Trust Trane? How can I trust him e mismo ngang si Ate hindi niya naipaglaban noon.
Hindi na bumalik pa si Kaizen sa kwarto ko simula nung lumabas siya. Umuwi na siguro. Dapat lang, kapal naman ng mukha niya kung mag s-stay pa siya rito.
Napaisip ako sa girlfriend niya. Totoo nga sa dalawang taong nagmamahalan ay may maiipit na isa na sasaluhin lahat ng sakit.
I sighed. May pasok na naman bukas. Makikita ko na naman ang mukha niya at ng gagong Persley na 'yon.
"Hi, Leisha!" Bungad ni Dyna pagkasagot ko ng tawag.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. "Bakit ka tumawag?"
"Namiss kasi kita."
Ngumiwi naman ako. "Nagkita pa lang tayo kahapon ah?"
Hindi ko pa nga alam kung bakit kasama siya ni Persley sa sasakyang 'yon.
"Miss nga kita!"
Nagsalubong ang kilay ko. "Ulit ulit?"
"Malamang, unlimited!"
Napairap ako at ibinaba ang tawag. Wala namang kwenta pinagsasabi niya. Ano naman kung miss niya ako? Akala mo naman hindi kami magkikita bukas.
Napatingin ako sa may bintana nang makarinig ng busina ng kotse. Dali-dali akong sumilip at nakita ang itim na kotse na pumaparada sa garage.
Kanino naman 'yan?
Bababa sana ako para tignan pero nakita ko si Ate na bumaba galing do'n. Kay Kuya Rupert yata ang kotse na 'yun.
Hinintay ko na lang siyang umakyat rito dahil alam kong ako lang naman ang pupuntahan dito ni Ate.
"Leisha?" Inilinga niya ang paningin at napunta iyon sa'kin. She smiled. Lumapit siya sa'kin na nakaupo sa kama at tumabi sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito, Ate?" I asked. Naagaw rin ng atensyon ko ang hawak niyang paper bag.
Inabot niya 'to sa'kin kaya nagtataka ko naman itong kinuha. Nang tignan ko ang laman ay napangiti na lang ako.
It's stitch stuff toy, a wallet, keychain at pajamas na may mukha ni stitch.
Napabaling ako sakanya. "You really know how to make me blush, Ate, ha."
She just pat my head. "Ate mo'ko, alam ko kung ano ang gusto mo, Leisha."
Pati ba si Trane?
"Hindi ako nakaabot sa birthday party mo, naabutan lang namin, barilan."
Nangunot ang noo ko. Bakit parang normal lang sakanya sabihin ang salitang 'yan? Bakit parang sanay na siya sa gano'ng sitwasyon?
"Muntik na nga ako magtampo Ate kung hindi ka nagpakita e." I pouted.
Napatikhim siya. "M-May inasikaso lang."
Mas lalo lang akong nagtaka nang mamula ang mukha niya. "Ate, okay ka lang ba?"
"Ha?" Umiwas siya ng tingin. "Oo 'no, so kamusta? Siya na ba 'yung sinasabi mong boyfriend?" pagbabago niya ng topic.
Hindi ko na lang pinansin ang pamumula niya at sumagot. "Opo, si Trane."
"Are you sure about him?"
Napaisip naman ako. Sigurado nga ba ako sakanya? Kung hindi niya naipaglaban si Ate noon malamang ay gano'n rin ang mangyayari sa akin ngayon.
Lalo pa't hindi niya nilinaw kung ano nga ba talaga kami.
"Opo."
Napabaling ako sa kamay niyang hinawakan ang kamay ko. Hinaplos niya pa 'to kaya napalingon ako sakanya.
"Alam mong siya ang tinutukoy ko nung nagkwento ako tungkol sa boyfriend ko, Leisha."
That's it, she confirmed it. Ex niya si Trane.
"Until now, I don't get them kung bakit sinasabi nila na hindi kami pwede, na bawal kaming dalawa." She sighed. "Cleratraper tried to stop my wedding but it failed. My husband's bodyguard try to block him kaya hindi siya nakapasok, kahit pa man sa reception."
Habang pinapakinggan ang mga nangyari sakanya ay hindi ko maiwasan na i-imagine na gano'n nga ang nangyari.
Walang nagawa sila Trane sa kasal ni Ate. Walang siyang nagawa para itigil ang kasal. He must be broken that time. Watching his girlfriend's wedding with the other guy.
"Month had passed, nalaman ko na nanggugulo na pala si Travis. Hindi naman niya gawain ang gano'n, ang manakit ng ibang tao."
I can't imagine that Trane doesn't made it. Mabait ang mga magulang niya at marami rin silang tauhan, sa angkan nila maraming pwedeng utusan para ilayo si Ate kay Kuya Rupert pero wala silang ginawa.
Now, I got confused.
"Gano'n pa rin nangyari nung nag transfer ako sa school nila, Ate." saad ko nalang.
"Funny, I didn't know that you're transferring there. All I know ay lumipat ka na ng school." Aniya, bahagya pang natawa.
"Hindi ko rin po alam na makikilala ko siya. Yung lalaking tinutukoy mong hindi ka naipaglaban."
"We talked things out last time, Leisha. I finally said that I don't love him anymore. After that, I heard na tumigil sa pag-aaral si Travis. I blamed myself. Kinabukasan niya 'yon e, hindi naman dapat 'yon matigil nang dahil lang sa'kin." Litanya niya. Napatingin siya sa kawalan, malalim ang iniisip. "Hindi ko na siya nakita o nakausap pa magmula no'n tapos.. nakita ko siya ulit."
"Are you happy, Ate?" I asked, making her eyebrows raised.
"No? Yes? I don't know, mixed feelings I guess. Lalo na nung nalaman ko na siya pala ang tinutukoy mong boyfriend mo."
"And you said, he's cute." I pouted.
"Oh, my baby. Stop sulking. I didn't know that it was him you were talking about." aniya. "After Dad found out that I'm dating a Villaquer, he got mad at me. Grounded ako no'n, almost two months at walang nagawa si Mommy."
My Mommy... Until now I was waiting for her to comeback even it's impossible.
"Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan ang desisyon niyang ipakasal tayo sa hindi natin kilala." Napatikhim siya at bumaling sa'kin. "How's Kaizen?"
"Mabait siya, Ate. Tutulungan niya nga rin ako para hindi matuloy 'tong baduy na kasal namin."
She just laughed.
"May girlfriend din siya, Ate kaya ayaw niyang ituloy ang kasal."
Napatango siya. Inilibot niya ang paningin sa kwarto ko. "Sobrang dami mo ng stitch. Can I still bought you one?"
Napatingin ako sa hawak kong paper bag. It's her gift. "Kabibigay mo lang tapos bibigay ka ulit?"
"Just kidding." Hinampas pa ako nito sa braso.
I sighed. This question still bothering me since Ate and Trane met each other again. Sasabog yata ulo ko kapag hindi ako nakakuha ng sagot.
"D-Do you... still love him?"
Agad namang nangunot ang noo niya. "No?"
Hindi pa sigurado.
"I mean, No. Big N-O." Iwinasiwas niya pa ang dalawang palad para kumbinsihin ako.
I felt my lips moving. I'm smiling. "It's awkward, I have a crush on your ex."
"It's not." She shooked her head. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at ngumiti.
"Kaya siguro kami pinaghiwalay ng tadhana, kasi kayo talaga ang para sa isa't-isa." She said, smiling.
I found myself smiling, sobrang natuwa sa sinabi niya.
"I'm glad you found him." dagdag niya pa.
"Love?" Sabay kaming napatingin sa may pinto ng kwarto ko. It's Kuya Rupert, nakabusangot habang nakatingin sa'min.
Miss na kaagad ang asawa niya.
"And I'm grateful that I found him too." She whispered, smiling widely as she walks towards her husband.
"Mauna na kami!" Kumaway pa siya.
I waved back and smiled at her. "Ingat po kayo!"
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...