Pt. 015

19.7K 395 54
  • Dedicated kay Nayat Naguib Parnan
                                    

pt. 015

papalayo sa akin si Borg...

napatingin ako kay Nayette.. iyong face ng kaibigan ko. * tsk tsk face *

urghes oh!!!

tssseee!!! bahala siya kung ayaw na niyang lumingon pa sa akin!

"Teh! aalis na ako! pupunta na ako kay Trevor!!!!" Sabi ko. Nilakasan ko talaga para madinig ni Borg. Nakakainis! sasama na nga ako eh, bigla biglang umalis. Iba talaga ang halimaw!

takbo na ako papalayo!!!

Hanggang sa Hallway ng Main Building, dito kasi ang rooftop. at dahil sa walang escalator o elevator, stairs ang drama ng Campus. *___*

hanggang sa makarating ako sa taas. Urghes! halimaw na Clarence iyon oh! Wala naman si Trevor dito eh. Napatingin ako sa baba ng Building, nakita ko wala na si Nayette sa puno ng Balete, ang lakas ng hangin ito. Over! Buti at may fence na bakal para walang magtangkal tumalon dito mula sa itaas.

Mula dito sa itaas madame akong nakikitang aliens sa baba. Madame sila at talagang nasasakop na nila ang buong Pilipinas.

"Koi." <--- Boses ni Trevor mula sa likod ko. Napatingin ako. Seryoso ang tingin niya sa akin, kinakabahan ang puso ko, ngayon ko lang napansin na walang tao ngayon dito sa roof. Kaming dalawa lang. Maliban sa mga ibon sa kalangitan na nagliliparan.

Papalapit siya sa akin... anubayaaannn!!

"Bakit mo ako pinapunta dito??" Kinabahan kong tanong-- ewan ko ha! pero kinakabahan ako eh. Iyong bilis ng tibok ng puso ko, ibang iba sa pagtibok na puso ko para kay Borg.

"Aminin mo nga sa akin----" <--Trevor. Urghes!!! Kinulong niya sa ako sa kanilang mga kamay. So, hindi na ako makaalis. Nasa pagitan ako ng kaniyang dalawang matitipunong braso. Malapit siya sa akin, sobrang lapit---

"anong aaminin ko sa iyo?" tanong ko, nakatingin siya sa aking mga mata. Pero ang eyeballs ko naman hindi mapakali talaga.

"May gusto ka ba sa akin?"

napalunok talaga ako--- My Gad! anong sasabihin ko! Oo,gusto ko siya-- pero bakit bigla bigla naman ang pagtatanong niya ng ganito habang nakaloob ako ng kaniyang mga bisig.

Mas lumapit pa siya... dinikit na niya ang dibdib niya sa akin. Napausod pa ako. Halos nakadikit na ang noo niya sa noo ko, at medyo nakatingala ako kasi mataas siya talaga sa akin.

"Bakit mo naman na itanong iyan??" sabi ko.

ARGH! DAPAT SINABI KO. 'OO' GUSTONG GUSTO AT AAGAWIN KITA KAY BETTY KAHIT SA ANONG URI NG PARAAN. pero iba pala talaga, kapag nasa ganitong sitwasyon ka iyong hindi mo masabi ang mga dapat mong sabihin, iyon bang parang nalunok ko na lahat ng gusto kong sabihin at hindi ko na mailabas pa sa aking bibig. Ang ilang buwan kong minimorize na mga sasabihin ko kay Trevor sakaling mangyari ang ganitong tagpo.

pero wala! wala na talaga ang lahat ng iyon, parang kahit mga consonants nalang, wala talaga. Nakalimutan ko, parang mga pinag-aralan namin na halos wala na akong maalala talaga.

"Kalat na kalat sa buong Campus ang ginawa mong pang-aaway kay Betty." Mahina niyang sabi.

ANONG SINABI NIYA? AKO ANG NANG-AWAY? WOW HA! IBA TALAGA ANG KWENTO!!!!

"what? ako ang nang-away? sa pagkakalam ko, nanahimik kami ni Nayette sa punong balete ng bigla siyang sumulpot at sinigawan ako na -- na----"

"Na ano?" <---Trevor.

sasabihin ko bang... sinabi sa akin ni Betty na tantanan ko siya?

"...na-- basta!!!" Medyo lumakas ako ng konte, kaya naitulak ko siya... pero bago ako makalayo-- nakapitan niya ang palad ko.

Halimaw Sa Punong BaleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon