Chapter 6: Days After The Incident

23 6 0
                                    

              “Ayokong mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Ang gusto ko, palagi ko siyang minamahal. Habang nagmu move on na siya, ito pa rin ako nag aabang. Ganoon na lang ang kaya kong gawin. Napapabayaan ko na rin ang sarili ko.

                Nakita ko si Will kanina sa university market. I am pretty sure na siya rin nakita ako pero siyempre nag iwasan kami. I cannot look at his face. Magandang bagay na rin. Do you know the feeling na naghalo na yung masasaya at masasakit na moments kapag nakikita ko siya? Yun na iyon. I am praying for my forgiveness. Sana I grant.

                 Nga pala, magpapasukan na for the first semester. Magkakakurso na ako. SIya naman, junior student na ng MassComm.

                In God’s mercy, tres ang math ko. Pumasa pa, ang ginawa ko lang nung finals ay umiwas kay William, umiyak, kumain pero wala ang pag aaral. Kung babagsak pa ako ng Math, double loser na ako. Iniwan na nga ako, mawawala pa ang academics.

                Natauhan ba ako? Hindi rin. Kasi kung babalik siya sa akin, aakapin ko pa siya. Tatanggapin ko ng buong buo. Kahit ako pa ang iniwan, ang tanga ko ano? Ang hirap naman pala kung walang magko comfort sa iyo sa ganitong pagkakataon.

                Hindi ko alam ang updates sa kanya, basta ako, I am trying my best to cope. I got tired of mourning na rin kasi, so I will be stronger.”

                Jayson felt relieved sa kanyang binabasa. He thought Abby is going to be okay soon. Then he realized na sa makalawa ay pupunta na siya sa bahay ng dalaga para isauli ang diary at magtanong tanong sa nangyari. Biglang kinabahan ang binata sa tatlong bagay. Una, wala pa ring nagagawa  si Jayson sa literary folio nila. Pangalawa, si Abby, ano kaya ang sasabihin ng dalaga kapag nakitang hawak ng binata ang diary nito. Pangatlo, hindi alam ni Jayson kung Abby ba o Lorraine ang itatawag niya sa dalaga kapag nagkita na sila.

                He is on his way papunta kina Erika, kasi ay may paperwork silang dapat isaayos sa Economics. They are making coin structures and they have to do that well. As usual, he is late again. Yet he thought Erika was used to it and he expected that the coin structure was already made once he reached her place.

                Jayson was right. Naabutan niyang nakataas ang kilay ng kanyang BFF katabi ang coin structure.

                “Jayson.” Sabi ni Erika. “Ang aga mo friend para sa merienda.”

                The poor guy scratched the back of his head as a sign of embarrassment.

                “Sorry Erika” sabi ng binata. His bestfriend understood. Erika served the merienda. Jayson ate. Maybe a little to much.

                “Huwag kang pataygutom Jay, marami pa niyan.” Saka nag alok ng juice ang dalaga.

                “Break na sila sa journal ni Abby at nakakamove on na ata siya. Ang weird naman kung si William ang hindi makagalaw eh siya ang nang iwan.” Sagot ni Jayson.

                “Alam mo friend, kung hindi lang talaga ako kinakabahan sa gagawin mo, sasama talaga ako. You know me, baka magsuka ako doon” sabi ni Erika.

                “I know. I a update kita.”             

                 After eating their merienda, Jayson cleaned the mess they made and polished the final look of their coin structure before he returns to the dormitory. Erika watched him, in amusement.

The Last NoteWhere stories live. Discover now