Kabanata 21

3K 122 13
                                    

MULA sa pagkakayuko ay umangat ang tingin ni Stefan sa isang lalaki na nakatayo sa selda na kaniyang kinalalagyan. Mariin at malamig ang mga titig ng lalaki, may katandaan na rin ang itsura na sa tantsiya niya ay nasa 50 pataas ang edad. Hindi pa niya ito nakikita sa tanang buhay niya at ito ang unang beses na nagkita sila.

"Sino ka?" tanong ni Stefan sa matandang lalaki.

Pinantayan siya nito. "Ako si Renato Delmar. Matalik akong kaibigan ng ama mong si Romano."

Napukaw ang interes ni Stefan sa matandang lalaki. Wala siyang kakilalang ibang mga kamag-anak o kaibigan ng mga magulang niyang maagang pumanaw. Ito ang unang pagkakataon na makilala ang matalik na kaibigan ng ama niyang si Romano Giovinco.

"Ano hong kailangan n'yo sa akin?" kuryosong tanong ni Stefan.

"Nakulong ka dito dahil sa ginawa ng anak ni Musallah Khan, hindi ba? Mag-ama nga talaga ang dalawang iyon at wala nang ibang ginawa kundi ang maghasik ng kasamaan sa mundong ito." Umiling ang matanda at nagpakawala ng pagbuntonghininga.

"B-Bakit n'yo kilala ang tunay na ama ni Ali?" Walang ibang magawa si Stefan kundi ang magtanong. May nalalaman si Renato Delmar tungkol sa mga magulang niya at mga magulang ni Ali.

Napatiim-bagang si Renato at kumuyom ang isang kamao. "Si Musallah ang dahilan kung bakit nawala sa sarili ang asawa kong si Belen. Pinagsamantalahan niya ang asawa ko dahil natipuhan niya ito. Alam ng ina ni Ali ang ginawa niya kaya nakipaghiwalay siya rito." aniya.

Napahinto si Stefan sa narinig. Kaya pala hiwalay ang ina ni Ali kay Musallah ay dahil may ginawa itong kapangahasan sa asawa ng lalaki na nasa kanyang harapan, at nagkaroon ng pangalawang ama si Ali.

"Mayaman dahil sa illegal business si Musallah at isa rin iyon sa dahilan kung bakit hiniwalayan siya ni Nida, ang ina ni Ali. Nagtutulak ng ilegal na droga at armas si Musallah kasama ang grupo niya." dugtong ni Renato.

Inalisa ni Stefan ang mga nalaman niya. At ngayon ay nauunawan na niya kung bakit mahirap lamang sila Ali at ang mga magulang nito. Mas pinili ng ina ni Ali na mamuhay ng simple at payapa kasama ang pangalawa nitong asawa kaysa pakisamahan ang lalaking mapagsamantala at may ilegal na gawain, pero sa huli ay kumapit din sa patalim ang mga ito nang dahil sa kahirapan, at naging tauhan ng isang Chinese national na may illegal drug trafficking na negosyo.

"Isa akong Mafia ng pinaka-kinatatakutan sa underground society na itinayo ko. Nagpupuslit ako ng ilegal na armas na galing rin sa masasamang grupo. Pumapatay ako ng masasamang tao, at ako ang pumatay kay Musallah." pag-amin ni Renato na ikinagulat ni Stefan.

"Bakit ka ba nandito?" naguguluhang tanong ni Stefan.

Ngumiti si Renato at tinapik ang balikat ni Stefan. "Tutulungan kitang makalaya rito, basta't ikaw ang pumalit sa puwesto ko bilang Mafia boss. Gantihan mo ang lahat ng masasamang tao na sinaktan ang taong mahal mo sa oras na makalaya ka sa kulungang ito, at bigyan siya ng hustisya."

Isa lang ang naiisip ni Stefan nang mga sandaling iyon.. gusto niyang lumaya sa kulungan para mabawi si Sophia, at nais niyang gantihan ang dating matalik na kaibigan na si Ali.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now