⇜Prologue⇝

511 13 30
                                    

FANGIRL -- a female fan, especially one who is obsessive about comics, film, music, or science fiction.

According to Oxford dictionary, iyan ang definition ng salitang fangirl. Sumasang-ayon naman ako sa definition na 'yan. Naiintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin. Hindi naman iyon ang problema eh. Alam ko kung ano ang fangirl. Ang hindi ko maintindihan ay bakit may mga fangirls. Bakit gustung-gusto nilang maging fangirl. Ano ba ang meron ang mga idols? Bakit sila pinag-aaksayahan ng oras at pera ng mga babae? At ano ba ang ikinasaya ng pagiging isang fangirl? Wala!

Sige nga, anon'ng masaya sa mga ito?

1. Laging walang pera. Dahil sa kakabili ng mga posters, magazines, DVDs, CDs, merchandise etc.

2. Laging kulang sa digital storage. Kahit gaano kalaki ang bytes ng memory ng harddrive o flash drive, lagi pa ring kulang lalo na pag may ise-save na project o homework. Dahil puno ang hard drives ng videos at photos ng idol galing sa internet.

3. Insomniac. Gising magdamag at laging inuumaga kakanood at kaka-download ng drama, tv guestings, concerts, tv shows etc sa internet. Hanggat maaari inaabangan pa ang tv show para mapanood ng live kahit meron namang mag-a-upload ng recorded video later. Tapos papanoorin din naman yung in-upload ng ibang fans.

4. Walang kulay, daig pa ang patay. Side-effect ng pagiging insomniac. Lagi kasing walang tulog kakanood at download.

5. Natutulala at ngumingiting mag-isa. Dahil naalala o nagde-daydream tungkol sa idol niya kaya mukhang candidate sa mental.

6. Wala o kulang sa social-life. Sasampalin siguro ako ng mga fangirls dito dahil siguradong magpo-protesta sila dito. Kasi nga naman may social life sila...sa internet! Ay oo nga pala...may meet-up din ONCE A YEAR kung ma-swerteng maka-attend.

7. OBSESSED. Sasampalin ko ng cactus ang magde-deny. Hindi obsessed? Pero naplano na ang wedding at honeymoon. Pati ilan ang anak at mga pangalan meron na rin. Naka-plaster ang mukha ng idol kahit saan. And I mean, KAHIT SAAN. Para kahit nasaan sila at anong oras, nakikita ang mukha ng idol. Nagpipilit din mag-aral ng ibang language dahil iyon ang language ng idol. Hindi ka obsessed?

Kung ganito rin lang maging fangirl, kahit kailan ay hindi ko sila maiintindihan. At hinding-hindi ako magiging isa sa kanila. Mamatay man ang idol nila!

He's a SuperstarWhere stories live. Discover now