CHAPTER 5

50 33 0
                                    

*Makalipas ang tatlong linggo*

Ngayon ay alam na ni Demi na hindi na normal ang kanyang mga napapanaginipan. At labis ang kanyang pag aalala at takot na kung sa susunod ay baka kunin na siya ng mga nakakatakot na halimaw sa panaginip niya. Natatakot na din siyang matulog mag isa, pakiramdam niya kase ay may kasama siyang nilalang na hindi pangkaraniwan.

Napukaw ang kanyang pag iisip ng may kumatok sa pinto ng kanyang silid. Dahan dahang iyong bumukas at niluwa ng pinto  ang kanyang ina. May dala dala itong pagkain na naka lagay sa tray. Ipinatong nito ang tray na may pagkain sa study table niya at lumapit sakanya.

"Demi,mag almusal ka muna..." saad ng kanyang ina. Marahan itong umupo sa kama malapit sa kaniya at hinawakan nito ang kaniyang dalawang kamay at hinaplos haplos iyon. Kitang kita sa mukha ng kanyang ina ang lungkot at pag aaalala.

"Demi,anak..." huminto muna ito saglit bago itinuloy ang susunod na sasabihin.
"Ayos ka lang ba talaga? Napapansin ko kase ang pamamayat mo...hindi mo ba iyon napapansin? Kahit ang kulay ng iyong balat sa katawan ay hindi na normal,para kang namumutla,kulang kana sa dugo." may pag aalalang saad ng kanyang ina.

Hindi nag salita si Demi at naka tingin lang ito sa kaniyang ina. Ang ibabang parte ng mata nito ay nangngingitim na sa sobrang kakulangan ng tulog.

Madalas na kase itong malipasan ng gutom. Tuwing gabi naman ay hirap itong makatulog. Ilang linggo na din itong hindi pumapasok sa paaralan. Hindi matukoy ng pamilya ni Demi ang tunay na dahilan kung bakit nag kakaganito ang anak na si Demi. Lagi nalang itong naka kulong sa sariling silid at hindi na magawang lumabas pa ng bahay.

"Anak,kung may problema ka at wala kang mapag sabihan,nandito naman ako...makikinig ako sa'yo." muling saad ng kanyang ina.

Noon palang ay madalas ng tanungin si Demi ng kanyang ina kung ayos lang ba ito dahil napapansin ng kaniyang ina ang kakaibang ikinikilos ng anak na si demi,subalit hindi niya ito pinipilit kung nais nitong sabihin o hindi ang mga problema nito. Nag hihintay na lamang ang ina na sabihin nito ang mga problema ng anak sa tamang panahon,kung handa na nitong sabihin sa ina.

Tumulo na ang mga luha na kanina pang namumuo sa mata ni Demi at hindi na napigilang mapa hagulgol ng iyak. Agad naman itong niyakap ng kaniyang ina at pilit na pinapatahan.

Ilang sandali din ay kumalma na si Demi at marahang kumalas sa pagkaka yakap sa ina. Yumuko ito bago nag salita.

"Ma,kung sasabihin ko po ba saiyo ay maniniwala ka ba?" mahinang wika ni Demi ngunit mapapansin sa boses nito ang kalungkutan.

"Oo naman anak,sabihin mo lang at makikinig ako. Ako ang iyong ina,kaya normal lang na sabihin mo saakin ang iyong mga problema." matamis na saad ng kanyang ina.

Unti onting umangngat ang ulo ni Demi at tinignan ang mga mata ng kanyang ina.

"Noong nakaraan po ka—" hindi naituloy ni Demi ang sasabihin ng biglang pumasok si Gab sa silid kung saan nag uusap ang mag ina. Hawak hawak nito ang cellphone ng kanilang ina at mukhang may kausap ito sa telephono.

"Ma,tumatawag si lola. Gusto ka daw makausap." wika ni Gab. Ibinigay nito ang cellphone sa ina at kinuha din ito ng ina at isinalpak sa tainga ang cellphone. Nag paalam muna saglit ang kanilang ina sa dalawang anak nito at tuluyan na itong bumaba ng hagdan.

"Ate! umiyak ka po ba?" tanong ni gab nang mapansin nito ang mga luhang natuyo sa pisngi.

Nagulat si Demi dahil sa may pagka kalakasan ang boses ng kapatid.

"Ah! hindi,napuwing lang ako kaya ako may luha sa mga mata." saad ni Demi na sinabayan ng pilit na ngiti.

"Bakit basang basa po 'yang mukha mo at yang damit mo?" tanong muli ni Gab.

"Hayaan mona iyan,pinag pawisan lang ako kase ang init sa kwarto ko." tugon ni Demi sa kapatid habang pinipilit na tumawa upang hindi na siya nito muling tanungin.

Tumango lang si Gab at muling nag salita...

"Ate Demi,bakit hindi kana po pumapasok sa school? Bakit lagi kanalang nakakulong dito sa loob ng kwarto mo?" malungkot na tanong muli ni Gab. Hindi agad 'yon nasagot ni Demi dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kapatid ang nangyayari sa kaniya. Nais niya mang sabihin dito ang mga gustong sabihin, subalit masyado pa itong bata para maintindihan ang mga bagay bagay.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nabasag lamang ang katahimikan nang muling mag salita si Gab.

"Ate,puntahan ko lang po muna si mama sa ibaba." nang makapag paalam kay Demi ay agad din itong umalis sa silid. Sinundan na lamang ng tingin ni Demi ang kapatid hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin.

Ngayon ay mag isa nanaman si Demi sa silid. Tumayo siya sa pagkaka upo sa kama at nag lakad patungo sa study table upang  tignan kung anong pagkain ang nasa tray. Isang mangkok ng sopas at dalawang tinapay na may palamang cheese at isang basong gatas ang naka lagay sa tray. Umupo siya at inumpisahan nang mag almusal.

Napahinto siya sa pag aalmusal ng biglang marinig ang langitngit ng pinto ng kanyang silid. Napa lingngon siya sa pintuan ng kanyang silid at nakitang wala naman taong pumasok roon. Sa isip-isip niya ay baka na hangin lang ito.

Muling ibinaling ni Demi ang kanyang paningin sa inaalmusal ngunit laking gulat niya ng makitang ang mangkok na may lamang sopas ay naging kulay itim ang sabaw at may mga uod na buhay pa,kahit ang tinapay na may palamang cheese ay naging uod ang palaman,ang kaninang isang basong gatas ay napalitan ng dugo.

May isang uod na tumalsik sa kaniyang dibdib at ito ay kaniyang ikinagulat ng lubos. Natumba siya sa kinauupuan at nag sisisigaw. Bigla naman siyang nakarinig ng mabibilis na yabag sa hagdan at nakitang ang ina niya iyon,mabilis siyang niyakap nito ng mahigpit.

"Demi, bakit? anong nangyari!?" nag aalalang tanong ng ina kay Demi. Pinunasan ni Demi ang kanyang mga luha bago nag salita.

"M-ma...yu-yung pagkain...m-may...uod at dugo!" pautal utal na saad ni Demi na halatang takot na takot pa din.

Sinilip ng ina ni Demi ang pagkain ngunit napa kunot ito ng nuo nang makitang walang oud at dugo sa pagkain nito.

"Wala naman,eh!" saad ng ina. Tumayo si Demi sa pagkaka bagsak sa sahig at tinignan din ang kinakain kanina. Wala ngang uod at dugo doon.

"Pero kase Ma,may nakita talaga akong mga uod na buhay na buhay pa at yung gatas sa baso ay naging dugo. May uod pangngang tumalsik sa dib—" hindi na natuloy ni Demi ang kaniyang sasabihin ng mag salita agad ang kanyang ina.

"Alam mo Demi kung mang paprank ka, please huwag ngayon. Hindi mo ba alam na kausap ko pa sa telephono ang lola Gilma mo tapos pinutol ko muna 'yong pag uusap namin para lang tignan ka dito dahil sa kakasigaw mo...tapos sasabihin mong may uod at dugo ang nakita mo sa pagkain pero ng silipin ko wala naman. Kaya ka nag kaka ganyan dahil sa pag papalipas mo ng gutom! nag pupuyat kapa." naiinis na saad ng ina ni Demi. Mga ilang segundo ay umalis na din ito sa silid at naiwang mag isa si Demi. Walang nagawa si Demi kundi sundan ng tingin ang kaniyang ina na palabas na ng kaniyang kwarto.

Nang mawala na sa kaniyang paningin ang ina ay muli niyang tinignan ang pagkaing nasa tray. Wala na nga talaga ang mga oud at dugo na kanina lamang ay nakita niya.

Hindi maaaring mag kamali si demi dahil alam niyang totoo ang lahat ng kaniyang nakita at alam din niyang hindi iyon malikmata lamang. Subalit wala siyang nagawa at hindi nalang tinapos ang pag aalmusal.

                                                ***

Alas singko na ng hapon at naka hilata pa din siya sa kaniyang kama. Buong araw ay hindi siya lumabas ng silid. Napaisip siya...

"Yung kanina pa nga lang ay hindi na pinaniwalaan ni Mama ang mga sinabi ko,paano pa kaya kung sabihin ko sakanya ang mga nakakatakot na halimaw sa panaginip ko? Malamang hindi iyon maniniwala at baka sabihin pa nito na nababaliw na ako." bulong ni Demi sa sarili.

Gusto niyang may makaalam ng mga nangyayari sakanya. Nais niyang humingi ng advice sa taong mapag sasabihan niya nito. At isa lang ang nasa isip niya na nakakasiguro siyang paniniwalaan siya...si Sky,ang matalik niyang kaibigan.



PANAGINIP Where stories live. Discover now