Chapter 23

739 9 0
                                    

Dance with him?!

Kung sino man ang nakakakita sa'kin ngayon, they're probably thinking that I'm crazy.

Iritado ang mukha ko habang pinipilit na sumayaw ni Trane. Anong ginagawa niya rito? At saka, dance?! He's crazy! Pagkatapos niya akong paiyakin, ngayon ay sasayaw sayaw siya?

"But you have shown me what is life.
And now I know, my love (I know this love is right)"

Nakakahiya man dahil nasa madilim na parte kami ay hinayaan ko siyang hawakan ako sa beywang habang napipilitan naman akong humawak sa balikat niya. Sa tangkad niyang 'yan ay hindi ko kailangan ngayon tumingkayad dahil nakasuot naman ako ng heels.

"And I was dying inside to hold you.
I couldn't believe what I felt for you..."

Wala siyang imik habang ako ay nakatingin lang sa dibdib niya. He's just wearing a plain white shirt na naka tuck-in sa black slacks.

"Dying inside, I was dying inside.
But I couldn't bring myself to touch you.."

"I'm sorry."

I looked at him. "Ha?" Tama ba 'yong narinig ko?

"I'm sorry, Leisha. I just realized that.." He looked at me intently. "Pretty..." He whispered.

"Ha?! Hoy! Kanina ko pa hindi naiintindihan 'yang sinasabi mo."

Mukhang natauhan naman siya sa kung anong ginagawa niya. Umiwas siya ng tingin kaya nagsalubong ang kilay ko. Ano ba talaga gusto niyang sabihin?

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla nalang siyang umalis. Naiwan akong nakatanga sa gitna ng daan habang pinagmamasdan ang likod niyang papalayo sa'kin.

I bit my lower lip. Did he just left me?

"Babe!"

Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Kaizen 'yan. Hinayaan ko siyang alalayan ako pabalik sa table nila Daddy. As usual, kasama ang mga kaibigan niya sa negosyo.

Palinga-linga lang ako sa paligid habang nag-uusap sila Daddy tungkol sa kasal. I don't know, nawalan ako ng gana bigla. It's my birthday pero iba ang pinag-uusapan nila.

After that meeting there's a group of people that walks in the stage. Sumasayaw sila.

"Nakapasok ang dating mga nanggulo sa birthday party noon ni Leiren, Sir."

Naagaw ng atensyon ko ang sinabi ng isang tauhan ni Daddy.

Nanggulo? May nanggulo ba sa party noon ni Ate? Bakit wala akong alam doon?

"Sabihan mo ang mga gwardya." utos ni Dad. Napalingon siya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin. Tumama ang paningin ko kay Kaizen na salubong ang kilay at hindi mapakali.

"Dito mo na padiretsuhin sila Leiren. Tell Rupert to be careful of my daughter."

Tumango ang lalaki at dali-daling lumabas ng silid.

"Dad." Tawag ko.

"Stop questioning, Leisha." aniya at lumingon kay Kaizen. "Keep my daughter away from here."

Hindi ko pa na po-proseso ang inutos ni Daddy kay Kaizen nang maramdaman ko ang kamay ni Kaizen sa beywang ko.

"T-Teka, sa'n tayo pupunta?"

"Delikado na rito, Leisha."

"What?! Anong ibig mong sabihin? Can you please explain this—"

"Shh, quiet."

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now