Chapter 18

639 8 0
                                    

"Umamin ka nga sa'kin, paano mo nalaman ang tungkol kay Kiev?" I asked Carlo. Ngayon ko na mismo tinanong dahil maya-maya ay alam kong nandito na 'yon si Dyna.

Luckily, kaming dalawa na lang ang nandito.

"Narinig ko kasi kayong dalawa ni Kleo nag-uusap."

Napabuntong-hininga ako. "Alam mo bang masama makinig ng usapan ng ibang tao?"

Napayuko naman siya. Actually, naninibago ako sakanya. Hindi kasi siya ngayon 'yong maingay na Carlo na clown sa klase. Tahimik siya buong klase kanina kaya nakapagtataka.

Iyon pala ay iniisip niya ang kalagayan ni Kiev.

"Ayos lang naman si Kiev, sa balikat at braso ang tama ng bala. Hindi pa alam kung kailan makakalabas pero sana naman malapit na." Litanya ko.

Tahimik lang siya.

"May gusto ka ba kay Kiev?"

"Ha?" Mukha siyang nabingi dahil sa lakas ng sagot niya.

"Nabingi bigla, Carlo?"

"A-Ah... H-Hindi ko kasi talaga narinig."

"Ang sabi ko, kung may—"

"Oo, n-narinig ko na. 'Wag mo na ulitin."

"Yun naman pala, so ano?"

"Ha? W-Wala ah." Umiling-iling pa siya.

"Sigurado 'yan?"

"Oo naman 'no, nagtatanong lang naman ako kung ayos lang siya,"

Kung alam mo lang Carlo. Kung sana umamin ka sa'kin ngayon, makararating 'yan kay Kiev. Kahit pa man nakakapagtaka kasi may girlfriend ka.

"Sige, mauuna na'ko, nasa labas 'yong girlfriend ko."

I nodded. Pagtingin ko sa labas ay may babaeng nakatanaw. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako.

Mabait siya...

Napabuntong-hininga ako. Nakakaguilty naman na ni-ship ko si Kiev at Carlo gayong mabait ang girlfriend ni Carlo.

"Sis!"

Inangat ko ang aking paningin. Si Dyna. Tinanguan ko siya at kinuha ang bag ko saka lumabas ng classroom at ni-lock ito.

"Grabe 'yong chika mo kahapon ah."

"Kung nando'n ka sigurado akong mahihimatay ka."

Napa-inhale naman siya. "Mabuti na lang talaga at maaga ako lagi pinapauwi ni Mommy."

Napanguso ako.

I suddenly remember my Mom. Matagal ko na siyang hinihintay kahit walang kasiguraduhan na babalik pa siya.

Nauna ng umuwi si Dyna habang hinihintay ko si Kuya Leo. Marami pa naman ang tao dito sa parking lot kaya okay lang.

"Talagang hindi kumukupas ang galing ng Cleratraper."

Cleratraper? Sounds new.

"Lalong lalo na si Trane. Talagang walang pinagbago. Isipin mo, tinutuluyan niya pa rin 'yong mga lalaking taga ibang school dahil binabanggit pa rin ang pangalan ni Rad?"

Rad? Iyong ex ni Trane?

Sinabi ko kay Carlo kanina na masama ang makinig ng usapan ng iba pero heto ako at todo pakinig sa dalawang estudyante na nag-uusap.

Sorry na, curious lang talaga ako.

"Nasa likod pa kaya sila ng gymnasium?"

Gymnasium? Ano naman ang ginagawa nila ro'n? Nakikipagsuntukan?

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now