CHAPTER 3

63 51 5
                                    

                

Sabado ng umaga at naisipan ni Sky na yayaing kumain sa labas si Demi. Bihira na lamang sila nito kumain o gumala sa labas dahil sa dami ng mga takdang aralin at mga proyekto na sunod sunod na  pinapagawa sa kanila ng kanilang mga guro. Kaya ngayong sabado ay nais nitong lumabas at mag saya kasama si Demi upang kahit papaano ay ma enjoy man lang nila ang weekend.

Tinawagan ni Sky si Demi at agad din nitong sinagot ang kanyang tawag. Tinanong nito kung wala naman ba itong gagawing ngayong araw ng sabado at kung gusto nitong lumabas kasama siya.

Habang kausap nito sa cellphone si Demi ay mababakas sa mukha nito ang unti unting pagka tuwa dahil sa pumayag ito sa nais niya.

"Sige,mga alas dos ng hapon mag kita nalang tayo sa seven eleven." wika ni Sky.

Nagka sundo ang dalawa sa oras at sa lugar kung saan sila mag kikita kaya naman ay nag paalam sa sila sa isa't isa at pinutol na ang tawag.

                                               ***

Kahit marami pang tatapusing mga activities si Demi ay masisilayan pa rin sa mukha nito ang pagka tuwa. Dahil sa tagal nilang hindi nakaka labas ng kanyang Kaibigan ay ngayon nalang muling mauulit ang mga noon ay madalas nilang gawin ng kanyang Kaibigan.

Matagal na silang mag Kaibigan ni sky na halos mag aapat na taon na silang mag Kaibigan. Sa lahat ng naging Kaibigan ni Demi ay si Sky lamang ang nanatili at hindi siya iniwan sa hirap o ginhawa man ng buhay.

Mga ilang oras din ang lumipas ay sumapit na ang oras na alas dos ng hapon. Kaya naman ay dali daling inayos ni Demi ang kanyang gamit sa maliit na bag at nag paalam na sa kanyang kapatid at Ina na aalis siya at mag kikita sila ng Kaibigan nitong si Sky. Agad naman itong pinayagan ng Ina dahil kilala na ng mga ito si Sky at may tiwala sila dito. Bago ito umalis ng bahay ay pina aalalahanan ito ng kanyang ina na mag ingat at umuwi agad pagka tapos nilang mag saya. Simpling kulay puting t-shirt sa pang itaas,pantalong maong naman sa pang ibaba at kulay puting sneakers na casual naman ang suot niya sa kanyang paa.

Nang marating ni Demi ang lugar kung saan sila mag kikita ni Sky ay agad naman niya itong nakita na nag hihintay sa labas ng Seven Eleven. Naka dress ito na kulay itim ngunit simple lang din at naka flat shoes.

Nang ako ay makababa na sa jeepney ay agad niya din akong nakita at dali daling lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit na para bang ilang taon kaming hindi nag kita.

Una kaming pumasok sa Seven Eleven at parehas naming gustong mag sorbetes dahil sa tirik na tirik pa din ang araw sa kalangitan. Ngunit ang sorbetes talaga ang isa sa mga paborito namin dalawa noon pa at hanggang ngayon.

"Demi anong gusto mong flavor ng Ice Cream?" tanong nito saakin habang pumipili sa menu kung anong flavor ng ice cream ang oorderin.

"Vanilla ice cream nalang saakin." wika ko.

"Sige. Itong chocolate ice cream nalang sa'kin...gusto ko ding bumili ng footlong,ikaw gusto mo din ba?" tanong nito saakin.

"Sige ako din." tipid kong saad at kumuha na nga kami at binayaran na sa may counter.

Marami kaming napag kwentuhan at puro kami tawanan,biruan,harutan,at asaran. Ngunit may mga seryoso din kaming mga napag usapan tulad ng family problems at iba pang mga problema o seryosong mga usapin na hindi pa namin napag kukuwentuhan sa chat o tawag. Sumagi sa aking isipan ang mga nakakatakot kong panaginip noong mga nakaraang gabi.

Nais ko sanang ikuwento kay sky ang mga iyon ngunit pakiramdam ko ay hindi ako nito papaniwalaan at kung ikuwento ko man ang mga masasamang aking napanaginipan ay baka matakot at mag-alala lang ito sa'kin. Kaya hindi ko nalang muna ito isinawalat sakanya.

PANAGINIP Where stories live. Discover now