Chapter 12

605 8 0
                                    

Is he mad at me?

Ilang araw na ang lumipas mula nang insidenteng 'yon at iyan lamang ang palaging tanong na sumasagi sa isip ko.

Hindi ko sinabi kay Dyna ang nangyari dahil ayokong mag-alala siya. Gano'n rin kila Kiev at Kleo na hindi naman nag attend ng birthday party ng demonyong 'yon.

Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan kung ano ba ang problema ni Justin at nagawa niya 'yon. Wala na akong naging balita simula no'n. Hindi na rin siya pumapasok ng school kaya ang iba ay nagtataka. Ipinalabas na lang ng apat na nag transfer na ito. Kahit ako ay hindi ko alam kung nasa'n na siya.

Natuluyan kaya siya sa ginawa ni Trane?

"Lately palagi ng malalim ang iniisip mo. Tungkol ba 'to sa birthday mo?" Dyna asked. Narito na naman siya sa loob ng classroom namin. Kilala naman na siya rito kaya hinahayaan na lang.

"Napansin ko rin 'yon, Leisha. Do you have a problem?" It's Kleo.

I shooked my head. I don't want them to be worried. "Wala 'no, iniisip ko lang, paano kung mabait pala mapapangasawa ko? 'Di ba?" Saad ko.

Ikinwento ko na rin kila Kleo at Kiev ang mangyayari sa birthday ko. What's the point of hiding? I will invite them on my engagement party, anyway.

"Mapapangasawa?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Persley-gago. Kahit kailan talaga ay chismoso siya. Dahil sa nangyaring 'yon nung nakaraan ay mas gumaan ang pakiramdam ko kay Persley.

"You're getting married?" He asked.

I just nodded. Wala na yata kasi akong magagawa. Iyon na talaga ang kapalaran ko, ang maikasal sa taong hindi ko gusto.

"Wow!" Iyan lang ang naging reaksyon niya.

"Anong wow?! Hindi kami payag 'no!" saad ni Dyna na tinanguan naman ni Kleo.

"O-Okay." sagot ni Persley. Napangiti ako, kapag talaga si Dyna ang kausap niya ay tumitiklop siya.

"Get back to your seats."

Sakto lang ang pagdating ni Ma'am dahil kakapasok lang din nila Railey, Siopao at Trane.

When I looked at him, he's already looking at me hanggang sa lagpasan niya ako.

"Hi, Leisha."

Hello, love.

"H-Hello." pagbati ko kay Siopao. Naupo siya sa tabi ko at ginulo ang buhok ko.

Alam kong kahit wala ako sa harap ng salamin ay alam kong namumula ang mukha ko.

Jusko, ang aga magpakilig!

Nang matapos ang klase ay agad kong sinundan si Trane. Mabilis siyang naglalakad habang nakasunod naman sakanya si Railey.

Hindi pa man ako nakakaabot ay may naramdaman na akong bumato sa likod ko.

"Hala sorry! Sinasadya ko, prinsesa!"

"Bwisit ka talaga!" sigaw ko sakanya. Imbis na sundan sila Trane ay kinuha ko ang librong ibinato niya at hinabol siya.

Ang kapal ng mukha niyang ibato 'tong libro? Paano kung nasira ito edi babayaran niya?

"Bumalik ka rito!"

Ang kulit!

"Habulin mo'ko!"

"Ayoko! Bahala ka tumakbo mag-isa mo!" I shouted as I stopped running. Ngayon ko lang napansin na mukha akong tangang tumatakbo habang nakataas ang kamay at may hawak na libro.

Ka-stress! Kung sino yata ang mapapangasawa ni First ay mapapagod lang kakahabol sakanya.

Nakakaasar! Hindi ko tuloy naabutan sila Trane.

Nanlulumo akong naglakad pababa ng hagdan. Saan ko kaya siya pwede makita?

Bakit ba kasi wala na ibang lalaking katulad ni Trane dito sa school?!

"Kaasar..." Napasinghal ako. "Kaasar talaga!"

"Tanga."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Kiev.

"I-Ikaw pala."

"Hindi, ibang tao ako." Umirap siya at nilagpasan ako.

Napangisi ako at may naisip na kalokohan. Dali-dali ko siyang sinundan at ginulo ang buhok niya.

Hindi pa man niya ako nililingon ay umiiyak na siya.

I laughed. Ang cute niya talaga kapag inaasar.

"A-Ano bang kasalanan ko?"

Tatawa pa sana ako dahil sa reaksyon niya pero nagulat na lang ako nang humagulhol siya at napaupo sa hagdan.

"Kiev." Nilapitan ko siya at hinarap. Nakahawak lang siya sa mukha niya at patuloy sa pag-iyak.

"S-Sorry, hindi ko naman sinasadyang guluhin ang buhok mo e." Sinilip ko pa ang mukha niya. "Sorry na."

"This is... not me." He murmured.

Nagulat na lang ako nang magsisisigaw siya at sabunutan ang sarili.

"This is not me! This is not me! Not me! Not me!"

"K-Kiev! Stop it!" Sinubukan kong hawakan ang kamay niyang nasa buhok at inalis ito. Puno ng luha ang mukha niya.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha sa pisngi. "May problema ka ba? Y-You can talk to me."

May pinagdadaanan ba siya? Anong problema niya? Ayos pa naman siya kanina ah?

Umiiyak siyang tumingin sa'kin at umiling-iling. "A-Ayokong tanggapin 'to. Ayokong..." He shooked his head at patuloy sa paghikbi. "Ayokong gustuhin siya, Ate..."

For the first time, I heard him calling me Ate.

My heart feels heavy. "Who's she?"

"It's him."

"Him?" Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata niya. "That's why you can't accept your feelings because he's a guy?"

He just nodded.

"So what? You can accept it, Kiev. Nang dahil sa kaniya kaya mo nalaman kung ano ka talaga. Siya ang dahilan kung bakit ka gan'yan, Kiev. May rason kung bakit mo naramdaman 'yan." Itinuro ko ang dibdib niya kung nasaan banda ang puso.

"I..."

"It's okay, you can tell me." I caressed his hair. He's just like a brother to me.

"I like him," Huminga siya ng malalim. "I like Carlo Jisean."

I smiled. Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niya. At least, inamin niya. Umamin na siya.

"Good boy." Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti pa.

"And, Carlo have a girlfriend."

"Don't keep it to yourself, Kiev. You can confess to him, just for you to move on." I said.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Habang hindi pa malalim, umahon ka na."

He just cried. "Why it has to be him?"

"Because it's him."

Hinatid ko si Kiev para makasakay ng taxi. Aniya'y nagapaalm daw siya sa Kuya niya na mahuhuli umuwi. Iyon pala ay dahil sa sinundan niya si Carlo, only to find out that Carlo and his girlfriend are engaged.

Carlo is getting married just like me.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now