Chapter 17

600 8 0
                                    

Tulala lang ako na nakatanaw sa bintana ng kwarto ko. Iniisip kung ano na ba ang lagay ni Kiev.

Ikinwento ko na rin kay Dyna ang nangyari dahil sasabog yata ang dibdib ko kapag hindi ko naikwento sa iba ang nakita ko.

Bumaba ako ng sala para kumain. Kahit na wala akong gana ay pinilit ko pa rin dahil ayoko naman matulog ng gutom.

"You ready to meet your fiance?"

Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang boses ni Dad. Napalingon ako sakanya. Nakasandal lang siya sa dingding habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sa'kin.

I shooked my head. "I don't want to."

"You have no choice, my dear daughter." Ramdam ko ang paglapit niya kaya itinigil ko muna ang pagkain.

Nakakawala bigla ng gana.

"Itigil niyo na po 'to, Dad. Kung dahil lang sa pera kaya niyo ginagawa 'to, magta-trabaho na lang ako at ibibigay sainyo—"

Napahawak ako sa kaliwang pisngi nang sampalin niya ako. Gulat akong napatingin sakanya. Kailanman ay hindi ako nakatanggap ng sampal sakanya.

Ngayon lang at hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya 'yon.

"Huwag mong sinasabi na para bang ako ang pinapalamon mo rito, Dianne!" Salubong ang kilay niya at masama ang tingin sa'kin. "Whether you like it or not, you're going to marry the man I'll choose."

Napakurap-kurap ako nang umalis na siya ng dining area.

Talagang namisikal siya nang dahil lang sa nainsulto siya sa sinabi ko?

Totoo naman ah? Pwede naman akong magtrabaho para mabigyan siyang pera! Hindi yung kung ano ano ang ginagawa niya para magka pera!

I sighed. Nawalan na ako ng gana kumain.

Dahil narito sa loob ng bahay si Dad ay naisipan ko munang lumabas ng bahay at maglakad lakad.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Sobrang daming tanong ang gusto kong sagutin nila.

Napabuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Malamig man ang simoy ng hangin ay ayos lang. Nakasuot naman ako ng pajama pants kaya okay lang.

Nang mapadaan sa 7/11 ay pumasok ako rito. Kumislap ang mga mata ko nang makakita ng ice cream. Dire-diretso ako rito at kumuha ng chocolate flavor. Sinamahan ko na rin ng Oreo cookie dahil hindi ako nabusog sa kinain ko kanina. Bakit ba kasi kailangan pang mag-appear ni Dad.

"Paupo ako, ha." ani ko sa lalaking nakatalikod sa'kin. Nakaharap lang siya sa salamin; sa labas ng 7/11. He's wearing a hoodie jacket kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Nevermind. I'll sit here anyway.

Binuksan ko ang Oreo at ginawang kutsara ng chocolate ice cream na hawak ko.

Yummy!

Kapag talaga ako nagkaroon ng sariling bahay ay maglalagay ako ng isang refrigerator na puno lahat ng ice cream.

"Really?"

"Ha?"

"You said it loud."

Nanlaki ang mata ko. Nasambit ko ba iyong plano ko kapag nagkabahay ako?

Napalingon ako sa lalaki. Tahimik lang siya habang umiinom ng milktea. Akala mo naman wala siyang kausap dito.

Teka.. milktea?

Sinilip ko muli ang iniinom niya at tama nga ako. I suddenly remember Trane, gustong-gusto niya ang milktea lalo na kapag cookies and cream ang flavor.

"Yung kilala ko, mahilig din sa gan'yan." I said. Trying to have a little chit-chat. Inulit ko ang ginawa ko sa ice cream kanina at kinausap ulit siya. "Kapag hinawakan 'yan na milktea, 'di ba malamig?"

"Gan'yan siya, cold palagi." Pinunasan ko ang aking labi gamit ang tissue. "Unless, i-microwave mo siya, malamang iinit talaga ang ulo no'n. Baka nga bumuga pa ng usok sa inis."

"The fuck?"

Mabilis akong napalingon sakanya. "Trane?"

"Tss." Napasinghal siya at sinamaan ako ng tingin.

Sa dinami dami ba naman na makakasabay ko kumain dito sa labas, siya pa? Ang isang pinakamasungit sa school?

Ka bilib ha! Hindi ko man lang siya nabosesan. Sa bagay 'di naman niya kasi ako kinakausap. Ouch.

"If you don't have a nice words to say, just shut your mouth."

"Hoy! May maganda naman akong sinabi ah?" asik ko.

He just tsk-ed and grabbed his phone. Kitang-kita ko ang wallpaper niyang babaeng nakatalikod at maikli lang ang buhok.

"Sino siya?" I asked.

He glared at me. "Nosy. Mind your own business, kitten."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Isang kurap ko lang ay mabilis siyang nakalabas ng 7/11.

Ang kapal! At ano daw? Kitten? Kitten?? Mukha ba akong kuting?! Kapal ng mukha! Pwes mukha siyang dragon! Akala mo naman anytime bubuga ng apoy kapag kausap mo. Ang sama ng ugali!

Nanggigigil talaga ako sakanya!

Imbes na kumalma ako dahil lumabas ako ng bahay ay hindi! Nakakainis ang Trane na 'yon. Humanda siya sa'kin bukas. Kakapalan ko talaga ang mukha kong lapitan siya. Aba! Hindi pa yata ako tapos sa Operation: paibigin ang dragon sa room.

--

"Are you ready? You can start the presentation."

Kinakabahan man ay wala akong magagawa. Magrereport at magrereport talaga ako ngayon. Nalulungkot nga ako dahil wala si Kiev. Ang nandito lang ay si Persley-gago na inaasar pa ako.

Habang nag d-discuss ay hindi ako sanay ng wala si Kiev. Kahit pa man na lagi siyang masungit sa'kin dati.

"Well done, Leisha." ani Ma'am. I smiled. Yumuko rin ako sa classmates ko at pumunta na sa silya.

The rest ay si Ma'am na ang nag lesson. In-explain ni Ma'am kung bakit ganito ang naging topic.

"Pwede ba akong sumama, Kleo?"

Umiling siya at lumingon kila Trane. Gusto ko kasi talagang makita at kamustahin si Kiev. Miss ko na ang batang 'yon. Marami pa 'yong ipapaliwanag sa'kin.

"Trane!" Lumapit ako sakanya kahit pa kausap niya sila Railey, Siopao at Persley.

"Nandito ka na naman, paawat ka naman, prinsesa." Si Persley. Binatukan ko nga. Kapal ng mukha niyang sabihin 'yan samantalang kapag naiirita nga ako sa mukha niya ay hindi ko siya pinapaalis.

"Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko!" Tinulak ko siya at lumapit kay Trane. "Sama ako,"

"Where to?"

Magsasalita pa lang sana ako nang magsalita ulit siya.

"Heaven?"

"Trane! Kung ikaw gusto mo, huwag mo'ko idamay!"

"There she is. Little kitten is angry again." Tumayo siya at nilagpasan ako.

Napapadyak ako sa inis. "Trane! Sige na! Promise, behave lang ako!" Napanguso ako. Hindi siya lumingon. Sumunod lang sakanya ang tatlo pati na rin si Kleo. I raised my pinky finger on Persley and rolled my eyes on him.

Epal!

"Leisha."

"Ha?" Napalingon ako kay Carlo. "Oh, bakit hindi ka pa umuuwi?"

Ang likot ng mga mata niya at hindi rin mapakali ang kamay niya.

"May sasabihin ka ba?" Sinilip ko pa ang mukha niya pero hindi siya nagsalita. "Kung wala kang sasabihin—"

"S-Si Kiev..."

Napatitig ako sakanya. He knew? Akala ko kami lang ang may alam ng nangyari?

"K-Kamusta siya?"

I couldn't believe that Carlo is asking how's Kiev doing while his eyes are full of concern.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now