Kabanata 22

3K 108 28
                                    

Trigger Warning: SA/Forced

PAGKAGISING ni Sophia ay masakit ang buong katawan niya. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan kung nasundan pa ng tatlong beses ang ginawa nila ni Stefan? Hindi niya rin napigilan ang sarili at sabik na sabik siya rito. Masarap pala sa pakiramdam na ginagawa ang intimate moments kapag mahal mo ang isang tao. Walang bahid ng pagsisisi sa huli.

Si Stefan ang nakauna sa kanya. Walang ibang lalaki kundi ito lamang. Hindi niya ma-imagine na ang lalaking itinuring niyang ama noon ang siyang magiging asawa at minamahal niya ngayon.

Tiningnan niya ang wall clock sa pader ng kanyang kuwarto at alas-nuebe na ng gabi.

Hindi na siya nakakain dahil siya mismo ang kinain!

"Good evening," Biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Stefan at may dala itong isang tray ng pagkain at may mainit din na tsaa.

Napansin niyang nakabihis na siya ng isang terno ng pajama. Sino kaya ang nagbihis sa kanya? Malamang ay si Stefan!

"G-Good evening din." nahihiyang bati ni Sophia at sumandal sa headboard ng kama.

Umupo si Stefan sa gilid ng kama at inilapag ang tray ng pagkain sa harapan niya. "You need to eat, and after that may pupuntahan tayo." sabi nito.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Sophia at inumpisahan nang kainin ang dalang pagkain ni Stefan. Sinigang na bangus na mainit-init pa, ito iyong kaninang niluto nila ni Mona. May kasama rin na fried tilapia, kanin, at green tea.

"In my workplace. Ipapakilala kita bilang asawa ko."

Muntik nang masamid si Sophia sa kinakain. Ipapakilala na siyang asawa ni Stefan? Bigla siyang nakaramdam ng hiya at kaba.

"Okay..." In the end ay pumayag na lang siya. Tutal ay asawa na siya ni Stefan at ito rin ang tamang pagkakataon para makita niya ang klase ng trabaho na mayroon ito at kung ano ang mga naipundar na negosyo sa nakalipas na siyam na taon.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain habang si Stefan ay umalis muna sa kuwarto niya upang makapagbihis. Pagkatapos  kumain ay kinuha ni Estrelita ang mga pinagkainan niya at sinabi nito na magbihis na siya na utos ni Stefan.

Nagbihis na nga siya. Printed t-shirt, pantalon, at rubber shoes ang isinuot niya. Nagsuot rin siya ng jacket at cap. Malamig ang panahon ngayong gabi at hindi niya trip na magsuot ng dress. Simple and casual look muna siya this night.

Pagkatapos magbihis, maglagay ng light make-up, at magpabago ay nakahanda na siya. Masakit pa rin ang pagkababae niya pero naibsan ang pananakit nito dahil sa ininom niyang green tea.

Lumabas si Sophia sa loob ng kanyang kuwarto at nagtungo sa sala para doon na lang hintayin si Stefan. Nagulat siya dahil nandoon rin sila Louie, Kidd, Sasha, at Neo. Binati siya ng tatlong lalaki samantalang si Sasha ay ngumiti lang ng tipid.

"Ang ganda ng look mo ngayon, Sophia. Bagay sa'yo," papuri ni Kidd at pinasadahan siya ng tingin.

"Thank you," ani Sophia at ngumiti.

"Just be careful with Kidd, Sophia. He's a womanizer, and I don't want Stefan to get mad at him and harm him." natatawang sabi ni Louie na ikinatawa rin nina Sasha at Neo.

"Hey, chill dude! Masama bang bigyan ko ng compliment ang magandang asawa ng kaibigan natin? Takot ko na lang kay Stefan. Ayoko pang mamatay, 'no!" kunwaring natatakot at kinakabahang saad ni Kidd.

Natawa na silang lahat pagkatapos. Masaya pa lang kasama ang mga kaibigan ni Stefan. Nawala man si Ali bilang kaibigan ng lalaki ay may mga pumalit naman na mapagkakatiwalaan nito

The Devil's Innocent BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon