CHAPTER 7

26 19 0
                                    

Napahiyaw na ako sa sobrang takot at taranta sa nakita ko. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at kinarga si Gabriel upang makalayo sa nilalang.

Habang papalayo kami sa nilalang ay sinusundan lang kami nito ng tingin. Nagulat si Gab sa ikinikilos ko kaya naman ay habang karga karga ko siya ay hindi niya maiwasang tanungin saakin kung ano ang nangyayari.

"Ate,bakit ka po takot na takot? At bakit  mo din po ako kinarga at inilayo sa sala?" tanong ni gab sa'kin.

"Mamaya ko na lang sa'yo ipapaliwanag. Tumahimik ka muna," Sambit ko habang patuloy pa din sa pag takto habang karga karga parin si Gab.

Tumango lang ito at hindi na muling nag salita pa. Pumasok kami sa guest room at doon kami nag tago ng kapatid ko. Mabilis kong inilock ang pinto upang hindi makapasok ang nakakakilabot na nilalang.

***

Kasalukuyang naka upo si Gab sa kama, samantalang ako naman ay hindi mapakali at pinapakiramdaman ang paligid. Kinapa ko sa aking bulsa ang aking cellphone upang tawagan ang aking ina, ngunit wala akong makapa sa bulsa ng short ko. Ngayon ko lang naaalala na naiwan ko nga pala sa sala ang cellphone ko. Napahawak nalamang ako sa aking nuo dahil sa takot kung ano ang posibling mangyare.

Binasag ni gab ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Ate,ano po bang nangyayari sa'yo?" naguguluhang tanong ni gab saakin.

Hindi ko sakanya mapaliwanag ang mga nakita ko kanina dahil ayokong kahit siya ay matakot din.

Nanatiling naka tingin sa akin si gab habang hinihintay ang aking isasagot sa tanong niya.

"Ah...huwag mo na iyong pansinin,ang mahalaga ligtas tayo dito." saad ko.

Napa kunot nalamang ito sa mga sinabi ko at hindi na muling nag salita pa.

***

Inabot kami ng ilang oras ni gab sa loob ng guestroom. Naiwan din naming naka bukas ang TV sa sala. Naka tulog narin si Gab dahil sa kabagutan.

Maya maya ay bigla may kumatok sa guestroom kung saan kami nag kukubli ng kapatid ko, subalit agad din iyong huminto. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at pinakinggan kong mabuti kung muling may kakatok sa pinto...ngunit hindi na naulit ang pagkatok sa pinto. Inilapit ko ang aking tainga sa pinto at pinapakinggan kung may mga boses ba sa labas niyon subalit katahimikan lang ang aking naririnig.

Dahan dahan kong hinawakan ang door knob at nang akin itong pipihitin upang buksan ay unti unting tumambad sa aking paningin ang halimaw na iisang katawan subalit dalawa ang ulo.

Napahiyaw na ako ng napaka lakas sa sobrang takot. Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa sobrang takot at pagka gulat. Nag didilim ang aking paningin at namalayan ko nalang ang sarili kong napa upo na sa sahig.

Nasilayan ko pa ang halimaw na unti unting lumalapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat at niyoyogyog ako.

"SUMAMA KA SA AKIN,DEMI!" sambit nito na para bang galing sa malalim na hukay ang tono niyon. Paulit ulit niyang binabanggit ang mga salitang iyon hanggang sa napaluha na ako sa sobrang takot.

"DEMI!" sigaw ng pamilyar na boses.

"DEMI! GUMISING KAAA!" sigaw muli ng pamilyar na boses.

Nagising ako habang hinahabol ang pag hinga. Pawisan narin ang buong katawan ko. Tumingin ako sa harapan ko at wala na ang halimaw. At ang naka hawak na sa magkabilang balikat ko ngayon ay ang...aking ina.

"Bakit ka ba laging ganyan,Demi?" tanong ni Mama sa akin.

"M-Mama?! K-kakaalis niyo lang po kanina...hindi pa po oras ng out niyo,hindi po ba?" tanong ko sa aking ina na may pagtataka.

PANAGINIP Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon