Kabanata 11

4.1K 170 33
                                    

NASA kusina si Sophia at tinuturuan siya kung paano magbake ng Mayordoma na si Estrelita at ang katulong na nakapalagayan na rin niya ng loob na si Mona. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa pagluluto, kahit nga magprito ng itlog ay hindi niya alam. Noong bata pa lamang ay sina Stefan at Ali lang ang gumagawa sa mga gawaing-bahay at hindi siya hinahayaang tumulong ng mga ito. Prinsesa ang turing sa kanya ng dalawang ama kaya nang lumaki siya ay clueless pa rin sa mga gawaing-bahay, lalo na sa pagiging asawa.

Nang matapos nilang magbake ng cake at mailagay na ito sa oven ay nakipag-apir si Sophia sa dalawang katulong na tumulong sa kanya sa pagbe-bake.

"Thank you po sa pagtulong ninyo sa 'kin sa pagbake. Alam ko na po kung paano gawin sa susunod." aniya.

"Walang anuman, Ma'am Sophia. Nandito lang kami ni Mona para tulungan ka sa nais mo pang matutunan ngayon at asawa ka na ni Sir Stefan." saad ni Estrelita.

"Can you also teach me how to wash clothes po? At pati sa pagluluto? I only know how to heat an instant noodles and beside that ay wala na po akong alam." nahihiyang pabor ni Sophia. Mga simpleng bagay lang kasi iyon pero hindi pa niya alam. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwentang asawa kay Stefan.

"Oo naman, Ma'am Sophia! Basic lang 'yan." sabi ni Mona. Bata pa itong katulong na galing raw sa probinsya at namasukang katulong ni Stefan. Pamangkin ito ni Estrelita.

"Pero dahil nalabhan na namin lahat ang mga damit n'yo ni Stefan at nakapagluto na rin kami ng pagkain ay gusto mo ba na turuan na lang kita na magdilig ng halaman sa labas ng mansyon? Nais kong ipakita sa iyo ang mga tanim kong halaman at bulaklak sa garden." ani Estrelita at doon ay na-excite bigla si Sophia.

"Sige po!"

Dumiretso na sila sa garden ni Estrelita sa labas ng bahay samantalang humiwalay muna si Mona upang maglinis ng sala sa second floor ng mansyon.

Ipinakita ng Mayordoma ang mga tanim nitong bulaklak katulad ng Sunflower, rose, aster, santan, at iba pa. At mga halaman naman nitong cactus, jade, rosemary, eucalyptus, etc.

Manghang-mangha si Sophia sa mga nakikita niyang bulaklak at tanim sa garden. Hindi niya kasi ito napagtuonan ng pansin dahil nasa loob lang siya ng mansyon naglalagi kahit isang linggo na siya nandirito. Si Stefan ay palaging abala sa trabaho nito at hindi niya pa naitatanong kung ano ba ang trabaho ng kaniyang asawa.

Sandaling umalis si Estrelita para kunin ang hose at sprinkler na gagamitin sa pagdidilig ng halaman. Si Sophia naman ay nakangiti munang nilibot ang kabuoan ng garden.

Pakiramdam niya ay para siyang nasa isang paraiso dahil sa magandang pagkakahilera ng mga bulaklak at halaman. Halatang na-maintain ito ng maayos ni Estrelita.

Narinig ni Sophia na may sasakyang paparating na nasa labas ng mansyon. Baka dumating na si Stefan kaya inayos niya muna ang tindig at sarili. Hindi nga siya nagkamali dahil ito ang dumating kasama si Louie, may dalawang lalaki rin na kasama, at isang babae.

Pumasok ang mga ito sa loob ng mansyon at kaagad siyang nakita ni Stefan. Ang tatlo namang kasama nito ay natigilan nang makita siya. Si Louie ay ngiting-ngiti at ito ang unang lumapit sa kanya.

"Hello, Sop! Good afternoon." pagbati nito.

Sop? Binigyan ba siya nito ng nickname?

"G-Good afternoon, too." awkward niyang pagbati at tumingin kay Stefan na seryoso ang mukha at lumapit na sa kanya.

"She's your wife that you're talking about, Stefan?" nakangiting tanong ng isang lalaki na lumapit rin sa puwesto nila. Sumunod ang dalawang kasama nito.

Nagulat si Sophia nang hinapit ni Stefan ang baywang niya. "Yes. She's Sophia, my wife." pagpapakilala sa kanya.

Umawang ang bibig ng babae samantalang malaki ang pagkakangiti ng dalawang lalaki.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now