Pt. 021

20.4K 349 14
                                    

pt. 021

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Clarence. Nakapamaywang pa ako, tinaasan ko sila ng aking fake extension eyelashes.

di biro lang, wala fake extension eyelashes, kusang mapungay na talaga ang aking mga mata. (^_^)

kilay? mata? ang gulo ko.

ow whatever!

"Bakit masama bang pumunta dito at panuorin ko kayong nagdedebate?" <---Clarence, pero anong debate? adik ba tong impaktitong ito??? pero naku ha! 

ampogi niya sa suot niyang Jersey. Feeling ko nga wala syang ibang damit, kasi naman puro Jersey ang suot niya, at i-take note ang wristband niya, meron pa siyang hawak na malaking pokeball.

ah baka nanghuhunting din siya ng mahuhuling pokemon sa Field.

"hindi kami nagdedebate no! nagdu-duel kami ng mga alipores ni Betty." Umismid ako. Baklang-bakla ako pagkaharap ko itong impakto na ito eh. Lakas kasi mambasag ng trip!!

"ah--" pinapasa pasa niya ang pokeball sa magkabila niyang kamay habang nalapit siya sa amin ni Nayette.

"teh--- dito kalang sa likod ko, baka hulihin ka niya at ipasok ka sa pokeball niya." Mahina kong bulong kay Nayette.

"okay lang neng, pogi naman niya talaga eh. willing ako magpahuli." <----NAYETTTE!! ngiting ngiti ang bruha! tseee!!

YUNG TOTOO TEH!!!! ALAM MO NAMANG KALABAN KO TONG MOKONG NA TO EH!

hanggang sa makalapit na siya sa amin, tapos nakatingin siya kay Nayette kaya napaatras kami ng konte.

"akala ko kasi magkakagulo na talaga kayo kanina, lalo na ng sumugod iyong isa--- pero alam ko namang kaya mo iyong isang iyon eh. No match sa iyo iyon." <---Clarence, pero iyong totoo? sino ba kinakausap niya? ako si Nayette?

ako iyong sinugod pero kay nayette siya nakatingin? baliw na itong lalaking to eh.

"talagang kaya ko iyon no! matakot sila sa ganda ko, tsaka --- kaya lang naman malakas loob ng mga iyon makipaglaban kasi alam nilang wala ng masisira sa mukha nila."

ang sama ng ugali ko =_=

ay naku! kasalanan nila iyon no! kinakalaban nila ako eh.

"Hahaha! baliw ka talagang bakla ka. nakakatawa ka..." Nakatingin na siya sa akin, mga 3 ruler nalang layo niya sa amin, "...pero kong sumugod silang tatlo sa inyo, ako mismo uupak sa mga iyon." Nagpapa-pogi points ata siya kay Nayette.

Itong si Nayette naman, tsseeeeee!!! kinikilig! hindi sya dapat kiligin sa mapanlinlang na bibig ng impaktong ito. heeeennnnnddeee!

"alam mo, hindi ko kailangan ng tulong mo no, baka magkaruon pa ako ng utang na loob sa iyo." sabi ko.

"edi utang na labas nalang." <---Seryoso siya niyan!! napatingin ako ng masama sa kaniya, si Nayette, makangiti, dalagang dalaga. tsee! iwanan ko kaya itong dalawang to dito.

"kahit na utang pa sa tindahan yan no, hindi ko kailangan ng tulong mo."

"ang init ng dugo mo sa akin no? i'm being polite na nga sa iyo, kasi sabi ni Trevor, maging mabait daw ako sa iyo kahit labag sa aking kalooban." Sabi niya.

urgggh!!! naalala ko bigla si Trevor my love, kung sabagay, alam niya kasing pinagtitripan ako nitong dude-dude niya eh.

mabuti nga sa kaniya at pinagalitan siya no! bwahahha.. mahal talaga ako ni Borg..

Borg? ay Trevor pala. anu ba! magkatunog kasi eh!

magkatunog daw? tahaha ^0^

anyways!!!

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now