CHAPTER 6

25 20 0
                                    


[Linggo]
6:14 A.M

Nagising ako dahil sa amoy ng niluluto sa kusina. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng silid upang tignan ang nasa ibaba. Nakita kong nag luluto si Mama.

Napansin nito ang presensya ko kaya napa lingon ito sa kinaroroonan ko at ngumiti ito saakin.

"Good Morning!" masiglang wika ni Mama. Nginitian ko lang ito habang unti onting humahakbang pababa sa baytang ng hagdan.

"Okay kana ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" dagdag pa ni Mama nang makababa na ako ng hagdan.

Lumakad ako palapit sa lamesa at umupo sa upuan.

"Medyo masakit lang po ang ulo't katawan ko." tipid kong sabi habang pinapanood ang pagluluto ni Mama.

"Huwag kana kasing mag papalibas ng gutom at iwasan mo na ding mag puyat tuwing gabi upang gumaling kana at maka pasok kana sa paaralan." pagka sabi niyon ay napansin siguro nito ang kanina ko pa pag sulyap ng tingin sa niluluto niya kaya muli itong nag salita.

"Gusto mo na bang kumain?"

Umiling iling ako. "Hindi pa naman po ako gaanong gutom..."

"Sigurado ka? Baka mag palipas ka nanaman ng gutom,Demi!"

"Hindi na po,'Ma. Sige po mag hihilamos lang po muna ako ng mukha ko." saad ko at tumango lang si Mama bilang tugon.

Habang nag hihilamos ako ng aking mukha ay nagulat ako ng biglang may mapansin sa pintuan ng banyo na nakatayong anino. Hindi ko na kanina sinara pa ang pintuan ng banyo dahil sa mag hihilamos lang naman ako ng mukha ko. Hindi ko masilayan kung sino ito dahil sa may bula pa ng sabon ang aking mukha. Dahil sa nais kong makita ang nasa pintuan ng banyo ay hinilamusan ko na ang aking mukha. Napa buntong hininga nalang ako ng makilala ang nasa pinto.

"Ano ba'yan Gab. Sinabihan na kita noon na kung papasok ka ng banyo kumatok ka,naka sara man ang pinto o hindi kumatok ka pa din!" inis kong wika dito. Subalit nagulat ako nang hindi ito nag salita at naka titig lang sa mga mata ko. Ilang segundo pang din ay nag lakad na ito patungo sa may kubeta ng walang ekspresiyon ang mukha at patalikod itong umihi dun.

Nainis ako sa ikinikilos nitong hindi pag respeto sa'kin bilang ate niya. Pinatapos ko muna itong umihi sa kubeta at pag katapos nun ay nang papalabas na siya ng banyo ay hinawakan ko ang laylayan ng kanyang damit.

"Aba bastos ka,ah! Sinabihan lang kita kanina tapos ganyan kana?!" wala pa din itong kibo at nakatalikod parin sa'kin.

Sobra na akong naguguluhan dahil hindi ganito ang pag uugali ni Gab. Kilalang kilala kona ang kapatid ko. At hindi ito ganito kumilos na parang walang pake alam. Uminit na ang ulo ko sa galit dahil sa hindi magandang ikinikilos nito.

Nabitawan ko ang laylayan ng damit nito ng bigla itong kumaripas ng takbo.

"GABRIEL!" sigaw ko dahil sa sobrang pagka inis dito.

Narinig ko namang may mga yapak patungo dito sa banyo.

"Demi! Bakit ka sumisigaw? Baka maya niyan ay may mag reklamong kapit bahay!"

"Si Gab kase,'Ma!" inis kong sabi nang hindi nililingon ang aking ina.

"Si Gab?!" nagtatakang tanong ni Mama.

Ikinuwento ko kay Mama ang lahat ng nangyari at sa hindi magandang inasal ni Gab sa akin kanina.

Subalit kapansin pansin pa din sa mukha ng aking ina ang pagtataka.

"Sigurado ka ba talaga,Demi?" paninigurado ng aking Ina.

"Opo,'Ma! Mukha po ba akong hindi nag sasabi ng totoo?"

"Hindi pa bumababa ng hagdan ang kapatid mo. Hindi ko nga narinig na nag Good Morning ito sa'kin,eh!"

Naguluhan ako sa mga sinabi ni Mama. Mga ilang segundo din akong na estatwa sa kinatatayuan ko.

Kung hindi 'yon si Gab. Sino iyong...

Hindi kona na ituloy ang tanong sa aking isip nang muling mag salita si Mama.

"Naku Demi! Halika na at maghain kana sa lamesa at kakain na tayo. Baka gutom lang 'yan."

Hindi kona lang pinansin ang mga sinabi ni Mama dahil sa paulit ulit nalang nitong dahilan. Sa tuwing may sasabihin akong tungkol sa mga nararamdaman o napapansin ko ay lagi niya nalang dinadahilan ang pagpapalipas ko ng gutom,kahit alam ko naman sa sarili kong totoo ang lahat ng mga nakikita ko.

Nauna nang lumabas ng banyo si Mama kaya naman ay sinundan ko nalang siya patungo sa kusina at pasimple akong nag tungo sa kwarto nina Mama at Gab upang sabihan si Gab na kakain na.

Nagulat ako sa nakita ko. Mahimbing na natutulog si Gab habang yakap yakap nito ang malaking unan. Humihilik pa ito sa sobrang himbing ng tulog,kitang kita ko din sa gilid ng labi nito ang natuyong laway.

Ginising ko ito at sinabihang bumaba na upang mag almusal. Kinusot kusot muna nito ang mata at hihikap hikap na bumangon sa kinahihigaan. Tinignan ako nito. "Good Morning,ate!"

Pagka sabi niyang iyon ay pinauna kona siyang bumaba. Tumango lang ito at nag lakad na palabas ng silid.

Nang mawala na ito sa paningin ko ay muli akong napaisip. Kung hindi si Gab iyong kanina sa banyo...sino iyon? Sino iyong—.

Hindi ko na naituloy ang katanungan sa aking isipan ng tawagin ni Mama ang pangalan ko at sinabing mag aalmusal na.

Nalilito na ako sa mga nangyayari at hindi ko na alam kung alin ang totoo at alin naman ang hindi. Ilang segundo din akong napako sa aking kinatatayuan. Natauhan lang ako ng biglang may mag salita sa may pintuan ng silid. "Demi! Ano bang ginagawa mo pa dian? Malika na at mag almusal na tayo sa baba." sambit ni Mama.

"Ah,sige po." tipid kong sabi at sumunod na sakanyang bumaba ng hagdan.

***

Natapos kaming mag almusal at sinabi kong ako nang bahala sa mga pinggan na pinag kainan namin.

Mga ilang oras din ay nakaayos na si Mama at nag paalam na ito saamin. "Papasok na ako sa trabaho. Demi ikaw na munang bahala dito sa bahay." hinalikan muna kami nito sa pisngi bago lumabas ng bahay.

Nang matapos kona ang pagliligpit sa kusina ay sinilip ko si Gab sa sala, nanonood ito sa TV. Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi nito.

"Gab,may itatanong ako sa'yo..."

Hindi ako nito nilingon ngunit nag salita naman ito. "Ano po 'yon,ate?"

"Gumamit ka ba ng banyo kaninang ala-sais ng umaga?"

Hindi ito nag salita agad kaya naman ay kinabahan na ako. "Hindi po."

Napanganga ako sa sagot nito at parang hindi narinig ang sinabi nito kaya naman inulit ko ang tanong sakanya upang masiguro talaga ang sinabi nito.

"Hindi nga po,ate!" wika nito na parang naiinis. Ayaw kase nito ng paulit-ulit na tanong.

Napatango nalang ako at pinanood nalang ang pinapanood niya sa TV, subalit hindi ko maintindihan ang pinapanood nito dahil ang isipan ko ay muli nanaman akong ginugulo ng mga katanungan.

Sino iyon? Sino iyong bata kanina sa banyo? Hindi ba iyon si Gab? Hindi ako maaaring magka mali dahil si Gab talaga iyon. Kamukhang kamukha niya iyon kaya imposibling...

Biglang may kumalabog na nag mumula sa itaas kaya naman mabilis akong napalingon sa kinaroroonan niyon. Namilog ang aking mata sa gulat at parang mawawalan pa ako ng ulirat ng may makitang babaeng naka tayo sa itaas at naka tingin ito saakin. At ang mas ikinagulat ko ay ang itsura nito. Dalawa ang ulo nito samantalang ang katawan naman nito ay iisa lang at hindi ko mawari kung ano ba iyon. Anong klasing nilalang ito...?




Itutuloy...

                

                 



PANAGINIP Where stories live. Discover now