Pt. 013

20.6K 381 45
                                    

pt. 013

"Ma!" <--ako! talagang umaapela ako, hindi ito makatarungan no. Oo, alam kong ginamit ko si Borg para hindi ako makagalitan ng buong husay. Pero, ang patulogin si Borg sa aking kwarto na katabi ako? na utang na loob na ang liit ng kama ko no, kahit pa pang dalawang tao iyon, nagpapaikot ikot kaya ako matulog atska hindi siya pwede sa lapag dahil hindi siya magkakasya sa sobrang taas niya at malaking halimaw!!!

"Bakit Koi may problema ba?" <--si Mama, pumasok siya sa mumunti naming kusina...

"Ano kasi Ma---" Urghes! paano ko ba sasabihin na hindi kami pwedeng magtabi no? baka mamaya manyakin ako nitong halimaw na ito eh!! nakatingin ako kay Borg. Napakibit balikat siya.

"Tita, pwede naman akong makitulog sa mga kaibigan ko." Sabi ni Borg.

Ayan tama yan! doon siya matulog sa mga kaibigan niya no!!! urgh.. ang sama ng ugali ko? pagkatapos ko siyang bulabugin sa kaniyang pagtulog eh parang ipagtatabuyan ko siya...

paano naman no? hindi ako handa sa ganito, atsaka.... ngayon palang ako matutulog na may katabing lalaki sa tanang buhay ko!!!!

ang inaasahan kong makakatabi ko ay si Trevor hindi si Borg!!!

"Hindi, dito ka sa bahay matutulog, at sa kwarto ka ni Koi matutulog." Sabi ni Mama. Inaayos niya ang mga plato.

arghes! grabe na ito. paano ba ito... *___*

"Pero, tita, pwede naman akong dito nalang sa sala matulog? sana'y naman akong matulog sa couch o upuan." Sabi ni Borg.

Tama yun!! galing talaga ni Borg!! dapat sa sala siya matulog no!! wala namang lamok dito sa bahay no. Sa sobrang linis ng Mama ko, pati kasulok sulukan nitong bahay, linis na linis.

Pagkatapos maihanda ni Mama ang plato at makakain namin ni Borg. Tumayo siya ng tuwid, tumingin siya sa aming dalawa ni Borg. Napatingin tuloy ang mata ko kay Borg. Parang kalma lang itong halimaw na ito eh! dapat kasi, tumakbo na siya sa labas kanina eh. errrr!!!

"Ano bang problema ninyong dalawa? eh ano kung tabi kayong matutulog, parehas naman kayong lalaki diba?" <---MAMA!!!!

MAY GAD!! PWEDE BANG SUMIGAW AKO AT SABIHIN KONG!!

MAMA! ISA AKONG SERENA! HINDI AKO LALAKI, AT ITONG LALAKI NA ITO? HALIMAW YAN!! BAKA NANGGAGAHASA SIYA NG SIRENA!! AT KATAPUSAN KO NA KAPAG NAGTABI KAMING DALAWA!!!

"Wala naman problema sa akin iyon Tita, baka kasi-- si Koi, ayaw niya akong katabi." <--Borg!! halimaw talaga!! lumapit na siya sa upuan. Kafal ng fes nitong halimaw na ito, feel at home.

at huwaaattt? okay lang daw sa kaniya!! naku ha!! sabi na, may binabalak na masama sa akin itong lalaki na ito eh. humanda talaga siya!! may baseball bat ako sa loob ng kwarto!!

"tara na Koi, kain na muna tayo." <--Borg!!

"Oo nga anak, mukhang gutom na gutom kayo sa ginawa ninyo nitong si Borg eh." sabi ni Mama na parang may something na nangyari sa amin ni Borg sa tono ng pananalita niya!!

tsssseeeeee!!!

wala kaming ginawa!! at wala kaming gagawin. eeeeeeehhkkk! ano ba iyang mga iniisip ko!

nakabusangol ako habang papalapit sa mesa, inilapag ko muna ang bag ko. Hindi na muna ako naghubad ng uniform, parang nakaramdaman na din kasi ako ng gutom.

pwumesto na ako sa tapat ni Borg. Hinawakan ko ang kutsara at tinidor. Nakatingin ako kay Borg.

"Tita, ang sarap ng ulam, luto niyo?" <--Borg!! urghes!!! hindi kaya masarap magluto ang Mama ko, charoterong halimaw na ito!!

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now