Chapter 1: On How Jayson Got the Inspiration

75 5 0
                                    

Disclaimer: For artistic excellence lamang po ang pagkakagamit ng mga names :)

Two Months Ago: On how Jayson got the inspiration.

                Jayson woke up pretty late for his 7 o’clock class. Seven thirty five na noon at nakuha pa ng binata na tumanga habang tinititigan ang kisame ng kanilang kwarto.

                “Hoy Jayson, gumayak ka na!” sabi ng kanyang roommate habang naglalaro ng dota.

                “Pare, teka. May iniisip pa ako. Takte, wala pa pala akong ipapasa sa portfolio namin”

                “Gago, mas unahin mo pa yan kaysa sa klase mo?! Accountancy student ka, ugok. Ano ba klase mo ngayon?”

                “Financial Accounting ata. Quiz pala namin! Hala ako.” Biglang napabangon ang binata sa pagkakahiga only to lose his enthusiasm. Again.

                “Shit ka, major mo yan. Gumayak ka na ah!”

                It did not make sense. He just stared at the window for another five minutes bago magsimulang kumilos. No one would notice his absence in the class anyway. May quiz, pero wala rin siyang maisasagot.

                On the contrary, kanina pa naghihintay sa kanya ang bestfriend nito na si Erika sa room 802. Late na ng 40 minutes si Jayson at naisip ng dalaga na nasobrahan na naman sa tulog ang kanyang kaibigan. Bestfriends sila since first year college. She knew him well like the back of her hand.  His flaws, hobbies at kung anu ano pa.

                Siya ang nagpakopya sa binata para makapasok sa Accountancy. Siya rin ang umalalay sa kanya noong nalasing ito sa Lantern dahil nabasted ng kadate.

                “Jay, unang quiz natin to. Late ka pa. tsk tsk” sabi ni Erika sa kanyang sarili.

                Another twenty minutes passed and she saw him running towards the room. Saglit na humingi ng tawad sa kanilang teacher then humingi ng test paper. Tumabi si Jayson kay Erika.

                “Jayson, late ka na” sita ni Erika. It was unnecessary.

                “Don’t tell the obvious okay? Pakopya naman na ng nasagot mo. Di ako nagbasa”

                Erika then slid her paper para makita ito ng binata.       

                “Next time na malate ka sa quiz, patay ka na” pabulong na sinabi ng  dalaga.

                “Okay okay BFF. Thanks by the way. Papasa na naman ako.”

                “The happy go lucky one talaga” sabi ng dalaga. She can’t help but to feel light kapag katabi niya ang kanyang bestfriend.

                On how they met, it was an accident. Erika was just waiting for the jeepney to come and Jayson, being the lightheaded guy, bumped her which caused her to stumble on her sit. At dahil sa madalas na wala sa sarili ang binata, hindi niya napansin na may nabunggo siya.

                She remembered his face and confronted him the next day. Mas napadali ito given that they are studying sa iisang kolehiyo. Instead na mas magalit si Erika, natuwa pa siya dahil sa persistent na sagot ni Jayson. “Ha?” . Simula noon, they became inseparable kahit hindi sila blockmates.

                 No one would ever thought na magiging magbestfriends ang dalawa. Given na sobrang layo ng kanilang personalities.

                Si Jayson ay puro kutob ang ginagamit sa pagdedesisyon habang si Erika ay masyadong teknikal.  Jayson, most often, is always daydreaming and Erika was the alert girl. Erika is also open to Jayson’s self deprecating tendencies while Jayson is aware of Erika’s uber confidence.

The Last NoteWhere stories live. Discover now