Kabanata 16

2.9K 104 28
                                    

BABALIK na sa Maynila sina Jacille at Dominic dahil may trabaho pa ang mga ito at nagleave lang nang tatlong araw para hanapin si Sophia sa Cavite. Hindi halos makatingin nang diretso si Dominic kay Sophia dahil nahihiya ito sa nagawang paghalik sa kaibigan. Si Sophia naman ay hindi magawang tingnan si Dominic at nagagalit pa rin siya sa ginawa nito.

"Magpabili ka na lang ng cellphone sa asawa mo para ma-contact mo kami. Kabisado mo naman siguro 'yong number ko." sabi ni Jacille na niyakap si Sophia at hinalikan sa pisngi.

"Sige. Basta mag-iingat kayo sa biyahe, ha?" bilin ni Sophia ngunit kay Jacille lang nakatingin.

"Oo naman-"

"Puwede ba kitang makausap sandali, Sophia?" tanong ni Dominic na sumabat sa usapan.

Hindi nagsalita si Sophia at humalukipkip. Si Jacille naman ay nagtataka dahil parang may alitan ang dalawa.

"Follow me," Pagkaraan ay napairap sa kawalan si Sophia at nagtungo sa sala. Sinundan naman siya ni Dominic habang si Jacille ay nagkibit-balikat at umupo muna sa nakitang couch na malapit sa pintuan ng mansyon.

"Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong ni Sophia kay Dominic nang makarating sila sa sala.

Napahawak sa batok si Dominic at mukhang tensiyonado. "Gusto ko nga pa lang humingi ng tawad dahil hinalikan kita kahapon. H-Hindi ko lang nakontrol ang emosyon ko." paumanhin nito.

Natawa si Sophia. "Dominic, I tried to push you away and stop you from kissing me, but you still forcefully kissed me! Para akong naharass sa ginawa mo sa 'kin," aniya.

Tila nasaktan si Dominic sa sinabi niya. "Inamin ko sa'yong mahal kita, Sophia. Matagal na akong may pagtingin sa'yo pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob para aminin ang nararamdaman ko. Alam ko naman na mahal mo si Stefan... pero hindi ko inaasahan na pakakasalan mo siya at ngayon ay mag-asawa na kayo." Bigla na lang nangilid ang luha ni Dominic na ikinabigla ni Sophia.

Mabait na lalaki si Dominic. Guwapo, responsable, at may matinong trabaho ngunit wala siyang nararamdaman para dito. Deserve nito na mapunta sa babaeng kayang ibalik ang pagmamahal na kaya nitong ibigay at ialay.

Bumuntonghininga si Sophia. "You deserve someone better, someone who can love you genuinely and truthfully. I'm not the girl for you, Dominic. I'm so sorry."

Mas nagulat si Sophia dahil biglang sumama ang tingin ni Dominic sa kanya at tuluyan nang tumulo ang mga luha.

"Si Kuya Stefan ang mahal mo. Si Kuya Stefan na mas malaki ang agwat ng edad kaysa sa'yo. Si Kuya Stefan na nagpalaki at nag-aruga sa'yo. Siya ang mahal mo." madiin nitong sabi.

Naiinis na si Sophia sa lalaking kaharap. Sa tagal niyang kakilala si Dominic ay ngayon lang ito umakto nang ganito. Hindi niya alam kung bakit pero mukhang unti-unti na itong nabubulag ng pagmamahal.

Kailangan niyang maging tapat para hindi na ito umasa.

"Yes. Mahal ko si Stefan. Kaya nga ako pumayag na magpakasal sa kanya, e. Pigilan mo na ang nararamdaman mo para sa 'kin, Dominic dahil hindi ko masusuklian 'yan." Napaluha na rin si Sophia pero kaagad niyang pinunasan ang luha sa pisngi.

Bigla ay napaluhod si Dominic sa sahig at niyakap ang mga binti niya. "Pagod na 'kong maging martyr, Sophia. Nasasaktan ako nang dahil sa'yo. Kailan mo ba 'ko mamahalin bilang isang lalaking para sa'yo? Puro ka na lang Stefan! Tatay mo 'yon at hindi asawa!"

"Dominic, tumayo ka d'yan!" pagmamakaawa ni Sophia pero umiling lang si Dominic.

"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako binibigyan ng tsansa para mahalin ka. Wala akong pakialam kahit na kasal ka pa kay Kuya Stefan, gusto ko lang maiparamdam ang pagmamahal ko sa'yo, Sophia..." pagmamakaawa ni Dominic.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now