Kabanata 17

2.8K 102 18
                                    

"WHY did that guy kiss you?" Nabigla si Sophia nang biglang sumulpot si Neo sa tabi niya. Mariin ang mga titig nito at tila inuusisa siya.

Malamang ay magtatanong talaga ito sa nakitang paghalik sa kanya ni Dominic. Iba na ang iniisip nito tungkol sa kanila kaya kailangan niyang linawin ang lahat bago pa man ito makarating kay Stefan.

"H-He kissed me." matipid na sagot ni Sophia dahil hinalikan talaga siya at hindi niya iyon ginusto.

Kumunot ang noo ni Neo. "He kissed you without your consent, gano'n ba ang nangyari?"

Tumango siya. "Sana ay hindi na makarating kay Stefan 'yong nangyari, Neo. Dominic is in love with me and he said that he only did that because he couldn't help it." Hindi niya kayang idugtong na pinilit siya nitong halikan. Magkakagulo lang kapag nalaman iyon ni Stefan.

Umiling si Neo at natawa. "What? Manghahalik siya ng babae nang dahil lang sa hindi niya napigilan ang sarili niya? Hindi ba niya naisip na may asawa kang tao tapos gagawin niya 'yon? He has no respect at all at kailangan na pati ganiyang detalye ay alam din ni Stefan."

Biglang hinawakan ni Sophia ang braso ni Neo na ikinalaki ng mga mata nito. Namula rin ang mukha na kitang-kita sa mestisong balat ng binata.

"Please? Huwag mo na 'tong sabihin kay Stefan. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya ng lahat, pero sa ngayon ay hindi ko pa kayang aminin sa kanya ang ginawa ni Dominic." pakiusap ni Sophia.

Kaagad tinanggal ni Neo ang kamay ni Sophia sa braso niya at tumikhim. "Okay, I won't tell anyone about this, but I expect you to tell the truth when you're ready. Mabuting kaibigan si Stefan at hindi niya deserve na pati ikaw na asawa niya ay magsisinungaling sa kanya."

Napangiti si Sophia at tumango.

Umiwas naman ng tingin si Neo dahil nasisilaw siya sa angking kagandahan ng babae. He has seen so many beautiful women, but Stefan's daughter/wife is on another level. He's just a man who admires beautiful women.

Umalis na rin si Neo pagkatapos dahil pupuntahan pa raw nito si Stefan sa kompanya nito. Gusto niya sanang sumama para makita niya kung ano ba ang business at naipundar ni Stefan sa loob ng siyam na taong hindi niya ito nakita ngunit pinigilan lang niya ang sarili.

Binuksan niya ang box ng iPhone at pinabili niya ito kay Stefan na si Neo ang nag-abot. Sakto at may sim card nang kasama ang cellphone na may libre ring load.

Nang maset-up niya ang bagong iPhone at malagyan ito ng sim card ay kaagad niyang tinext ang numero ni Jacille na kabisado niya.

To: Jacille

Best, si Sophia 'to. Kumusta? Nakauwi ba kayo ng maayos ni Dominic?

Makalipas ang isang minuto ay nagreply si Jacille.

From: Jacille

Oo, best. Pagkauwi namin sa bahay ay umalis kaagad si kuya at hindi ko alam kung saan nagpunta. Gusto kong magsorry sa ginawa niyang pag-eeskandalo diyan na nakita ni Kuya Stefan. Mahal na mahal ka lang ni kuya at nasaktan siya kaya naging ganoon ang reaction niya.

May gustong sabihin si Sophia pero isinarili na lang dahil ayaw niyang pati si Jacille ay masaktan. Mukhang kailangan ni Dominic ng Psychiatrist gaya ng sinasabi ni Louie dahil nahalata niya na may hindi tama sa pag-iisip nito. Hindi naman ganoon si Dominic noong una, pero may mga tao talaga na bigla na lang nagbabago sa ibat-ibang dahilan.

To: Jacille.

I understand. Kilala ko ang kapatid mo at alam kong matatanggap niya rin na kasal na ako. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya. All I want for him is to meet a girl he can love the way he does.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now