CHAPTER 2

124 80 7
                                    


Demi. Demi ang pangalan ko. May isa akong kapatid,at ang pangalan ay Gabriel.

Si Papa naman ay lasingero at iniwan na kami at mas pinili yung babae nya,at hanggang ngayon ay masama pa din ang loob ko sakanya.

Si Mama naman ang naging matatag at hindi kami iniwan. Masakit sa'min na lumalaking walang ama ngunit mas masakit ang nararamdaman ng aking Ina. Siya ang nag susumikap upang buhayin kaming mag kapatid. Nag tatrabaho si Mama sa isang malaking mall na malapit lang sa aming bahay. Ang pasok niya sa trabaho ay 9:00 A.M at umuuwi naman siya ng 6:00 P.M. Minsan nag oovertime ito sa trabaho kaya umuuwi ito ng 8:00 P.M. Kaya sobra ang aking pasasalamat na may Nanay kaming hindi kami iiwan ano man ang mangyare.

Walang pumasok na kahit isang Guro sa classroom namin,dahil lahat sila ay abala sa pag sasaayos para sa paparating na event sa paaralan. Ang ingay ng paligid kaya't naisipan kong kunin sa aking bag ang Headset at sinoot sa magka bilang tenga at nag play ng paborito kong music. Kinuha ko din ang libro sa aking bag upang sa ganoon ay malibang ko ang aking sarili sa pag babasa. Bata pa lang ako ay mahilig na'ko sa mga libro.

Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ng libro ay narinig kong nag bell na kaya ipinasok ko lahat ng aking kagamitan sa loob ng aking bag. Hindi ganoon kalakasan ang aking music kaya dinig ko ang pag tunog ng bell.

Nang maayos ko ang aking mga kagamitan sa loob ng aking bag ay nakita ko si Sky na hinihintay pala ako sa labas ng pinto ng aming classroom. Kinawayan nya ako na may kasamang ngiti,kaya't ginantihan ko din ito ng pag kaway at masayang ngiti.

Sabay kaming lumabas ng Paaralan at nag kwentuhan. Madami kaming napag kwentuhan at puro biruan at tawanan sa daan nang bigla itong natahimik at kasabay ng pagka seryoso ng mukha nito. Na weirduhan ako sa bigla nitong ikinilos kaya nag salubong ang aking dalawang kilay na para bang nag tataka.

"HOY! bakit ka biglang natahimik jaan?" na tatawa kong tanong sakanya.

Bigla itong nag salita sa seryosong boses. Kaya ako ay biglang napa seryoso na din dahil baka may seryoso itong sasabihin o ikukwento.

"Demi,maniniwala kaba kung ikukwento ko sayo?" tanong ni sky sa'kin habang nag lalakad ng mabagal.

"Bakit,ano iyon?" takang tanong ko.

"May sinapian daw kase sa kabilang section. Sa section D. Hindi ko kilala kung sino yung sinapian pero babae daw. Nag-wawala daw ito kanina at ang mata ay nanlilisik,pati ang boses nito ay nag iba na parang isang Halimaw." na hihintakutang pag kuwento ni Sky saakin.

"HAHAHA! Naniniwala ka pala sa mga ganyang kwento!" natatawa kong sabi.

Natahimik nalang ito at hindi na umimik pa hanggang sa mag paalam na kami sa isa't isa.

Hindi ako naniniwala na merong multo sa mundong ginagalawan natin. At ang mga multo ay gawa-gawa lang ng mga matatanda upang panakot sa mga bata.

Nakauwi na'ko at nakita ko si Mama na nag luluto ng pang hapunan namin. Nilapitan ko ito upang mag mano.

"Ma,asan po si Gab?" tanong ko sa aking Ina pagka tapos kong mag-mano.

"Nasa kwarto,nag lalaro." sagot naman ni Mama.

"Ah! sige po...gusto niyo po bang tulungan kona kayo jaan?"

"Hindi na,nak. Kaya ko na'to. Mag pahinga kana lang muna."

"Sige po. Akyat muna po ako sa kwarto ko."

Pagka akyat ko ng hagdan ay nakita ko si Gab na naka upo sa sahig at masayang nag lalaro mag isa. Naka talikod ito saakin. Tinawag ko ito upang ipaalam na dumating nako.

"Gabgab! andito na ang Ate!" pag tawag ko sakanya.

Agad naman itong lumingon saakin at masayang lumapit at niyakap ako.

PANAGINIP Where stories live. Discover now