ko ipalamon sa pating.

               "Eh di ba nga celebrity ka? Sikat. Kaya hindi ka normal. Abnormal ka."

               Sasagot pa sana siya pero inunahan ko na siya para wala nang mahabang paliwanagan pa. Kung meron kase akong natutunan nang makilala ko si Narumi iyon eh yung mahirap magpaliwanag sa Hapon.

                "Ano nga pala'ng sabi ni Mrs. Principal tungkol dun sa ano?"

               "Ano?"

He's a SuperstarWhere stories live. Discover now