Prologue

190 98 39
                                    

Nagising ako sa isang silid na hindi ako pamilyar. Naramdaman kong masakit ang aking ulo ngunit nagpumilit parin akong bumangon sa kinahihigaan ko. Pilit kong inaalala ang mga bawat pangyayare bago ako napunta sa silid na ito,ngunit wala talaga akong matandaan o maalala kahit isa.

Nilibot ng aking paningin ang kabuoan ng silid at habang sinusuri ko ang kabuoan nito ay may napansin ang aking mga mata sa bandang kabinet...

Madilim sa parteng ito,ngunit may nasisilayan akong kakaiba...may parang naka kubli roon. Kakaiba ito at hindi pangkaraniwan ang hitsura nito.

"Anong klasing nilalang ito?" pabulong kong tanong sa aking sarili.

Matangkad ito at nanlilisik ang kulay pulang mga mata na naka tingin sa akin. Payat ang katawan nito na halos makita na ang mga boto-boto sa katawan,mayroon din itong sungay na mahaba.  Kulay itim ang buong katawan nito. Ang ngiti nito ay nakakakilabot na animoy parang isang demonyo. Hindi ito ordinaryong tao lamang kundi isa itong...HALIMAW!

Nanginginig sa takot ang aking buong katawan na para bang binuhusan ako nang malamig na tubig.

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit hindi ko ito maigalaw,at pilit ko ring iniiwas ang aking paningin sa nilalang subalit kahit ang aking ulo ay hindi ko din maigalaw. Maya maya pa'y nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luhang naiipon saaking mata at unti onti na itong dumadaloy sa aking pisngi.

Hindi pa rin ako maka paniwala sa mga nakikita ko at sa mga nangyayari sa akin ngayon. Dahil ang kaninang naka kubling Halimaw sa kabinet, ngayon ay unti onti nang lumalabas sa pinag kukublian nito.

labis na nakakatakot ang bawat kilos nito na papalapit saakin.

Pilit kong ginagalaw ang aking buong katawan at ang aking ulo ngunit hindi ko talaga ito maigalaw kahit ang aking mga daliri sa kamay ay ganoon din.

Sinubukan kong sumigaw upang humingi ng tulong, subalit walang boses na lumalabas sa aking bibig at ang luha sa aking mga mata ay patuloy pa rin sa pag daloy sa aking pisngi.

Hindi pa rin ako maka galaw. Ang tibok ng aking puso ay pabilis na ng pabilis na animoy para akong hinahabol ng walang katapusan.

Tuluyan na nga itong naka lapit saakin at bigla ako nitong sinakal. Napaka higpit ng kanyang pagkaka sakal saaking leeg.

Sinubukan kong manglaban ngunit napaka lakas nito na para bang hindi nasasaktan sa panlalabang aking ginagawa.

Lahat ng aking lakas ay ibinigay kona sa panlalaban upang makakalas sa Halimaw na ito ngunit parang hindi talaga ito nasasaktan. Kahit na aking itong sinusuntok,sinasampal,sinisipa, o kahit paman ay kagatin ko ang kanyang kamay ay wala pa rin itong nararamdamang sakit.

Sa aking panlalaban ay mas lalong pahigpit na ng pahigpit ang kanyang pagkaka sakal sa aking leeg. Hirap na hirap akong makawala at nararamdaman ko nang malapit na akong malagutan ng hininga.

"Hindi ko na kaya..."
"Hindi na 'ko maka hinga..."
"Sana masamang panaginip lamang ang ito!"

Mga salitang nasabi ko na lang sa 'king isipan habang unti onti na akong nawawalan ng lakas at hininga...hanggang sa dahan dahan nang nagdidilim ang aking paningin...

PANAGINIP Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon