Chapter 11

609 11 0
                                    

Nang dumating ang kaarawan ni Justin ay imbitado kaming lahat. Pool party daw ang magaganap sa bahay nila.

"Where are you going?"

Napatigil ako sa paglabas nang marinig ko ang boses ni Dad.

"Birthday party po,"

"Really? Hindi kaya ay makikipagtanan ka na? I heard you're chasing a boy?"

Naikuyom ko ang aking kamao. Hinarap ko siya. "Didn't know that you're interested in my life, Dad." I smiled.

Interesado na pala siya sa nangyayari sa buhay ko? Akala ko kasi pagpipilit lang sa'kin magpakasal sa ibang tao ang inaatupag niya e.

"Watch your words, Dianne."

"What?" I bit my lower lip. "I didn't said any bad words, Dad." Tumalikod na ako kahit pa tinatawag niya pa ang pangalan ko.

Nag taxi lang ako papunta sa nasabing bahay nila Justin.

Sa ugali ni Daddy, hindi ko maiwasan mag-isip na kahit ba ang pagpapahirap sa ibang tao ay kaya niyang gawin?

I heaved a sigh. Kaunting araw na lang ang mayroon ako, makakaya ko kayang pakiusapan pa si Trane?

Ang tagal na ng huling pag-uusap namin, ano ba 'yan!

Pero hindi naman malabo na makita ko siya dito dahil baka invited din siya, 'di ba?

Nang makababa ng taxi ay pansin ko kaagad ang mga nakaparadang magandang kotse. Pati motor ang dami. Siguro ay maraming kaibigan itong si Justin.

"Leisha!"

Napatingin ako sa tumawag. I smiled and waved at her. "Hi!"

"Sexy mo naman," aniya.

"Mas sexy ka." saad ko. She's so pretty in her fit above the knee red dress. Akala mo naman ay siya ang may birthday.

"Let's go?" pag-aya niya. Tumango naman ako. Talagang hinintay niya ako na dumating para sabay kaming pumasok.

As we entered the house, all we can see is the neon lights, dancing people on the pool at halos mabingi kami sa lakas ng music.

"Hey!"

It's Roan.

"Hello!" Bati ko. "Kanina pa kayo?"

"Ah, oo, maaga rin kasi kami pinapunta ni Justin. Kasama ko rin si Lougee," itinuro niya naman si Lougee na abala sa paglalagay ng mga inumin sa table malapit sa pool.

Kaibigan niya siguro si Justin dahil hindi naman namin siya kaklase na inaya ni Justin.

Iginaya niya kami ni Dyna sa loob ng bahay ni Justin. Nakita naman namin doon si Justin na topless. Basa rin ang buhok nito na halata mong naligo na kanina pa sa pool.

"Thanks for the gifts, Dyna, Leisha." He smiled. "Ah, if you don't want a louder surroundings, you can go this way." Itinuro niya ang isang pinto.

Wala ba rito ang parents niya?

Sumunod sa'min si Roan. Pagpasok namin sa loob ay marami rin ang tao. Mostly, babae. They're just sitting and casually eating.

Kumuha kami ng pagkain ni Dyna sa buffet kahit na nakakahiya dahil most of the girls are staring at us. May problema ba sa suot namin?

"Isn't she the one who's chasing Travis?"

"The bitch."

"She probably thinking that she can handle Travis, huh?"

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now