Kabanata 5

5.2K 205 24
                                    

"MARAMING salamat po sa pagpunta n'yo dito," nakangiting bati ni Sophia sa pamilya Peralta nang bumaba siya sa stage. Kakatapos lang niya magbigay ng speech tungkol sa ni-launch niyang clothing brand na S&S fashion.

Ramdam niyang nakamasid ang mga mata ng pamilya niya at pamilya ni Migos sa direksyon niya ngunit ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyon at mas ngumiti nang malawak.

"Ang galing mo, Sophia! Kahit hindi ko medyo maintindihan ang sinabi mo ay napahanga ako sa pagsasalita mo ng Ingles! Napakaganda mo pa ngayong gabi." sabi ni Tess na sinalubong ng yakap ang dalaga.

"Thank you po." ani Sophia at tiningnan sina Jacille at Dominic na ngumiti sa kanya. Wala ang kanyang Tito Artemio dahil may pasok ito sa trabaho at mag-oovertime din kaya ang tatlo lamang ang nakadalo.

"Best, feeling ko ay prinsesa na 'ko sa suot kong damit! Ang ganda ng pagkakadesign at sumakto siya sa 'kin," sabi ni Jacille na umikot pa para ipagmalaki ang suot na pulang dress.

"I'm glad you like it, Jacille." ani Sophia at muling napatingin kay Dominic.

Bagay sa binata ang suot nitong itim na polo shirt at gray slacks. Lumabas ang soft and light features nito dahil sa kulay ng isinuot na damit. Gwapong binata si Dominic at lahat naman yata ng isusuot nitong damit ay babagay sa kanya.

"Salamat din dito sa damit, Sophia." saad ni Dominic.

Tumango si Sophia at akmang magsasalita na nang biglang sumulpot sa tabi niya si Migos at ang business partner at naging kaibigan nitong si Andres Garcia. May hawak na glass of champagne ang dalawa. Nakangiti si Andres samantalang seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Migos.

"Are you done talking to them? My family wants to talk to you, Sophia." sabi ni Migos pero na kay Dominic ang tingin. Napayuko na lamang si Dominic.

Nakita ni Sophia ang lihim na pag-irap ni Tess at humalukipkip ito samantalang si Jacille ay natahimik na lang sa tabi ng ina.

Bumuntonghininga siya at nagpaalam na sa pamilya Peralta. "Kakausapin ko lang po ang pamilya ni Migos, babalikan ko po kayo dito mamaya."

"Walang problema, Sophia. Bumalik ka kaagad dahil baka mamiss ka ng panganay ko," panunukso ni Tess na agad sinuway ng namumulang si Dominic.

Kumunot ang noo ni Migos at tila nainis sa paghirit ng matanda. Hinila na nito paalis si Sophia at nakasunod sa kanila ang tumatawang si Andres.

"Dude, don't be so freaking jealous! You're so funny!" sabi ni Andres.

"Shut up, Andres!" inis na saad ni Migos sa kaibigan.

Nang makarating sila sa table ng pamilya ni Migos at ng pamilya niya ay magiliw siyang binati ng mga ito habang ang kanyang ina na si Lynen ay tinaasaan siya ng kilay at may pagbabanta sa mga mata. Alam niyang kakausapin na naman siya nito tungkol sa pakikipaglapit sa pamilya Peralta pero sanay na siya at ipaglalaban pa rin niya na hindi niya iiwan at lalayuan ang pamilya na nagmalasakit sa kanya noong makulong ang kanyang Tatay Stefan.

Kinausap si Sophia ng mga magulang ni Migos kasama ang inang si Lynen tungkol sa business niyang S&S fashion at tumagal rin ng ilang oras ang pag-uusap nila. Sina Migos at Andres naman ay kausap ang kanyang ama na si Edward.

Nang matapos silang mag-usap ay lumapit naman si Sophia sa ibang table at kinausap ang iilang mga business partners ng kanyang mga magulang, mga classmates at schoolmates noong college pa lamang siya, at mga kakilala na dumalo sa launching party ng clothing business niya. Proud sa kanya ang mga ito dahil sa naabot niyang success.

Natapos rin ang launching party at isa-isa nang nagsialisan ang mga bisita. Naging abala si Migos sa pakikipag-usap sa mga paalis ng bisita ganoon rin ang mga magulang niya.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now