Chapter 11 (WHAT??)

5 3 4
                                    

Aria POV:
Sinimulan na niya ang engine ng kotse at direstong nag maneho palabas ng garahe.

Ikakabit ko sana ang aking seatbelt ng binilisan niya ang pagtakbo at tuluyang nabitawan ko ito at napahawak nalang sa upuan.

Tiningnan ko siya, hudyat para bagalan niya ang kotse ngunit parang hindi niya ito nakuha at mas pinabilis pa ang takbo ng kotse.

AUGUST!! bigla kong sigaw, nagulat naman ito kaya hininto niya ito saglit sa gilid.

Nahiya naman ako dahil bigla akong sumigaw pero anong magagawa ko? makikita ko na si Lord sa bilis ng pagmamaneho niya!

Nagmamadali ako pero wag mo naman akong papatayin sa bilis ng takbo mo, saad ko at isinuot ko ang seatbelt.

Tiningnan niya ako at tumawa.

I wish I could see that face a while ago HAHAHAAHHAHAHAH saad nito.

Inirapan ko ito, bilisan mo nga, baka hinahanap na ako sagot ko naman.

Tiningnan niya ako at ngumingiti parin habang sinisimulan niyang paganahin ang makina.

Hindi na niya sinusundan ang daan papuntang langit dahil normal nalang ang bilis ng kanyang pagmamaneho.

Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang aking bahay.

Nakita ko na naghihintay na sa labas si mama.

Ng tumigil na ang kotse sa harapan ng aming bahay ay agad agad kong tinnangal ang aking seatbelt at umalis sa kotse.

Nakita kong nakatingin saamin si mama, agad naman itong ngumit ng nakita niya ako.

Abay ang tagal mo naman, saad nito.

At kaninong kotse to ha? napakagara naman,  tuloy na saad ni mama.

Tama na ma, pasok na tayo,saad ko sakanya at hinihila siya ngunit parang ayaw niyang pumasok.

Ma tara n- saad ko na sana ngunit naudlot ng nakita kong lumabas sa kanyang kotse at lumapit papalapit saamin.

Boyfriend mo ba ito nak? bulong ni mama.

Nanlaki naman ang aking mata, ma, hindi, bulong ko naman dito.

Hi Auntie, biglang saad ni August dahilan upang mahinto ang pag uusap namin ni ma.

Oh iho, salamat sa pag hatid sa anak mo ha, baka abala pa sayo, saad naman ni mama at hinawakan ang kamay ni August, ipinatong naman ni August ang kaliwang kamay niya kay mama, It's alright auntie, no problem, sagot naman nito.

Ay jusko ko po hindi sila pwedeng magkaroon ng magandang relasyon.

Tinagilid ko si ma, anong ginagawa mo ma? sabi ko dito.

Tiningnan niya ako ng masama at hindi pinansin.

Pasok ka muna iho at malamig sa labas dahil gabi na, saad ni mama Kay August habang ako naiwan sa labas.

Tunay moba talaga akong anak ma? sambit ko sa aking sarili ngunit pumasok rin ako sa huli.

Nagugutom kana iho, kain ka muna sambit ni mama.

It's okay Auntie, I just eated a while ago, don't bother, sagot naman nito.

Hindi naman nakaisip ng sagot si mama, ngunit maya maya ay nagsalita ito.

"Matuloy ka muna dito iho dahil malalim na rin ang gabi, bilang pasasalamat na rin dahil hinatid mo ang aking anak".

Nagulat ako at pati narin si August kaya nagkatinginan kaming dalawa.

I was sunshine, He was midnight rain (ONGOING)Where stories live. Discover now