CHAPTER 4

67 50 5
                                    

                

"DEMI..." tawag sa akin ng isang pamilyar na boses ngunit hindi ko mawari kung sino ito.

"DEMI..." ulit nitong tawag saakin ngunit kahit anong lingon ko sa paligid ay hindi ko makita kung sino ang tumatawag sa aking pangalan.

"DEMI!" sigaw mula sa aking likuran kaya naman ay agad agad akong napalingon sa aking likuran at ganoon nalang ang aking takot at pagka sindak ng makitang duguan ang aking Ina. Napa atras ako ng kaonti dahil sa pagka gulat.

"M-mama?" tanong ko na may halong pag aalala at pag tataka. Hindi ito sumagot at walang emosyong naka tingin ang mga mata nito sa akin.

"Anong nangyari sa'yo,ma?!" muli kong tanong sakanya ngunit wala pa din itong imik at emosyon na naka titig saaking mga mata.

"Sino ang may gawa sa'yo nito?" naluluha kong tanong at nilapitan na ito ngunit katulad ng kanina ay wala pa din itong imik at emosyon. Mas lalong nadagdagan ang aking takot ng mapansin ang patuloy na pag agos ng dugo nito sa ulo at katawan. Namilog ang aking mga mata ng bigla ako nitong hawakan sa aking braso. Napaka lamig ng kanyang kamay.

Muli kong tinignan ang kanyang mukha at nakitang naka ngiti na ito ng nakakakilabot at sa bibig nito ay may lumalabas na dugo. Nahintatakutan akong napa sigaw ng malakas at tinanggal ang kanyang kamay na naka hawak sa aking braso at agad tumakbo palayo sa aking Ina. Habang ako ay tumatakbo palayo ay naririnig ko ang nakaka baliw na halakhak nito na sobrang lakas. Takbo ako ng takbo at naghahanap ng mapag kukublian ngunit walang kahit anong maaaring mapag kublian. Tanging kulay puti lang ang kulay ng paligid at kahit isang kagamitan,bahay, o kahit paman mga puno ay wala akong makita.

Malayo na ako sa aking Ina, ngunit  nararamdaman kong hindi ito ang tunay kong ina dahil sa mga ikinikilos nitong hindi pangkaraniwan. Para itong nababaliw  at kahit may kalayuan na'ko sa kanya ay naririnig ko pa din ang malakas na tawa nito. Sumasakit na ang aking tiyan at paa sa kakatakbo ngunit wala pa din akong makitang kahit ano. Tagaktak na ang pawis sa aking katawan. Ang aking lalamunan ay sobra na ang pagka uhaw. Ngunit lahat ng hirap na dinaranas ko ngayon ay aking tinitiis.

"TULONG! TULUNGAN NINYO AKO!" sigaw ko,nagbabaka sakaling may taong makaka rinig saakin upang tulungan ako ngunit bigo ako. Walang tao sa paligid...tanging ako lang at ang gumaya sa anyo ng aking Ina ang nasa kulay puting lugar na ito.

Muli kong nilingon ang kinaroroonan ng gumaya sa anyo ng aking ina at laking gulat ko ng makitang nag lalakad na ito ng may kabilisan patungo saakin. Lubusan na akong nilamon ng takot kaya naman ay kahit masakit na ang aking mga paa ay hindi pa din ako sumuko at mas lalong nilakasan pa ang loob. Inipon ko ang mga natitira kong lakas at muling sinikap na mag lakad-takbo palayo sa gumawa sa aking ina.

Sa muli kong pag lingon sa aking likuran ay laking gulat ko ng makitang malapit na pala saakin ang gumaya sa anyo ng aking Ina. Mas binilisan ko pa ang aking pag takbo at lakad ngunit kalaunan ay naabutan ako nito at hinila ang aking buhok.

"AAAHHH!" sigaw ko dahil sa labis na sakit ng pagkaka hila nito sa aking buhok. Nang akin itong harapin ay nakitang naka ngiti pa rin ito ng nakakakilabot. Ang kaliwang mata naman nito ay nag kulay puti na kanina ay hindi panaman ito ganoon,at ang mukha naman nito ay parang nasunog ganoon din ang katawan nito. Nilakasan ko ang aking loob kahit sobra na ang aking takot na nararamdaman.

"ANO BANG KAILANGAN MO?!" lakas loob kong tanong dito. Pagka tapos ko itong tanungin ay sa wakas ay nag salita na ito ngunit hindi na kasing boses ng tunay kong ina. Napaka lalim ng boses nito na animoy parang galing sa ilalim ng lupa.

"SUMAMA KA SA'KIN!" saad nito. Nanghilakbot ako sa takot ng marinig ko ang sinabi nito kaya naman ay nag pumilit akong kumalas sa kanyang pagkaka sabunot  sa aking buhok ngunit napaka higpit ng kanyang pagkaks hawak sa aking buhok.

"SINO KA? ANONG KAILANGAN MO SA'KIN?!" tanong ko ng hindi ito tinitignan sa mukha dahil sa nakakatakot na itsura nito. Ang buo nitong katawan ay napuno na ng sariwang dugo na umaagos sa sarili niyang katawan.

Hindi nito sinagot ang tanong ko at nakaramdam ako na parang may mga maliliit na insekto na kumakagat saaking katawan. Sa sobrang kati ay hindi ko mapigilan hindi kamutin.

"DEMI!" malakas na sampal ang aking natanggap.

"Aray!" bulalas ko habang sapo sapo ang aking pisngi. Ang tibok ng aking puso ay napaka bilis at ang aking damit ay basang basa ng pawis.

Napagtanto ko na naka tulog nga pala ako sa lamesa sa kusina at ang daming lamok na sumisipsip ng dugo ko sa aking braso at hita. Pag angat ng aking mukha ay nasilayan ko ang nag aalalang mukha ni Mama.

"Buti gising kana,patawad kung na sampal kita Demi." pag hingi nito ng tawad ngunit mababakas sa mukha nito ang labis na pag aalala.

"Ma,bakit mo'ko sinampal?" tanong ko. Habang naka hawak pa din ang aking kamay sa aking pisngi.

"Ala una na ng umaga ng magising ako at bumaba ako ng hagdan upang gumamit ng banyo. Sa hagdan palang ay napansin kong naka sindi ang ilaw sa kusina kaya sinilip ko ito. At nakita kitang natutulog sa lamesa kaya ginising kita para lumipat sa kwarto mo ngunit hindi ka nagigising at habang patuloy ako sa pag yugyog ng katawan mo ay napansin kong may luhang nag uunahang lumabas sa iyong mga mata kaya labis akong nag alala. Dahil hindi kita magising sa yugyog ng katawan ay nagawa kong sampalin ka dala na rin ng pagka taranta. At sa wakas nagising kana." paliwanag ng aking ina.

Niyakap ko ito ng mahigpit at tuluyan ng napa hagulgol ng iyak. Nag pasalamat ako sa aking ina dahil kung hindi niya pa ako nagising siguro ay kasama na ako ng nakakatakot na gumaya sa anyo niya.

"Bakit? ano bang nangyari?" tanong nito habang kamukha ng isang basong tubig at inabot saakin. Kinuha ko ito at agad ininom. Nang ako ay maka inom ay muling nag salita ang aking ina.

"Demi. Ayos ka lang ba talaga? napapansin ko kase na napapa dalas ang masamang iyong na papanaginipan...ano ba ang napanaginipan mo?"

Hindi agad ako naka sagot dahil sa biglang pagka blanko ng aking utak.

"Demi!" muling saad ng aking ina habang kinakaway ang kanang kamay sa harapan ng aking mukha. Doon ko napansin na kanina pa pala ako naka tulala.

"Ah..eh...siguro mamaya nalang, Ma. Matutulog muna ako." ang tangi ko nalang nasabi sakanya. Dahil ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko ikukuwento sa kanya ang nasa panaginip ko. Nag dadalawang isip din ako kung sasabihin ko ba o hindi ang mga nangyari sa aking Panaginip. Tumango nalang ito at nag paalam at tinungo ang banyo. Niligpit ko ang aking mga gamit sa lamesa at tinungo na ang aking kwarto.

                                                 ***

Nasa kwarto si Demi ngayon naka higa sa kama habang naka tingin sa kisame. Mag aalas tres na ng madaling araw ngunit hindi pa din siya maka tulog. "SUMAMA KA SA'KIN" salitang Paulit ulit na gumugulo sa kanyang isipan.

Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Demi. Tumayo ito sa pagkaka higa ng walang emosyonn. Lumapit ito sa bintana at hinawi ang kurtina at sumilip. Nakita nitong maliwanag na at may mga tao na sa labas,ang iba sa mga ito ay nag jojogging pa. Ang mga tindahan ay binubuksan na ng mga may ari.

Isinara niya na ang kurtina ng bintana at napa buntong hininga. Umupo siya sa kanyang kama na wala pa ding emosyon. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung bakit siya nananaginip ng ganito. Inaalala niya kung may mga naka away ba siya ngunit wala siyang matandaan kahit isa dahil alam niyang wala siyang sama ng loob sa iba. At kung meron man ay agad naman siyang nakikipag ayos.

Kaya labis ang kanyang pag tataka kung bakit siya nananaginip ng ganito kasama na halos ay gabi gabi at kung hindi pa siya gigisingin ng mga taong nasa paligid niya ay hindi pa siya magigising.









PANAGINIP Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ