Pt. 006

22.8K 414 20
                                    

pt. 006

ang bilis ng tibok ng puso ko.

as in, hindi ito tama...

kung titibok man ang puso ko, dapat kay Trevor lang at hindi sa ibang lalaki o sa ibang tao.

hawak pa din ni Borg ang mga palad ko.

mainit na malamig naewan...

kaya... inalis ko kaagad ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"tigil tigilan mo ako sa mga sinasabi mo ha!" sabi ko kay Borg.

"Haha! bakit ka nagagalit? damang dama mo ba ang pagkakasabi ko?" <---Borg.

"ewan ko sa iyo." <--ako. nakatingin ako ulit kay Trevor.

"ganun lang kadali ang magsabi na gusto mo ang isang tao, dapat nasa puso--- dapat iyong madadama talaga ng taong pagsasabihan mo. Ganun ang gawin mong pagkakasabi sa lalaking iyon oh." Sabi ni Borg tapos, tumingin siya kay Trevs.

ah so, drill lang pala iyong ginawa ni Borg. Halimaw talaga ito, akala ko totoo na. =____=

Paano pala kung totoo? ay naku! ihuhulog ko talaga tong halimaw na to sa baba! urghes!!

"hindi ko nga magagawa iyon Borg no, kasi nga... hindi naman kami close." sabi ko.

tsaka ko na gagawin iyon kapag nagawa ko na lahat ng binabalak ko. naka-set na ang lahat, handang handa na ako sa mga binabalak ko.

"Kailan mo pa sya tinitignan ng ganiyan?" Biglang tanong ni Borg.

"hmmm... matagal tagal na din, bakit mo natanong?"

"wala lang, never ka ba napatingin sa ibang lalaki?" tanong niya pa.

"napapatingin din naman ako no, pero-- hindi kagaya ng pagtingin ko kay Trevor, ewan baliw na ata ko talaga ... lakas ng tama ko sa pag-ibig ko, wala na akong mahihiling pa kundi ang mapasaakin ang lalaking mahal na mahal ko." Sagot ko.

Hindi ko talaga alam kong bakit ko sinasagot ang mga tanong ng halimaw na Borg na ito eh. basta, sa lahat na tanong niya, meron akong sagot.

Matagal tagal din akong nakatunga,nga habang pinanunuod ko si Trevor.

"Hindi kapaba uuwi?" Tanong ko kay Borg.

"Hindi pa, mamaya pa naman ang pasok ko eh... dito muna ako, samahan muna kita. Hindi naman ako masyadong didikit sa iyo para di' isipin ni Trevor na BF mo ako." nakangiting sabi niya.

"adik ka din no? talagang tumatak pa rin sa isipan mo iyong sinabi ko sa iyo no?"

"Oo naman." sabi niya.

ay naku, hindi ko nalang siya pinansin. basta nagfocus nalang ako kay Trevor ng buhay ko. Tapos, napatingin ako kay Borg.

Bigla siyang limihis ng tingin, tapos nagsipol sipol. adik din tong halimaw na to eh, pinagmamasdan niya ba ako??

naku ha!

Habang nakatingin ako kay Borg, parang hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya.

Pogi naman kasi talaga tong halimaw na to eh' kasu-- ewan ko ba.

"Anong tinitingin tingin mo?" Tanong niya.

URGHES! NAPATAGAL ANG PAGTINGIN KO SA KANIYA.

"WALA! kasi napansin ko na nakatingin ka din sa akin eh!" palusot ko, pag tingin ko sa baba.

WALA NA SI TREVOR!

"nasaan na si Trevor?" tanong ko.

"malay ko, di ba ikaw tong nakatingin sa kaniya?" patanong na sagot niya.

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now