Chapter 16

610 10 0
                                    

Natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng gate na sinasabi ni Pat na bahay nila Trane.

Ano naman ang gagawin ko rito?

Rinig na rinig ang music sa loob mula rito. Rinig ko rin ang ibang usapan ng mga tao. May reunion pala talaga katulad ng sabi ni Railey.

"Excuse me, Ma'am? What's your name?"

Lumapit sa'kin ang guard na nasa gate dahil napansin niya yatang kanina pa ako rito nakatayo.

"A-Ah.. wala, ano,"

Napakagat ako sa ibabang labi. Paano ako makakapasok kung hindi ako magsisinungaling?

"Ano po, nandito po kasi 'yong b-boyfriend ko." Boyfriend? Kailan ka pa nagka boyfriend Leisha? E ex nga wala ka.

Pinagkrus ko na lang ang aking mga daliri para sakaling maniwala siya. Pleaseee.

Napangiti ako nang payagan akong pumasok ng guard. Nakakapagtaka nga rin, ano naman ang gagawin ko sa reunion na 'to e nakasuot ako ng uniform. Dapat pala hindi ko na iniwan ang bulaklak na dala ko sa library para naman hindi kahina-hinala na nandito ako sa reunion.

Dito pa lang sa gate ay kita ko na ang mga naggagandahang kaedad ko at mga matatandang lalaki na alam kong mga Tatay nila. Madami rin ang mga batang nagtatakbuhan. Grabe, ganito kadami ang pamilya Villaquer?

Sinubukan kong hindi maging obvious dahil alam kong pagpipyestahan nila ako.

Handa na sana akong tumago sa may fountain nang mahagip ng paningin ko sila Kleo at Kiev.

What are they doing here?

Kita ko ang pagkalansing ni Kleo ng baso sa isang binatang lalaki. Si Kiev naman ay nakaupo lamang at nakatingin sa paligid.

Bakit nandito sila? Kilala ba nila ang Villaquer? Pamilya rin ba sila?

Ang daming tanong sa isip ko. Anong ginagawa nila rito?

Hahakbang sana ako nang mapansin ako ni Kiev. Nanlaki ang mga mata niyang napatayo. Sa ingay na nagawa niya ay napatingin sa direksyon ko ang kausap ng Kuya niya kaya mabilis akong yumuko.

Nakita kaya nila ako?

"Leisha?"

Napaangat ako ng tingin. Si Kiev. Nakakabinging katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayong nasa harapan ko na siya.

Hinila niya ako sa mas tagong parte. Napahilamos naman siya sa kanyang mukha na tila ba sobrang laki kong problema dahil nalaman ko ang bagay na 'to.

"Kiev." Madiing tawag ko. "Anong ibig sabihin nito?"

"Leisha, calm down. It's not what you think, okay?"

"So, anong gusto mong iparating? Na napadaan lang kayo? Na inaya lang kayo ni Trane? Kiev magkakasama tayo bumaba 'di ba? Bakit gan'yan?" Dinuro ko ang dibdib niya. Galit sa suot niya ngayon. "Bakit gan'yan ang suot mo? Ninyo ng kapatid mo! Pinaghandaan niyo yata ang araw na 'to e. Tignan mo 'yan necktie mo, pula pa!"

Hindi siya nakapagsalita at yumuko lang.

"Kiev, ipaliwanag mo naman oh, naguguluhan na ako. Akala ko, totoo ko kayong kaibigan.."

"Leisha, we are. Sadyang..." tumigil siya at napatitig sa'kin.

"Sadyang ano? Na hindi niyo pwede sabihin sa'kin?" Pinameywangan ko siya. "Okay fine. Hindi niyo pwedeng sabihin ang dahilan, pero pwede naman na sabihin na kilala niyo sila Trane ah?"

"Sinabi naman namin sa'yo. Isa pa, hindi naman namin inaasahan na makikita mo kami." Kalmadong saad niya pero kumukulo na ang dugo ko sakanya.

"Tinataguan niyo ako, gano'n?"

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now