Pt. 008

22.1K 436 31
                                    

pt. 008

Grabeee! ang ganda ng boses, para akong binubulungan ng anghel sa aking taenga.

Hayyy...

"Koi?" Boses ng lalaki sa kabilang linya.

tska ko lang napagtanto na boses pala ni Borg ang nasa kabilang linya...

URGHHH! nahipnotismo ako ng kaniyang boses.

"oh! ikaw lang pala iyan, bakit napatawag ka?" Tanong ko.

"eh- nadala mo ang bag ko, at nasa akin ang bag mo. Kanina pa talaga ako natawag sa number ko, hindi mo sinasagot." <--halimaw sa kabilang linya.

ang ganda ng boses ni Borg sa phone. NapakaMasculine.

Parang gusto ko lang siyang nadidinig na nagsasalita. Parang nasa tabi ko lang siya, habang bumubulong talaga siya sa tenga ko.

Humiga ako habang hawak ko sa tenga ko ang phone.

Salita pa ng salita si Borg sa kabilang linya, hindi ako nagsasalit. Pinapakinggan ko lang siya.

"Oy Koi? Nandiyan ka pa ba?"

"ha?" ako mahina kong sabi. Hindi ko talaga iniintindi mga sinasabi niya.

"Sabi ko kung nandiyan kapa? tulog kapa ata eh."

"Ha ah eh--- bakit kaba kasi tumawag no? Ginugulo mo ako!!!" pasigaw kong sabi.

Nakakainis, nanggugulo sa aking pagtulog.

"ah ganun ba, pasensya na sa abala, ano kasi-- kailangan ko iyong notebook ko na nasa bag, kung iyong bag o iyong phone lang, okay lang sana."

urgh! bigla kong nakalimutan. Phone niya nga pala itong hawak ko. Urghes!!!

at bag niya...

napatingin ako sa bag niya...

"ay ou nga pala, phone mo nga pala ito no? sorry din, bakit kasi hindi mo ako hinabol kanina!!!" <--- at ako pa ang may ganang magalit. wahahaha!

"Bigla ka kasing kumaripas ng takbo eh, ,ay dinaanan din kasi ako sa student coucil's office kaya hindi ako kaagad nakauwi."

kasalanan niya kasi kung bakit ako biglang napauwi---

pero teka!!! ang notebook ko nanduon sa bag ko! naku baka pinakelaman niya at binasa niya ang mga lihim kong pag-ibig kay Trevor....

"woi! pinakelamanan mo ba ang gamit ko???"

"Hindi. Hindi ko nga binubuksan bag mo eh."

haaaayyymabuti naman. Habang kausap ko si Borg sa kabilang linya nakataas pa ang paa ko. ^___^

"Koi--- pwede ba tayong magkita ngayon?"

ANO DAW? AT BAKIT NAMAN NIYA GUSTONG MAKIPAGKITA SA AKIN, NAKU HA! NAGKITA NA KAMI KANINA, GUSTO NIYA MAKITA AKO ULIT.

"at bakit naman???"

"eh-- kailangan ko nga ang notebook ko sa bag ko. Pasensya na sa abala, but i badly need it."

"Fine! dalhin mo din ang bag ko ha? at siguraduhin mong hindi mo pinakelamanan ang gamit ko!"

"Oo koi. sige salamat, pasensya na ulit sa abala ha?"

"Okay okay sige siya, ibaba mo na ang call baka maubos ang load mo no." sabi ko.

"Hindi ikaw na magbaba." <---Borg!

"Ikaw na.." <--ako.

"sige na ikaw na..." <--Borg.

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now