Chapter 27

788 9 0
                                    

"I will find you."

Inumaga na ako kakaisip niyan. Kung ano itsura ko ngayon? Bangag.

Mukha akong zombie na naglalakad pababa ng bahay dahil sa walang tulog.

Hinatid ako ni Kleo dito sa bahay ng alas dos ng madaling araw. Hindi ko rin alam kung bakit hindi si Trane ang naghatid sa'kin.

Sa bagay, baka kilala siya ni Dad. Lalo pa't ex niya si Ate.

Kung ano na gagawin ko sakanya? Hindi ko na rin alam. Binabaliw niya ako.

"Babe!"

Napaayos ako ng tayo at inayos rin ang sarili. Mahirap na baka pagdudahan niya pa akong hindi natulog.

"Ano?!"

"Aga-aga, nakasigaw ka kaagad."

"Nakakairita kasi pagmumukha mo."

He just chuckled. Inirapan ko siya at tumungo sa dining area. Kumuha lang ako ng tubig at babalik na sana sa kwarto nang hilahin niya ako. Napaharap ako sakanya at natapon ang tubig ng kaunti sa hawak kong baso.

"What?"

"I know you were with him last night."

"Alam mo naman pala."

"Leisha, delikado ang taong 'yon."

Napabitaw na ako sa hawak niya. "Wag kang magsasalita ng gan'yan sa hindi mo naman kilala, Kaizen!"

Inis ko siyang tinulak at iniwan doon.

Kapal ng mukha niya. Na-meet ko lang 'yong Mommy niya at mabait rin siya. So, anong pinaparating niya? Sinisiraan niya si Trane sa'kin?

Sorry but that brokenhearted man already got my heart.

"Leisha! Wait!"

Nagmadali akong pumasok ng kwarto at inilock ito. Nakakainis talaga ang pagmumukha niya. Mas matino pa nga yata si Persley-gago.

"Leisha!"

"Wala akong naririnig! Sirain mo 'yang pinto kung gusto mo!" Inis akong naupo sa kama at kinuha si Stitch. Hinila ko pa ang tainga nito na para bang siya si Kaizen.

"Sisirain ko talaga 'to!"

"Sirain mo nang makutusan ka ni Daddy!"

Natahimik sa kabilang banda kaya napangisi ako.

Takot rin naman pala.

Nahiga ako sa kama nang hindi ko na narinig pa ang boses ni Kaizen. Natakot nga siguro.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na ang liit nga talaga mundo. Nakakatawang isipin na si Ate pa talaga ang ex niya. Siya pala ang dahilan kung bakit naging bato ang puso ni Trane.

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ng kalampag sa pinto.

"Leisha, open the door!"

Inis akong napapikit nang marinig na naman ang boses ni Kaizen.

Akala ko ba umalis na siya?

Lumapit ako sa pinto at binuksan 'to. Sumalubong sa'kin ang masamang mukha ni Kaizen at nasa likuran naman niya si Dan.

"What the hell is your problem?!" I hissed.

"I'm your fiance, Leisha Dianne! Why are you avoiding me?" He asked. Lumapit siya kaya umatras ako. Pumasok siya at inilock ang pinto, iniwan si Dan sa labas.

"Hindi ako kailanman pumayag sa sinasabi mo, Kaizen."

He sighed. Napayuko siya at may kinuha sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now