Pt. 020

20.1K 347 31
                                    

pt. 020

ANONG GINAGAWA NITONG SI BORG DITO SA BAHAY???

wala naman kaming usapan na magkikita kaming dalawa ngayon? naku ha!

Napatingin ako sa kaniya...

bigla kong naalala iyong mga sinabi niya kanina sa roof top na siya nalang daw huwag na si Trevor.

Napatingin ako kay Trevor.

NO WAY! amgwapo gwapo ni Trevor no, ipagpapalit ko kay----- napatingin ako kay Borg, ampogi ni Borg kahit mag-gagabi na.

ANO BAYAN!!!!

"anong ginagawa mo dito sa bahay?" <---AKO!!!

"Napadaan lang talaga ako----" Eh kasu naputol ang pagsasalita niya kasi si Mama....

"Ay nandito na pala kayo, aba at tinupad mo talaga ijo ang pangako mo na iuuwi mo ang anak ko bago magdilim ha?" Nakangiting sabi ni Mama suot suot niya ang kaniyang floral apron.

tapos, nagmano bigla si Trevor.

=_=

"Gandang gabi tita. Opo, ayaw pa nga sanang umuwi ni Koi, but i promised na iuuwi ko nga siya ng maaga." <--Trevor, pero hindi niya pinansin ang presensya ni Borg. Pero iyong tingin ni Borg sa kaniya, parang gusto niyang jumbagan. Subukan niya lang talaga at kakaratehin ko siya!! Kyaa!!

ang eksena, nasa doorway pa kami.

Iyong totoo? gusto pa ba nila kaming papasukin? tsaka!!! ano bang ginagawa ni Borg dito???

Nagmano ako kay Mama.

NAKU HA!!! hindi ako pala mano, sinimulan kasi ni Borg to eh.

"Tita, i should go na... may gagawin pa din kasi talaga ako." <--Trevor.

"Mabuti pa nga." <---Borg!!!

nababaliw na talaga tong halimaw na to eh.

"No, stay here for dinner, actually, itong si Borg, nakita ko kaninang pasilip silip diyan sa labas, kaya pinapasok ko nalang dito and i invited him to have dinner with us." <--Mama, taray ni Mama, nag eenglish na siya ngayon. Iyong totoo Ma? nanuod ka nanaman ng English movie no? *__*

aha! pasilip silip pala si Borg, napadaan pala ha? siguro akala niya kanina makikita niya ako sa bintana na parang si Rapunzel. Sorry nalang siya, nakipag date ako kay Prince Charming ko, sinundo niya ako riding his white horse.

"Kaya nga naman Trevor, kumain ka muna kasi napagod tayo sa lakad natin." Sabi ko, pinadinig ko talaga kay Borg. Akala niya ha! siguro naman, tatantanan niya ako. Ayun, napakamot batok siya, urgghes!! Ganda ng armfit ni Borg.

mahal ko na siya.

natulala nanaman ako.

Napalunok ako ng buong husay iyong may tunog na -- * ulgh * (*__*)

"Sige Tita. Total, namimiss ko na ang luto ninyo." <---Trevor.

AYUN SI MAMA, LAKI NG NGITI, complement na naman iyon para sa luto niyang pa-cham.

Pa-Chambang ulam. =_=

ANO PAPASUKIN BA NILA KAMI O HINDEE??? IYONG TOTOO?

"What's going on here?"

oh my gad!

MALALAMAN NA NIYANG BF KO SI TREVOR? matatanggap niya kaya si Trevor bilang Bf ko?

oh diba? di ko iniisip kong matatanggap niyang bakla ako. Keltok talaga ako nito kay Papa, gusto pa naman niya akong maging Superman dati, eh nagbago na ang lahat, bet ko na ngayon si Superman.

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now