Pt. 014

21.4K 373 15
  • Dedicated to Mykie Salazar
                                    

pt. 014

ITO ANG NAKASULAT..

"BABY, AALIS MUNA SI TATAY HA? ALAGAAN MO SI MOMMY MO KAPAG NANDITO SIYA SA KWARTO AT AKO NG BAHALA SA KANIYA SA SCHOOL.

Mommy Koi, maaga akong umalis, hindi na kita ginising pa, sarap ng tulog mo eh. Kita nalang tayo sa Balete mamaya. -Borg"

MOMMY DAW? urgh!! =__= 

in all fairness ha! ang ganda ng hand writting ni Borg. Parang sulat secretary lungs. *__*

Muni muni muna ako sa kwarto ko bago ako bumaba. Ewan, dati rati naman pagkagising ko bangon agad-- pero ngayon parang tinatamad pa akong bumangon. Hmmm...

napatingin ako sa gilid ko at inabot ko ang unan na ginamin ni Borg. Hmmm..

Niyakap ko.

NIYAKAP KO?

NIYAKAP KOOOOOOOO!! urghes! bakit ko ba ito niyakap oh! tseee!

Parang kagabi lang magkasama kami ni Borg dito sa kama na ito, hindi naman niya siguro ako hinalay no? wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa akin katawan. =___=

* after 10 minutes, bumangon na ako.

Baba sa kusina, wala na si Papa. si Mama nalang...

"Ma' what time umuwi si Borg kanina?" Tanong ko kay Mama pagkaupo ko sa mesa na may nakahandang fried egg at ham at tinapay. Nagtimpla din ako ng gatas. May nakasabit na tuwalya sa balikat ko.

eh mas gusto ko ang gatas kesa sa Milo o kape! para naman kapag nagkadibdib ako meron akong gatas. Wahahahaha ^__^

"Maaga palang Koi, kaya sabay na sila lumabas ng Papa mo kanina, siguro mga 4:30 AM gising na siya, nagkape muna sila ng Papa mo bago sila umalis." Sabi ni Mama habang ewan ko kong anong ginagawa niya, lagi siyang busy-- araw araw.

siya kasi ang dakilang Nanay slash katulong *___*

"Ah-- hindi ko kasi namalayan na bumangon si Borg eh." Sabi ko.

Humarap si Mama sa akin. Habang nanguya ako.

"Bakit? napagod ba kayo sa ginawa ninyo kagabi?" <---Mama.

nabilaukan talaga ako sa sinabi ni Mama. Ano bang pinagsasabi nitong nanay ko oh! tsk tsk!

"Ano namang gagawin namin Ma? natulog na kami kagabi no!" Sabi ko, sabay irap. tsee! nguya nguya ng tinapay. Higop higop ng gatas.

"I mean, iyong ginawa ninyong project?" <--Mama ko.

ah-- iyon pala, eh ano bang sasabihin ko? hindi ko alam ginawa ni Borg no, nakipagdate kaya ako kay Trevor. Wahahaha!

bahala na nga...

"ah-- wala lang iyon Ma, hindi naman nakakapagod iyon." Sabi ko, charrott! iyong totoo? wala akong ideya sa mga sinasabi ko. Wala ngang napasok sa isipan ko ngayon eh.

Tumayo na ako at naligo.

kung ano ano pang ginawa ko.. tapos... go na sa school.

* Sa School.

Nakita ko si Nayette, nakasimangot. Deretso kaagad ako sa balete, kasi nakapwesto siya doon.

"oh teh? anong drama mo at nakabusangol ka ang aga aga?" sabi ko, tabi ako sa kaniya.

"neng' ang sama ng ugali mo kahapon no! alam kong gusto mo si Trevor, pero-- hindi mo man lang naisip iyong naramdaman ni Borg." <--Nayette. Seryoso siya?? hindi pa rin siya nakakamove on kahapon? paano kaya kapag sabihin kong nagkatabi kami ni Borg? baka mapasplit ito bigla bigla.

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now