Pt. 007

20.6K 394 7
                                    

pt. 007

Nakayakap ako kay Borg.

Hindi ito maari!!!!

Humiwalay ako ng buong husay sa kaniya!!!

"BAKIT MO AKO NIYAKAP????" sigaw ko sa kaniya!!!

"Huh? ikaw kaya itong biglang yumakap sa akin." Medyo napakunot siya ng kaniyang noo. Iyong tipong na-confused siya.

"Heh! hindi kita niyakap no! Kung wala ka diyan hindi kita yayakapin, at hindi kita niyakap dahil gusto ko, basta!! hindi kita niyakap! kapag nalaman ni Trevor na niyakap kita baka hindi na niya ako pansinin ng buong puso.." Napahawak ako sa puso ko.. Hayyyyy...

Hindi ko napapansin si Borg...

nag day dreaming ako bigla... ang bilis ng transition ng aking isipan.

"okay kalang Koi?" <--Halimaw. Pagtingin ko sa kaniya, nawala sa isipan ko si Trevor.

Urgh!

ang pungay ng mga mata ni Borg. Nakakaakit. 

nakakabakla! nakaka---letcheng lalaki to uh! nagugulumihanan tuloy ang aking puso't isipan.

"OO!!! AALIS NA AKO!!!!" sabi ko, tapos sabay karipas ng takboo!!

nadidinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko.

Hindi na ako lumingon pa!!

naiinis ako sa Halimaw na iyon ah!

mabilis akong nakalabas sa University.

Nagpara ng FX ako uuwi na ako no!

"Manong bayad..." <---ako.

"Saan 'to?" <--manong.

"anong saan? diba dapat 'ano to?' kelan pa naging lugar ang pera manong???" <--ako. meron ako ngayon kaya nagmamaldita ako!!

nagtinginan sa akin ang ibang pasahero. paki ko sa kanila!!

kamot ulo si manong.

"saan to bababa, ibig kong sabihin?" <--manong.

"pera bababa?" <---ako.

"Urrrrrggg!!" <--MANONG!!! nainis siya ng buong puso. Nakita ko pang humigpit ang kapit niya sa manubela.

"Sa Marcello Village lang ako." Sabi ko. Naku, kung maayos lang siya magtanong hindi ko siya babasagin no. Kainis, siya pa itong marunong magalit. Wow huh.

binigayan ako ng sukli.

Dahil sa dalawa lang kami sa gitna noong babaeng katabi ko, sumiksik ako sa bintana. ano ba nangyayari sa akin?

bakit naging maldita ako ngayon.

dapat nga masaya ako kasi--

kinausap ako ni Trevor.

Nakita ko siyang nakahubad.

Nagpicture sya ng sarili niya...

tapos si Borg---

kinausap ako..

nakita ko siyang nakahubad..

tapos... niyakap ko siya.

TSSSSSSSEEEEEEEE!!! nakakainis! bakit ba naalala ko pa iyong pagyakap ko sa halimaw na iyon kesa sa pakikipag-usap ko kay Trevor.

naiinis ako oh!

"Koi-- gusto kita..." <---Bumalik sa aking isipan ang mga sinabi ni Borg.

ANO BAYAAANNN!!! naiinis na ako. Huhuhuhu! :(

Halimaw Sa Punong BaleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon