CHAPTER 1

164 92 24
                                    

"Aaahhhhhhh!"

Hingal na hingal at pawisan ang aking buong katawan na napa balikwas ng bangon.

"Panaginip! Isang masamang panaginip lamang ang lahat ngunit parang totoo ang lahat ng nangyari." Hindi maka paniwalang saad ko sa aking sarili habang hinahabol ang aking hininga.

Nilibot ko ng aking paningin ang kabuoan ng silid. Naka hinga ako ng maluwag nang mapag tantong nasa sariling silid na ako,kung saan ang totoo kong kwarto.

Tinignan ko ang orasan sa tabi ng aking kama.

"2:54 na pala ng madaling araw."  wika ko sa'king isipan.

Isinawalang bahala ko nalang ang mga napanaginipan ko dahil baka lamunin pako nito ng takot.

Dahan dahan akong tumayo sa kinahihigaan ko upang mag palit ng damit dahil basang basa na ito ng pawis. Nag tungo ako sa aking kabinet upang kumuha ng aking maisususuot.

Mga ilang minuto din ang lumipas ay naka pag palit na ako ng damit at sinampay ang pawisan kong damit  sa sampayan sa loob ng aking silid. Maya maya ay naka ramdam ako ng pagka uhaw. Nag dadalawang isip ako kung bababa pa ba ako sa kusina o titiisin nalang ang pagka uhaw. Hindi ako matatakuting tao,hindi din ako naniniwala sa mga Multo o mga kwentong pinaniniwalaan ng mga matatanda. Sadyang tinatamad lamang akong bumaba ngunit kalaunan ay napilitan na din akong bumaba dahil sa pag ka uhaw.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto dahil maingay ito kapag bubuksan o isasara kaya naman maingat at dahan dahan ko itong binukas,nang maka labas ako sa aking kwarto ay dahan dahan akong bumaba ng hagdan dahil ayokong maistorbo sa pagkaka tulog sina mama at ang bunso kong kapatid na natutulog sa kabilang kwarto.

Si Mama at ang bunso kong kapatid ay nasa iisang silid lang,samantalang ako naman ay mag isa sa isang kwarto,ngunit hindi naman nag kakalayo ang aming mga kwarto.

Pagka baba ko ng hagdan ay agad ko namang kinapa sa dingding ang light switch upang i-ON ang ilaw. Nag kalat ang liwanag sa buong kusina nang aking mapindot ang ON ng Light switch.

Hihikab-hikab akong nag tungo sa may refrigerator at binuksan iyon. Nakita ko ang nag iisang pitsel na kalahati nalang ang laman.

Kinuha ko ito at sinalinan ang isang baso ng tubig at saka uminom. Sa sobrang aking pagka uhaw ay naka apat na basong tubig ang aking nainom. Maya maya pa ay biglang sumakit ang aking tiyan dahil sa sunod sunod na pag inom ng malamig na tubig.

"Napa dami ata ang nainom kong tubig." bulong ko.
Nilapag ko ang baso sa lamesa at nag lakad patungo sa banyo.

Nasa harapan na ako ng banyo nang biglang may naramdaman akong kakaiba parang bumibigat ang aking pakiramdam,parang mayroon akong mabigat na pasan. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil sa sakit ng aking tiyan.

Pumasok na ako sa banyo at ini-lock ang pinto at agad ko namang binaba ang aking pang ibabang saplot at umupo sa may toilet bowl,nang biglang...may narinig akong tatlong katok na nag mumula sa labas ng banyo. Hindi ko ito pinansin ngunit...naulit muli ang pag katok ng tatlong beses.

Kaya naman agad akong nag taka dahil sa ganitong oras ay mahimbing pa na natutulog ang aking ina at kung kakatok man ito sa pinto ay nag tatanong muna ito kung may tao ba sa loob o wala .At lalong imposibleng ang bunso kong kapatid na kung ma tulog ay tulog mantika. Wala din kaming bisita. Dahil sa curious ako kung sino ang kumakatok sa pinto ay tinanong ko muna ito kung sino ito upang matiyak kung sino ito.

"Sino 'yan!?"  lakas loob kong tanong. Ngunit walang sumagot. Inulit ko ulit ang aking tanong ngunit katahimikan lang ang sumagot sa aking tanong.

Kaya naisipan kong bilisan sa pag gamit ng banyo upang malaman kung sino ba ang kumakatok sa pinto ng banyo ng ganitong oras.

PANAGINIP Where stories live. Discover now