⇜CHAPTER 4⇝

259 9 2
                                    

               "La lala lala. Ang ganda...ang ganda...ang ganda-ganda ko," masayang kanta ko with matching pa-skip-skip pa nang biglang may nag-headlock sa 'kin at hinila ako sa loob ng guard house. Papasok ako noon sa school namin. Kadadaan ko lang sa gate tapos na-kidnap pa 'ko.

               "Arrrkkk! Ano ba? Arrkkk..." reklamo ko habang pilit na inaalis ang braso sa leeg ko ng hudas na humila sa 'kin. Kandataas pa ang paa ko eh. Ang higpit ba naman ng pagkakapulupot ng braso niya. Parang ahas lang. Nakakasakal talaga. Tapos si manong guard naman deadma lang. Buti na lang binitiwan niya din ako. Pero syempre kahit pinakawalan niya 'ko hindi pa rin sya abswelto sa 'kin. Aba! Eh muntik na 'kong malagutan ng hininga dun ah.

                "Ikaw na naman?" taas ang kilay na sabi ko nang makitang si Narumi pala yung sawang nag-ala sumo wrestler sa pag-headlock sa 'kin. "May balak ka bang maging kidnapper at pinagpa-praktisan mo ko? Pangalawa na 'to ah."

               "Ha?"

              "Kinidnap mo 'ko kahapon."

              "Ano'ng kinidnap?"

               "O di ba, bigla mo na lang akong hinila sa Lab Room at hindi mo ako pinalabas. Tapos ngayon nanghila ka na naman. May pasakal-sakal ka pa. Ano, graduate ka na sa pagiging kidnapper at gusto mo samahan na ng murderer ang resume mo? Okay 'yun di ba? Narumi Takada. Teen Superstar, kidnapper and murderer," mataray na sabi ko. Dire-diretso talaga, walang preno yung bunganga ko.

               "Are you on drugs?"

               "Hindi. I'm on diet. Ikaw? Are you on drugs? Or are you pushering drugs?"

               "Nag-English ka na naman. Mali naman lagi ang grammar mo."

               "At least hindi ako kidnapper slash attempted murderer," taas-kilay ulit na sagot ko. Tapos biglang tinakpan ni Narumi yung bibig ko. Ang higpit parang may vacuum yung kamay niya.

                Sumilip siya mula sa likod ng pinto ng guard house.

                Napa-paranoid na naman 'to. Buset! Pag napa-paranoid dapat ba talaga lagi akong damay?

                 Kinigat ko yung kamay ni Narumi.

                 "Itai! Ano ba?" inis na reklamo niya habang pinapagpag ang kamay sa hangin. Pero ang hina ng boses niya, pigil na pigil. Kasi may nagdaang girl. Tapos silip-silip ulit siya. (itai=aray)

                "Hindi nga kasi ako makahinga."

                "Ang ingay mo kasi."

                "Stop murdering me kaya para manahimik ako noh?" sarkastikong sabi ko sa mahinang boses din. Nahawa kasi ako sa kaniya.

                "Miss, hindi kita pinapatay. Hinila lang kita."

               "Hindi miss ang pangalan ko. Sydney. At hindi ka lang nanghihila, nananakal ka pa."

                "Hindi kita sinakal. Makulet."

                "Hindi? Ha? Eh baket may pa-headlock headlock ka pa? Pwede namang braso na lang ang hagipin mo, leeg ko pa. May balak kang maging wrestler 'teh?"

                "Mendukusai na," sabi ni Narumi habang inihihilamos ang palad sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Naiinis na rin siya.

                "Hoy, hoy, hoy. No Japanese allowed. Hindi ko maintindihan."

                "Sshhh," natatarantang sabi niya na tinakpan uli ang bibig ko. Tapos sumilip ulit siya. "Di ba sabi ko wag kang maingay?"

He's a SuperstarWhere stories live. Discover now