Kabanata 12

3.4K 131 17
                                    

"KUYA, kanina pa tayo naglalakad, puwede bang umupo muna tayo saglit para magpahinga?" hinihingal na saad ni Jacille.

"Hindi tayo puwedeng magpahinga, Jacille. Kailangan natin na mahanap kaagad si Sophia. Dito ko na-locate sa Cavite ang cellphone niya at siguradong nandito rin siya." sabi naman ni Dominic habang hawak ang cellphone nito at nililibot ang daan ng Cavite.

Napailing si Jacille at kahit pagod na pagod dahil kaninang umaga pa nila nilalakad ang siyudad ng Cavite ay pinagbigyan na lamang niya ang kapatid na sabik na sabik na makita at makasama si Sophia.

Ipinapakita nila sa mga residente ng Cavite ang larawan ni Sophia at tinatanong kung nakita ba nila ang babae, ngunit puro pag-iling at pagtanggi lang ang kanilang natatanggap.

Nang makaramdam nang pagod at gutom si Dominic, sa wakas ay nagyaya na rin itong magpahinga at kumain sila. Napili nilang kumain sa isang karinderya na malapit lang sa huling pinagtanungan nila kung nakita ba nila si Sophia.

Kung may sariling search operation si Andres at ang pamilya ni Sophia ay mayroon rin silang magkapatid. Pursigido na makita ni Dominic ang dalaga at mas inuudyok pa ito ng inang si Tess na botong-boto na magkatuluyan ang dalawa. Hindi na lamang nagsasalita si Jacille dahil gusto rin niyang makatulong para mahanap ang matalik na kaibigan.

Pagkaupo nila sa dining table ng karinderya ay si Dominic na ang umorder ng kakainin nila. Naghintay muna si Jacille sa kanilang table at inaliw ang sarili sa pagtingin sa hawak na cellphone.

"Well, well, well... nandito pala ang babae ng kabit ng asawa ko,"

Natigilan si Jacille sa narinig at umangat ang tingin sa lalaking nasa harapan na niya.

Walang iba kundi si Louie Salazar. Ang lalaking asawa ng kabit ng manliligaw niyang si Freddie. Stepbrother nito si Freddie.

"Bakit, sa'yo ba ang buong Cavite? Kung nandito nga ako ay ano naman 'yon sa'yo?" masungit na untag ni Jacille sa lalaki.

Natawa si Louie. "May sinabi ba akong masama na nandito ka sa teritoryo ko?"

Nagngitngit ang mga ngipin ni Jacille dahil sa lalaking kausap. Hindi talaga niya gusto ang tabas at tabil ng dila nito. Nayayabangan din siya rito at napapangitan kahit na ang totoo ay guwapo naman talaga ito at artistahin.

"Teritoryo mo ang Cavite? Okay ka lang?" Tumawa ng sarkastiko si Jacille.

Tumaas ang kilay ni Louie at magsasalita pa sana nang dumating na si Dominic dala ang tray ng pagkain na inorder nito para sa kanila ni Jacille.

Kumunot ang noo nito nang makita si Louie bago ilapag ang tray ng pagkain sa lamesa.

"Sino siya?" tanong ni Dominic na binalingan si Jacille.

"A-Ah... kakilala ko lang, kuya." sagot ni Jacille na nautal pa.

Ngumisi si Louie sa sinabi ng babae pero natigilan rin ito kaagad dahil sa sunod na sinabi ni Dominic.

"Ang akala ko ay makakatulong siya para mahanap natin si Sophia." dismayadong saad nito.

'Sophia? Sino'ng Sophia ang tinutukoy at hinahanap nila?' Natanong ni Louie sa kaniyang isipan.

"Wala siyang alam, kuya dahil kakilala ko lang siya. Kumain na nga tayo dahil kanina pa 'ko gutom na gutom!" saad ni Jacille at iwinasiwas ang kamay upang paalisin siya.

Nagtataka man ay umalis na si Louie sa loob ng karinderya dala ang mga ulam at kanin na binili nito para sa security guards sa mansyon ni Stefan.

Hindi kaya si Sophia na asawa ni Stefan ang tinutukoy ng magkapatid? Hinahanap rin ito ng fiancé na si Andres Garcia at ang pamilya Walsh kaya posibleng si Sophia Stefan ang hinahanap ng mga ito.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now